:: pilot chapter ::

3 0 0
                                    

Pagkabukas ko ng ref, kinuha ko yung kakanin na inuwi ni mama galing sa pinuntahan niyang birthday ng pinsan ko.

Pumwesto ako sa tabi ni mama sa sala kung saan nanonood sila ni papa ng kdrama sa HallyuTV.

"Katatapos lang natin kumain ng dinner kanina ah? Gutom ka nanaman?" tanong sakin ni mama.

"Hindi ka ba nananaginip? Lagi mo nalang binubusog sarili mo tuwing gabi imbes na sa umaga para may gana ka sa buong araw," dagdag pa ni papa.

Yun nga problema ko eh, wala akong napapaginipan nitong mga nakaraang linggo. Kahit na anong gawin ko, basta sana managinip lang ulit ako.

"Ikaw nga eh, pa. Di ka naman nabubusog pero laging parang may kaaway ka sa panaginip mo." pagkomento ko na naging dahilan kung bakit napatawa bigla si mama, "Oo nga naman!"

"Napagod kasi ako kaya ganon!" pagdedepensa niya sa sarili, "Alam mo yun? Yung pakiramdam na mapagod?"

Ngayon si papa naman ang natatawa habang si mama naman natahimik.

Huling pagkakataon kong managinip, noong napaginipan ko siya bigla. Yun ang pinakauna at huling beses kong napaginipan siya na napakalinaw at tagal na hanggang ngayon ay di ko maalis sa isipan ko ang mga pangyayari sa panaginip na yun.

Sinave ko pa sa Notepad app yung parang narration ng mga nangyari, nung natapos akong magtype narealize ko kung gano kadetailed pala nung panaginip na yun.

Karamihan sa mga panaginip ay medyo malalabo na hindi mo maintindihan kung anong nangyayari, pero bakit ganon? Ilang taon nang lumipas nung huli ko siyang nakita ah..?

Elementary graduation, gusto ko sana siyang lapitan noon bago kami magsi-uwian kasama ang kanya kanyang mga pamilya kaso... hindi ko na maalala kung bakit pero pakiramdam ko ay parang may pumipigil sakin.

Ngayon, gusto ko sana maituloy yung panaginip. Dahil hanggang doon ko nalang siya puwedeng makasama. Doon ko nalang siya nakikita.

Buhay pa naman yung tao, pero taken na kasi eh. Bandang mga Second-year High School noon, magkaiba na kami ng school na pinapasukan, nung nalaman ko sa dati kong best friend, na kaschoolmate niya, na may karelasyon na siya. Dalawa o tatlong taon lang naman ang lumipas pero nagkaroon na siya ng Girlfriend.

Wow, bilis magbinata ah. Gwapo, matalino, at maginoo naman siya kaya di nakakapagtaka. Kaya ko naging crush yun eh.

Sabi sabi kasi noon nung nalaman nilang crush ko siya, crush niya rin daw ako. Doon ko natutunan kung ano ang "M.U." pero tuwing wala akong ginagawa, napapaisip ako...

Hindi ako naniniwala noon kasi sa tuwing tinitingnan ko siya nakatingin din pala siya sakin pero yung mukha niya ang seryoso, at doon ko natutunan na nakakatakot palang magkaroon ng crush sa isang tao na di natin alam kung gusto ka rin ba talaga.

Bago kami nagkaalaman na may crush kami sa isa't isa raw, payabangan kami tungkol sa Minecraft at kung ano anong mga bagay. Pero nung nagkaalaman na, tahimik nalang siya. Hindi na kami gaano nagpapansinan. Kaya iniiwasan ko nalang siya o kung minsan siya ang umiiwas.

Hindi talaga ako naniniwala noon. Ngayon, nagsisisi na ako. Kahit na Grade 6 lang kami noon, puwede naman kami sa "ligawan stage" kaso wala eh.

Nawalan bigla ako ng ganang ubusin pa yung kakanin na kinakain ko. Ibinigay ko nalang kay mama at dumiretso na sa kwarto ko.

Nang makarating ako sa kwarto, umupo ulit ako sa swivel chair at pumwesto sa harap ng laptop para gumawa ng mga assignments. Pero syempre di nagtagal ay nagcecellphone naman na ako imbes na gamitin ang laptop na kanina pang nakabukas sa harapan ko. Palipat lipat ako sa Efbee-dot-com tapos sa TikTak tapos sa Blue-Birb app.

Habang nagsoscroll sa Efbee, puro mga post ng may jowa at lovelife nakikita ko. Sa TikTak naman, puro tungkol sa "Soulmate AU", "Ulap cover", "Paubaya cover", "Fav. Character headcanons", etc.

Unang beses kong narinig yung "Paubaya" yung part pa na "♪ Ako yung nauna, pero siya ang wakas ♪". Hindi ko alam kung bakit parang feeling ko nakakarelate ako. Kasal na nga yung may gawa ng kanta na yun pero pangbroken parin mga kinakanta– sis, okay ka lang ba??

Habang yung Blue-Birb naman doon nalang ako nakakapagscroll ng matitinong mga tweets. Anong ibig kong sabihin sa matitino? Yung bang mga "spill-the-tea-sis" na uri ng mga tweet?

Chismosa na kung chismosa, lahat naman ng tao nagawa nang makichismis, mangchismis at magchismis.

Maya maya, pumasok si mama ng hindi kumakatok. Naiwan ko kasing nakabukas ng konti ang pintuan kaya ibig sabibin ay walang ganap at okay lang pumasok. Bigla niyang sinuklay buhok ko habang ako naman tuloy lang sa pagscroll.

"Gupitin natin buhok mo bukas?" biglang tanong ni mama at umalis. Isinara na rin niya yung pinto.

Hindi palang ako nakakapagreply, tanong ba talaga yun o ano?

Hinayaan ko nalang at naghanda nang matulog. Sana makapanaginip na ako, ang weird na black lang ang nakikita tapos maya maya umaga naman na. Nakakamiss rin pala managinip.

Kaso sa kasamaang palad, black lang ulit at maya maya umaga naman na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

pansamantagalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon