"Sebyo!" Sigaw ng isang mahinhin at pinong boses mula sa isang dalaga "Alis bilis! Itatapon ko tong bato"Nakinig sya dito at pinanood nya lamang ang ginagawa nitong pag lalaro.Mula sa pwesto nito ay itinapon nito sa tubig ang malapad na bato.Natigilan sya dahil sa lakas ng pagkakahagis ng dalaga ay tumalsik ang tubig at natamaan sya dahilan upang mabasa ang kanyang damit.
Kapwa naman silang gulat na napatingin sa isat isa.Pinagmasdan nya ang dalaga na may pagaalala sa damit nyang nabasa ngunit ng marealize nito ang itsura nya.Nagsimula itong matawa ng malakas na tila isa syang payaso na nagpeperform para sa nakakatuwang magic tricks.
Dahil dun,tila napukaw ng magandang tinig ng pagtawa nito ang kanyang atensyon.Hindi nya namamalayang nakangiti na pala sya habang pinagmamasdan kung paano ito humagikgik dahil sa simpleng basa lamang ng damit nya.
Mababaw ang kaligayahan nito.Pero para sa kanya,sa simpleng pagtawa lang ng dalaga.Mabilis dinala pailalim ng damdamin nya ang nararamdaman nya para dito.Ang makitang napasaya nya ito ay tila isa ng tagumpay na nagawa nya sa buhay.
"Ah ganun" nangingiting nyang turan sa dalaga "Basaan ba ang gusto mo? Kasi pagbibigyan talaga kita" wala syang pasabi ng mabilis nyang isaboy sa dalaga ang tubig ng sapa na dumadaan sa mga binti nya.
Nagtitili tili ito habang natatawa habang masaya naman nya itong sinasabuyan ng malamig na tubig.Alam nyang hindi magpapatalo ang dalaga dahil nung oras na tumigil sya gumanti ito na dahilan para mabasa na sila ng tuluyan.Ito ang simula ng kanilang inosenteng paglalaro mula sa malinaw ngunit malamig na sapa.
Hindi nya pa nararanasan ang ganitong saya sa kanyang buhay.Lalo na nakasama nya ang dalagang kay rangal.Sa mga mura nilang edad,nahanap na nila ang simpleng kaligayahan.
Ang paliligo sa sapa kahit na may pagaalalang pagagalitan ng mga magulang.Limang taon yun...limang taon nakalipas pero hindi nya nakalimutan ang unang ngiti ng dalaga sa kanya.Ang unang pagtawa nito sa harap nya.At ang pinaka mahalaga.
Ay ang unang pagtibok ng puso nya dahil sa walang muwang na pagibig dito.
Mula noon,iba na ang tingin nya sa dalaga.Hindi lang bilang kapitbahay,kaibigan,
kalaro o kakilala.Kundi may pagibig ng namamagitan dito.Gusto nya itong makasama ng mas matagal.Labis nya itong nirerespeto kung kayat ginagalang nya ang mga disisyon nito.Kahit na nung unang naglakas sya ng loob para amininin nya ang pagibig dito."Gusto kita Maria" ani nya sa dalaga."Gusto kita noon pa,mahal na kita kahit mga bata pa tayo.Tumitibok kasi yung puso ko na to pagkasama kita e"
Natawa ang dalaga sa tinuran.Alam nyang natigilan ito pero gamit ang mahinhin nitong pagtawa itinago nito ang pagkabiglang naramdaman dahil sa tinuran nya.
"Sebyo.." Sambit nito sa pangalan nya,kapagkuwan ay masuyo sya nitong hinawakan sa pisngi "Mga bata pa tayo.Marami pang mangyayari.Kaya ngayon,
panghawakan mo yang nararamdaman mo.
Kailangan mag tapos muna tayong dalawa.Pwede bayun?"Dahil sa sinabi nito,dapat kabiguan ang mararamdaman nya.Pero tila mas lalo pa syang humanga dahil sa pagpapahalaga nito sa pag aaral.Kaya naman kahit papano,hindi sya nalungkot.
May panghahawakan na sya,at kailangan nyang maghintay para dito.
Dahan dahan,nginitian nya ang dalaga.Ganun din ang ginawa nito sa kanya.At kahit ilang beses nya na itong nakikitang nakangiti,ang isang to ang pinakagusto nya.Ang tumatak sa pusot isip nya.
BINABASA MO ANG
Im not Maria Esther (BXB Mystery)
Mystery / ThrillerIsang babaeng taga Sitio Sampaguita ang nag-ngangalang Maria Esther.Sa malapurselana nyang kutis at mala anghel nitong mukha ang nag pabihag sa mga mata ng binata roon.Sa kagandahang taglay isang gwapong binata na taga maynila ang mahuhulog sa dalag...