chapter 26 "fighting"

503 15 1
                                    


Rhiann's Pov.

*Paakkkk!!

Bigla akong natigilan at napahawak sa pisnge ko sa lakas nang pagkakasampal niya sa 'kin. Ramdam na ramdam ko ang sakit at hapdi ng pisnge ko.

Gulat na gulat din ako dahil sa ginawa niya.

Hindi ko inaasahang sasampalin niya ako.

Sunod sunod sa pag patak ang mga luha kong kusa na lang pumatak.

Sumikip na naman ang dibdib ko. Hindi ko malaman kung bakit madalas ng sumakit ang dibdib ko.

"Shit!" rinig kong sabi niya.

Hawak hawak ko ang pinsge ko habang umiiyak pa rin at inangat ang mukha ko sa kaniya.

"W-why did you s-slapped me?" umiiyak na tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot bagkus sinabunutan niya ang sarili niyang buhok.

"H-hindi ako naki-kipag l-landian  kay Tyron. Nagkataon l-lang na nagkausap kami dahil t-tambayan niya pala ang rooftop at nakita niya akong umiiyak." paliwanang ko habang umiiyak pa rin.

Kahit wala ng saysay ang paliwanag ko dahil nasampal na niya ako. Gusto ko pa ring sabihin sa kaniya Ang totoo.

Nakita kong napatakip siya sa mukha niya.

"I d-didn't mean to slapped you." biglang sabi niya.

Umiiyak na tumayo ako saka tiningnan siya bago tumatakbong umakyat sa taas. Pagkapasok ko agad kong nilock ang pinto saka pabagsak na humiga sa kama habang umiiyak.

Napakabigat ng pakiramadam ko. Lalong sumikip ang fibdib ko dahil sa pag iyak.

Napapadalas na ang paninikip ng dibdib ko.

Lalo kong isinubsob ang mukha ko sa kama saka impit na umiiyak.

This is the first time na sinaktan niya ako. This is the first time na sinampal niya ako.

Ramdam ko pa rin ang hapdi sa pisnge ko. Alam kong bukas bakat pa rin ang palad niya sa mukha ko.

Nasasaktan ako tuwing naiisip kong mas kinkampihan niya si Athena.

Nasasaktan ako tuwing nakikita silang masayang magkasama ni Athena.

Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko na si Athena ang nagpapangiti sa kaniya.

At mas lalo akong nasaktan dahil hanggang ngayon si Athena pa rin ang laman ng puso niya.

Higit sa lahat. Kaya na niya akong saktan physically.

Narinig ko ang papaalis na kotse. Alam kong kay Athena nanaman siya pupunta.

Lalo lang ako napaiyak saka napahawak sa dibdib ko. Naninikip na naman ang dibdib ko. Kaya nagmamadali akong lumabas ng kwarto saka bumaba para kumuha ng tubig.

Kailangan kong uminom ng tubig para mapakalma ako.

Agad akong kumuha ng baso saka nagsalin ng tubig bago ininum. Pagkatapos kong uminom agad na akong bumalik sa kwarto ko.

Hindi na lang ako magluluto tutal umalis naman si Bryan. Wala rin akong ganang kumain.

Bumalik na lang ako sa pagkakahiga. Magang maga ang mga mata ko sa kakaiyak.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon