CHAPTER 3

9 1 0
                                    

A/N: WALA LANG USTO KO LANG MAG HI!

New Classmates.

JAYL'S POV

Maagang umalis si maam dahil may emergency meeting daw na magaganap kaya baka daw hindi rin pumasok ang sub teacher namin after recess.

Prenteng nakaupo lang ako at inilibot ang aking mga mata sa paligid at isa lang ang masasabi ko.

Magulong magulo!

Makikita mo sa gilid ng room ay mga nakatambak na sirang upuan malapit sa may bintana. Kaya pala ang init!

Sa likod naman ay puro kahoy na nakatabak at basura! Kaya pala ang baho dahil may tree ambak na basura.

Sa harap naman ay ang blackboard na butas-butas. Ang teachers table ay parang skeleton at parang pag pinitik mo iyong ay bibigay na.

Hindi ba sila marunong maglinis? May babae panaman tapos ganto hayst. Nakakapagod din naman kase maglinis.

Nakaupo lang ako at pinagmamasdan ang paligid ng makaramdam ako ng pagkaihi. Dahan-dahan akong tumayo at dali-daling lumakad papunta sanang cr pero kamalas-malas nashoot yung paa ko sa butas! Oo may butas sa gitna pa ng classroom. Ano to patibong? Kaya ang ending lagapak ako sa sahig.

BLAG!

Napatingin ang mga kaklase ko sakin at ilang saglit lang ay humagalpak na ng tawa.

Supalpalin ko bunganga nyo eh!

Agad naman akong tumayo at pinagpag ang palda ko kase nagkaroon iyon ng alikabok ng bigalang may nagsalita sa likoran ko.

"omg you're so clumsy" natatawang ani nung maarteng babae. Maganda naman siya pero maarte. Inis ko siya inirapan at ginayagaya ang sinasabi niya.

"Nyenye you're so clumsy nyenye" sabi ko sabay irap at umupo na ulit sa upuan ko. Umurong kase bigla ang pagkaihi ko taena.

"Hi ate i know it's so embarrassing pero okay lang yan"

May biglang sumulpot sa tabi kong babae parang mga kabute. Sabay din silang nagsalita. Kunot noo ko silang tinignan at nagpalipat-lipat ng tingin. Magkapareho kase sila ng mukha pero magkaiba ang kanilang damit. Kambal ata sila.

"Sabay-sabay lang ang peg?" sabi ko sakanilang dalawa habang nakakunot noo.

"Baket po ate bawal po ba?" nakangiting sabay na sagot ulit ng magkakambal.

Napipikon ako!

Huminga ako ng malalim para kumalma kahig konti kase para akong sasabog kahit anong oras.
Magsasalita na sana ako kaso may biglang sumigaw sa likod ko kaya napalingon ako dun pati ang magkakambal!

"Uy mga panget lubayan nyo nga si ate Jayl!" sigaw nung lalaki sa likod. Inirapan lang siya ng dalawa sabay alis sa gilid ko. Akala ko makakahinga ako ng matiwasay ng biglang may umupo ulit sa harap ko na nakangiting aso.

"Hi Ate Jayl!" nakangiting sabi niya. Ako naman tinignan lang siya. Bat parang ang bata niya? Feel ko nasa 14 or 15 ito.

"Hi Ate Jayl!" paulit niya sabay kaway sa mukha ko. Napakunot nalang ako ng mukha. Mukhang mapipikon ulit ako nito.

"Kailangan mo?" Mahinahon pero nakakunot noo natanong ko. Manggugulo ba siya? Gusto ko matulog eh.

"Wala lang HAHAHA" parang baliw niyang sabi. Inis naman akong tumingin sakanya at magsasalita na sana ulit ng biglang tumunog ang bell pahiwatig na lunchbreak na.

food here i come!

Nagsimula ulit ang magingay ang mga kaklase ko pero nakakapagtaka dahil ni isa sakanila ay parang walang balak maglunch. Baka naman kumain na sila kanina kaya hindi na sila maglulunch o dikaya nagdidiet sila.

Agad akong inayos ang laman ng bag ko at sinabit na ito sa balikat ko. Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad patungo sa pintuan. Napansin kong nakatingin silang lahat sakin na may pagtataka sa mukha pero inignore ko lang. Baka nagandahan lang sila sakin. Hayst nakakabighani talaga ang gandang Jesse Blair.

Kahit naiilang ay diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng room.

AT CANTEEN

after 20 minutes na paghahanap ng canteen at finally nasa taapt na ako ngayun ng canteen ayaw kasing lumapit sakin ng mga studyante dito para bang may nakakahawa akong sakit.

Malaki ang canteen dito may malalaki din na mga glass window kaya kita dito ang loob ng canteen. Agad akong pumasok sa canteen dahil shet na malagkit nagugutom na ako. Actually may baon ako sa bag ko isang Bisquick hindi naman ako mabubusog dun eh.

Pagtapak ko sa loob ng canteen ang kaninang maingay sa loob ay napalitan ng nakakabinging tahimik. Lahat din sila ay nakatingin saakin. Ngayun lang ba sila nakakita ng dyosa? Ehe.

Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng canteen at isa lang masasabi ko.

Maganda

Oo as in maganda parang ginastusan talaga ang school na ito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa counter at lahat sila ay nakatingin lang saakin mukha silang tanga. Jusme.

"Hi po pabili po ng tatlong burger tyaka softdrinks" sabi ko sa tindera ng makalapit na ako sa counter.

"A-Ah sige sandali lang" sabi ni Ateng Tindera kaya umupo muna ako dun sa mga upuan dito para maghintay.

Inilibot ko yung mga mata ko sa kabuuan ng cafeteria dito. Grabe ganda talaga kesa dun sa pinapasukan ko dati.

"Bakit yan nandito?"

"Lakas ng loob nya ah"

"Lagot siya kay Pia mamaya"

Rinig kong bulongan ng mga studyante dito. Parang hindi naman bulongan ata yun kundi parinig. Mga chismosa.

"Ms ito na yung burger" tawag sakin nung tindera kaya agad akong lumapit sa kanya at kinuha yung wallet para magbayad.

"Ito po ate oh" sabi ko sabay kuha sa burger tyaka sa softdrinks.

"Sobra ito bata" sabi ni ate at tinaas yung pera 500 yun at 102 lang dapat ibayad ko. Wala kasi akong barya hehe.

"Keep the change" sabi ko sabay lakad para lumabas. Nakakailang tumambay dito. Nagbubulungan kase sila habang nakatingin sakin kairita tusukin ko mata nila eh. Tignan nyo.

Mga libakera!

Papalakad na sana ako para lumabas ng biglang may bumangga sakin. Mga tatlo sila.

---

VOTE AND COMMENT!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG SECTION D NG BHVS (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon