Rhiann's Pov.Nagising na lang ako nang may humihipo sa buhok ko. Pagdilat ko ang dashboard ng sasakyan ang bumungad sa 'kin.
"Thanks God you're a wake." sabi ni Jake.
Siya pala ang humihipo sa buhok ko at nasa sasakyan niya ako.
"Where are we?" tanong ko sa kaniya.
"Nasa labas tayo ng bahay niyo." sagot niya.
Base sa pananalita niya nag-aalala pa rin siya sa 'kin.
"Huh? Bakit 'di mo ko ginising. Teka! Ano ba ang nagyayari?" takang tanomg ko saka umayos nang upo.
Pero napatigil agad ako ng maramdaman ko ang kirot ng tagiliran ko.
Medyo mabigat rin ang pakiramdam ko. Bigla na lang humapdi ang leeg ko.
"Nahimatay ka. Hindi kita ginising para makabawi ka ng lakas." sagot niya.
Napaisip naman ako at naalala ang nangyari kanina kung bakit ako nahimatay.
"Okay ka na na ba? Wala na bang masakit sa'yo?" nag aalalang tanong niya.
"Medyo masakit pa ang tagiliran ko. Ang hapdi rin ng leeg ko." sagot ko.
"Ang babaeng 'yon talaga!?" inis na sabi niya.
"Okay lang, 'wag ka na mainis." pilit ngiti kong sabi.
"Sorry, dapat 'di kita iniwan do'n kanina." malungkot na sabi niya.
Umiling naman ako sabay hawak sa kamay niya.
"Wala kang kasalanan.
Ako ang may kasalanan kasi 'di man lang ako nakalaban." sabi ko saka pilit ngumiti kahit ang bigat na ng pakiramdam ko."Okay sige. Hatid na kita sa loob." presinta niya.
"Wag na, saka salamat, ah." nakangiting sabi ko saka binitawan ang kamay niya bago lumabas sa kotse niya.
Kumaway pa ako bago siya umalis. Kahit nanghihina na ako dahil sa bigat ng pakiramdam ko pinilit kong maglakad at pumasok sa bahay.
"Why are late? Bakit ngayon ka lang? Do you think it's a normal to a girl like you na uuwi ng alas-dies ng gabi?" tanong ni Bryan pagkapasok ko sa loob.
"S-sorry---"
*Paakkkk!
'Di ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong sampalin. Mas lalong sumakit 'yong katawan ko.
"W-why did you s-slapped me?" nauutal na sabi ko.
Nanginginig na rin kasi ako sa lamig.
"At talagang nagtatanong ka pa, ah!?Anong ginawa niyo ni Jake sa loob ng sasakyan? Huh!?" sigaw niya.
BINABASA MO ANG
The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)
RomansaWhat exactly love mean to a martyr one. Lagi na lang bang kawasakan ang pag-ibig? Pagmamahal nawawasak sa isang tao, na nagdudulot ng hindi kaaya-ayang mga pangyayari. A girl fell inlove to a man who never loved her back.Until, they end in a...