TAILOR 4: Roaming The Town

181 13 0
                                    

Credits to the original owner of the photo above. Photo is used for reference of the story.

🪡🪡🪡

KOHLEN

"Codie, tara na sa Town Awi."

"I'm not in the mood, Kohlen. Go by yourself."

"We should go."

I don't want to."

"Codie, tara na!" Patuloy pa rin ang aking pangungulit kay Codie na sumama sa akin sa bayan. Kaso ayaw niya. I need a secret weapon.

"Kapag nakita ko yung babaeng kausap ko kanina Codie aayain ko siyang lumabas."

Tinitigan ako nito at naglakad palayo sa akin.

"Saan ka pupunta?" Pagtataka ko.

Walang lingon-lingon at sinagot niya ako, "Town Awi."

Babae pala magpapagalaw dito, e! Tsk! Kinailangan pa na ipaalalako na iyong babaeng iyon ang parang aayain ko na lumibot sa bayan.

"Are you coming? Or I'll leave you, Kohlen?"

"Aba! Sasama ako!"

Gaya ng usapan namin ni Haring Howard may naghatid sa amin sa kanilang bayan. Naglibot kami ni Codie at nagbukas na ako ng maaari naming pag-usapan. Nababagot akong kasama siya dahil mapapanis laway ko nito kung hindi ako magsasalita.

"This place is superb, Codie! Ang tanga ng mga tsismoso't tsismosa sa atin. 'Yong mga nagsasabing nakakatakot ang lugar na ito dahil sa mga Wainwright? Hindi naman, e! I can't believe we'll find a town packed with civilize people and won't treat you too differently." Tumango lang siya. Kahit kailan ang isang 'to. Hindi marunong makisama at sumagot ng maayos. "Codie, let's go to a bar. What do you think?"

He pause for a while and, "Sure."

Ang tipid! Dati rati ang daldal nito. He was the talkative person at our place. He kept inventing stories that never existed and I was fond of it all. Maybe, maybe the reason why he is like this was because of our past. It did change our lives three hundred sixty degrees. Haist!

As we were walking, somebody caught my attention. I turn back at a thrift boutique. Tuloy-tuloy ang lakad ni Codie, pero tumigil ako at nilingon ang babaeng nakita ko. She was gone.

The crowd block her completely, I couldn't see her.

"Hey, Kohlen! Anong ginagawa mo diyan?" Untag na tanong sa akin ni Codie.

I gave up finding the young maiden and went back to Codie's side. "Wala. Namamalikmata lang ako."

Nagtanong kami sa mga nadadaanan naming mga mamamayan kung saan ang pinakamalapit na bar. Sinunod namin ang direksyon na binibigay nila sa amin at nakarating na nga kami roon. But there was a ruckus in that bar when we arrived. A fierce woman pulled out a man out of the bar. Dali namang tumayo ang lalaki at gumanti ito ng suntok. Napasinghap ako dahil sa ginagawa niya.

"Tsk! Gago!" Mura ni Codie sa tabi ko at akmang lalapit sa kanila pero hinigit ko ito pabalik sa tabi ko. "Let go, Kohlen."

"Huwag kang makisama, Codie. Mukha namang kaya niya."

"She's a woman that must be respected! Not an object to punch!"

"Alam ko, Codie! Pero iyan 'yong babaeng nasa palasiyo kanina. She can fight. Give her some pride!" Napalingon ako muli sa babae at napangiwi. Ang sakit ng impact ng sipa at tadyak niya roon sa lalaking nanununtok sa kaniya. Parang nakikita ko tuloy ang sarili ko sa posisyon ng lalaking iyon. Naaapektuhan ako sa sakit na nararamdaman niya.

The Tailor Princess [Wainwright Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon