chapter 2 "school"

862 30 8
                                    

Rhiann Pov.

~kinabukasan~

"Cringgg... cringgg..." tunog ng alarm clock ko.

Tiningnan ko ang orasan kayang anong oras na at 5:35 am na pala.

Bumangon na 'ko upang makapag handa na rin para sa almusal namin.  Nagtungo muna ako sa banyo saka naghilamos at nagsipilyo pagkatapos ay bumaba na 'ko. Magluluto na lang muna ako bago maglinis kaya nagtungo na 'ko sa kusina para magluto ng almusal.

Ito na ang pinaka maagang gising ko, dahil no'ng nasa bahay pa 'ko nina Mommy at Daddy, tanghali na 'ko gigising kapag walang pasok. Kapag  may pasok naman ay 6:35 am na ako gigisingin ni Manang kaya naninibago pa ako haysstt.

Bahala na nga, magmula ngayon sisimulan ko na ang trabaho ko bilang asawa at pagsilbihan ko ang asawa ko. Buti na lang kahit mayaman kami marunong pa rin akong magluto.

Kahit kasi may maid kami tumutulong pa rin ako sa gawaing bahay noon. Tuwing weekends nagpapaturo ako kay Manang kung paano magluto. Kaya kahit papaano marunong ako at adobo ang favorite kong ulam. 'Yon din ang lulutuin ko ngayon para sa almusal. Ang daldal ko na masyado hehehe!

Pagkatapos kong magluto, naglinis kaagad ako upang madali kong matapos lahat ng gawain. Para na rin makahanda ako at makapunta ng school.

Pasado 6:55 am na 'ko natapos sa lahat ng gawain ko. Kaya nagmamadali na akong umakyat sa taas upang maligo na at magbihis. 7:30 am ang pasok namin and I have only 45 minutes para ayusin ang sarili ko.

Pagkatapos kong maligo't magbihis bumaba agad ako upang kumain.
'Di ko na kailangang gisingin si Bryan Kasi nakita ko naman siya kanina na kumain. Bago ako umakyat kanina, bahagya pang natigilan nang tikman niya 'yong adobo na niluto ko. 'Di ko alam kung nagustuhan niya 'yon, eh.

Pagdating ko sa kitchen, wala na si Bryan. Baka naligo na 'yon kaya kumain na lang ako. Alam ko namang ayaw niyang sabay kami kumain, eh.
Simula no'ng e-arrange marriage kami, I always felt that he don't want  to merry me.

Dahil alam kong may mahal na siyang iba na gusto niyang pakasalan.

I remember what he told me when we  have a dinner with our family. He said, if we are already married, he will never treat me as her wife. He said dream on! That's why, I already know what would be gonna happen. But because I love him, I will do everything for him.

I know, darating din ang panahon na ituring niya akong asawa at mahalin niya ako. I always put in my mind that, time will come and he will learned to love me. I'll wait that time. 'Yon lagi ang nasa isip ko at ayaw ko rin mag-isip ng mga negatibong bagay.

Maya-maya tapos na akong kumain at nag-ayos. 'Di rin ako mahilig sa mga make up.

Kaya karamihan sa mga kaklase at schoolmates namin hinahangaan ako. Keso raw kahit mayaman ako simple pa rin at 'di maarte. 'Di tulad ng iba na mga spoiled brat daw.

May nakakita nga sa 'kin na tinulungan ko 'yong batang pulubi. Kaya binansagan akong dakilang mabait at matulungin. Halos karamihan sa mga kaklase ko ang humanga sa 'kin, except lang sa isang taong mahal ko.

Kahit nga ang ex-gf nito noon humanga rin sa 'kin. Minsan rin kami nagkalapit ng ex-gf niya. Pero no'ng nalaman niyang ako ang babaeng ikakasal sa boyfriend niya ay bigla siyang nagbago. Lumabas ang totoong kulo niya, ang totoong pagkatao niya.

Marami rin naman ang humanga sa ex-gf niya noon, ngunit nang lumabas ang totoong kulo niya ay marami ang nagalit sa kaniya. Naging maldita siya at minsan nambubully lalo na sa 'kin.
Lagi niya akong pinapahiya pero 'di ko siya pinapatulan.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon