Bryan pov.
Maaga akong nagising at tulog na tulog pa ang iba. Dumeretso na lang ako sa puno sa 'di kalayuan. Pagdating ko sa ilallim ng puno ay agad akong umupo at sumandal do'n. May iilan pang mga bituin sa langit at hindi naman gano'n ka liwanag ang buwan.
Hanggang sa naramdaman kong may lumabas ng tent. Pagtingin ko Si Rhiann pala.Ang aga naman niya. Tumingin pa siya sandali sa paligid at maya-maya pumasok ulit siya. Paglabas niya may dala na siyang damit saka naglalakad patungo yata sa banyo upang maligo ng maaga.
Pinagmamasdan ko lang siya habang papalayo siya. May kalayuan din mula rito ang cr. Tumingala ulit ako sa langit nang 'di ko na siya makita. Pinikit ko ang mata ko at 'di ko namalayang naka idlip na pala ako.
Bigla akong naalimpungatan dahil sa ingay. Kaya nagmulat ako. Pagmulat ko maliwanag na pala pasado alas-sais na ng umaga.
Tumingin ako sa paligid dahil ang ingay ingay at parang may hinahanap sila Shane.
"Hi, love. Good morning." bati ni Athena.
"Morning," bati ko rin.
"Anyare sa kanila?" tanong ko sabay turo kela Shane.
"Hayaan mo na sila." sabi ni Athena sabay upo sa tabi ko akmang yayakapin niya ako nang marinig ko ang sinabi ni Aya.
"Asan na ba si Rhiann?" nag aalalang tanong ni Aya.
Napatingin ako sa kanila habang napakunot ang noo ko.
"Di ko siya mahanap, paulit ulit kong tiningnan ang loob ng tent niya wala siya."nag aalalang sabi ni Shane.
"Jake, nakita mo na si Rhiann?" tanong ni Aya sa kakarating pang si Jake.
Umiling si Jake at halata ang pag- aalala sa mukha niya.
"Tob, nakita niyo?" 'di mapakaling tanong ni Shane kela Tom at Tob.
"Di rin namin makita, wala siya sa tabing dagat." tugon ni Tom.
Nag aalala sila. Bakit ano bang nangyari kay Rhiann? 'Di pa ba siya nakabalik galing sa cr? Antagal naman ata kanina pa siya do'n.
Tumayo ako saka nagtungo sa kanila. Pinigilan pa ako ni Athena pero 'di ko siya pinansin.
"Sinong hinahanap niyo?" takang tanong ko.
"Si Rhiann, kanina pa namin siya hinahanap pero 'di namin makita." tugon ni Shane.
"Maaga siyang gumising kanina nakita ko siya papunta sa cr. 'Di pa ba siya nak-----" 'di ko natapos ang sasabihin ko nang bigla akong tumakbo patungo sa cr kung saan ko siya nakita kanina.
Imposible namang 'di pa siya tapos unless kong may nangyari sa kaniya.
Nilakasan ko pa ang pagtakbo pagdating ko sa harap ng cr bigla akong napatigil habang nakatingin sa pinto.
Naka lock ang pinto mula rito sa labas at tinalian pa.
Agad kong kinalas ang tali saka dali- daling binuksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)
RomansaWhat exactly love mean to a martyr one. Lagi na lang bang kawasakan ang pag-ibig? Pagmamahal nawawasak sa isang tao, na nagdudulot ng hindi kaaya-ayang mga pangyayari. A girl fell inlove to a man who never loved her back.Until, they end in a...