Chapter One
The Gonzales Family
BREJANNA TRINITY
"You're transferring to Labyrinth Academy, Trinity. And you can't do anything about it."
I smirked upon hearing my mom's voice echoing in my head, the exact words she said few moments ago replaying on my mind. I gulped the remaining contents of the glass I was holding. Damn, tequila's taking it's toll on me again.
Someone suddenly patted me from behind. I turned, not so surprised to see Maggie's drunk face. "Trinity,"
"What?"
"Iniisip mo pa din ba yung paglipat mo sa LA?"
Napangisi ulit ako. Maggie really knows me.
"So what?"
"Just stop thinking about it, atleast for now! Malay mo di ba, your Mom suddenly cools down and forgive you. She'll let it slide, trust me. Stop drinking in here and have fun with us! Come on! Where's the party animal in you now?"
Naisip ko na din yan. That my mom would just let this slide like any other headaches I've caused before. But no, not this time. Mom's just too sick and tired with my troubles and all. She already made up her mind. And I'm damn frustrated about it.
"You don't know my mom, Maggie. You don't know Bliss Twaylem Gonzales."I said.
Maggie just shrugged her shoulders and left. Sign of defeat. It's actually an expected reaction since I already mentioned 'the name' everybody fears up whenever they've heard of it. Lalo na sa mga nakaka-alam sa LA.
Well, who wouldn't fear up Bliss Twaylem Gonzales? She's one hell of a monster, I tell you.
And yes, she's my mom.
Okay naman sya as my mom. I mean, napalaki nya ako ng maayos, naibigay lahat ng luho at mga gusto ko pero may mga pagkakataon lang talaga na hinahanap ko yung 'closeness' na natural sa mga mag-ina. Yung tipong naio-open up ko sa kanya lahat ng mga saloobin ko sa buhay, yung mai-kwento ko sa kanya yung tungkol sa mga crush ko, sa unang pagkakataon na nagka-period ako and all those stuffs a daughter and a mother can discuss.
But unfortunately, lumaki ako na hindi masyadong affectionate sa mommy ko. I feel to distant with her. Like she's almost a mere stranger if it not for the fact that she's my mother. Sa awa ng Diyos, kabaliktaran na man yan ng relasyon ko kay daddy. He's the best guy I've ever known. No one can level up to Tao Yoshida.
I jolted when my phone rang.
お父さん calling...
(Daddy)
I swiped the answer button and just right after, "Brejanna, just where the hell are you in this unlady hour?"
My eyeballs almost popped out of their sockets with what dad has said. Sht, they're supposed to be in Tokyo right now! How the heck did he knew about my whereabouts?! "O-oh, dad. Nasa bahay po ako. I was almost asleep and then you called. Hehe."
There was a long deafening silence on the other line...
"I don't think our house sells alcohol beverages and has ear-shattering sound systems, Brejanna. Get your ass back home immediately or you'll be punished."
Holy cow, I'm doomed!
xxxx
Nagmadali akong umuwi dahil paniguradong hindi magiging maganda ang parusa ng parents ko pag nagkataon. Tngina Trinity, lagot ka na naman.
"Ma'am andito na po tayo. 150 po yung metro." parang kakawala sa ribcage ko yung puso ko sa sobrang lakas ng tibok. Paano ba kasi nalaman ni daddy na wala ako sa bahay?!
"eto 200 kuya"inabot ko yung 200 bill at nag-antay ng sukli. Pero nagtaka ako kasi parang tangang nakangiti lang sa'kin yung driver at parang any moment e ready na syang umalis. Gwapo sana kaso lapuk.
"Kuya, alam kong maganda ako pero pakibigay na yung sukli ko kasi nagmamadali ako."sabi ko nung lumipas na ang ilang segundo at hindi pa rin nya binibigay yung sukli ko.
Biglang nawala yung ngiti nung driver tapos pasimangot na kumuha ng sukli at halos padabog na inabot sa'kin. Aba't talagang! "Ang damot, parang fifty na lang ayaw pang ibigay. Tch."
"Excuse kuya ha, pero dalawa lang tayo dito sa taxi at halatang ako yung pinariringgan mo. At ano? Madamot ako? Aba, kahit maganda ako at mayaman hindi ko pinalalagpas ang singkwenta! Pambili din 'to ng mogu mogu 'no!"sabay labas ko sa taxi at balabag ng pinto. Bwisit na driver! Maaksidente ka sana!
Binelatan ko pa yung taxi bago yun humarurot paalis. Pesteng driver, sana hindi ko na ulit yun makita kahit kaylan!
Lakad takbo ang ginawa ko dahil malayo layo pa yung bahay namin. May squaters area kasi muna at gubat na madadaanan bago makarating sa bahay namin. Pero secured naman ang security naman dahil kilala na kami ng mga tao dito. Binata pa lang kasi si daddy dito na sya nakatira. Imbis na tumira sa bahay ng grandparents ko o bumili ng panibagong bahay sa anumang exclusive village, nagdesisyon na lang silang manirahan sa bahay na yun. Ayon kay daddy, marami silang good and bad memories ni mommy dun. Memorable, ika nya.
"Trinity!"napalingon ako dun sa kumpol ng mga tambay na nag-iinom ng may tumawag sa 'ken. Si Tikboy lang pala, yung kilalang tanggero dito sa squaters area. Hindi na ata nasasayaran ng pagkain ang tyan nya, halos puro alak na lang. Paniguradong cancer sa atay ang magiging sanhi ng pagpanaw ng unggoy na 'to.
"Oh baket?"paangas kong sagot.
"Tagay ka muna bago ka umuwi. Sige na, isa lang naman e."pag-aaya nya. Naki-'sige na' na rin yung mga kainuman nya. Napatingin ako sa iniinom nila at napangiwi. Sht, pulang kabayo. Kahit kaylan hindi ako uminom nun dahil sabi ni Ninang pangit daw lasa nun.
"Next time na lang Tikboy, nagmamadali ako e. Ge bye."sabay takbo ko pauwi. Syempre joke lang yung next time. Kahit kaylan di ako makiki-inom sa inutang pa nilang pulang kabayo. Utut nila.
Nagtaka ako ng makitang bukas ang ilaw sa bahay. Teka, nakauwi na ba si Prince? Pero friday pa lang ngayon. Bukas pa dapat ang uwi nya galing JYP Int. School.
Mabilis kong binuksan ang gate at agad pumasok sa loob. Nagtatanggal ako ng sapatos ng mapansin kong parang medyo puno ang shoe rack namin ngayon. Di ko na yun pinagtuonan ng pansin. "Princess!"sigaw ko. Princess talaga ang tawag ko sa kapatid ko, pang-asar ko sa kanya. Mas mukha kasi siyang babae sa'ken.
"Princess!"tawag ko ulit ng walang sumagot. Nagtaka ako kaya lumingon ako sa second floor at agad kong pinagsisihan yun,
dahil andun si Mommy. Naka-cross arms at lumagpas sa Mt.Everest ang tass ng kilay na may kasama pang kunot ng noo. Rest in Peace, Brejanna Trinity Gonzales. You'll always be remembered.