chapter 60 " Fault"

622 21 9
                                    

Bryan's Pov.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga sinasabi niya. At mas lalo akong nasaktan at halos 'di na ako huminga nang inilagay niya ang kuwitas sa kamay.

Nagtataka ako dahil sa ginawa niya.

Anong ibig sabihin nito----?

"Ako ang batang babaeng binigyan mo ng kuwintas noon. At ngayon... patawad kung isasauli ko sa iyo ng hindi natin nabubuksan ng magksama. Mahal na mahal kita." rinig kong sabi niya ngunit napako lang ang tingin ko sa kuwintas na nasa kamay ko.

Nakaramdam ako ng matinding sakit sa dibdib ko dahil sa sinabi niya habang nakatitig sa kuwintas.

Ngayon ko lang naalala na ang kuwintas na ito pala ang ibinigay ko sa batang babae sa Tagaytay noong bata pa ako.

Ito nga ang kuwintas na binigay ko sa batang babae noon. Kaya pala... kaya pala familiar sa 'kin ang kuwintas na 'to no'ng makita ko sa ilalim ng puno kung saan siya umupo ng gabing magkausap sila ni Jake noon sa Tagaytay.

Parang sinaksak ang puso ko ng marealize na ang batang babaeng binigyan ko niyo ay matagal ko na pa lang kasama.

Patuloy sa pagbuhos ang mga luha ko habang nakatingin pa rin sa kuwintas na nasa kamay ko. Parang piniga ang puso ko sa sobrang sakit ngan unti- unting nagsink inn sa utak ko ang sinabi niya.

Nakita kong humakbang na siya. Saka lang ako natauhan at nagsalita.

"Two more steps... papakawalan na kita." sabi ko na nagpahinto sa kaniya.

Hinihiling ko na bumalik siya sa 'kin. Ngunit tahimik lang siyang nakatayo at tanging paghikbi niya lang ang narinig ko.

"Two more steps... hindi na kita guguluhin. Papalayain na kita. Pero kapag humakbang ka pabalik, asahan mong hindi na kita pakakawalan pa." sabi ko ulit.

Please step back. Please my wife.

Pero hindi mab lang siya gumalaw.

Nasasaktan ako kasi 'di pa rin siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Mas lalong sumikip at nagpakirot sa puso ko nang tuluyan na siyang humakbang ng dalawang beses.

Kasabay nang pagbuhos ng ulan ay ang paglisan niya ng hindi lumilingon.

Napaluhod na lang ako sa lupa sa sobrang panghihina at sakit na nararamdaman ko. Nakayuko lang ako habang patuloy na buhos ang luha ko sabay nang buhos ng ulan.

Nakatingin lang ako sa kuwintas sa kamay ko.

Tuluyan na talaga niya akong iniwan. Hindi na niya ako mahal, hindi na niya ako binalikan pa.

Tuluyan na akong napaupo sa lupa. Hindi ko akalaing ito ang mangyayari sa date namin. Pinaghandaan ko nang maayos ang lahat ngunit nasira lang ang lahat.

Napunta lang sa wala ang lahat.

"Bry!" rinig kong sigaw ni Stella.

Isa pa 'tong babaeng to. Alam kong siya ang dahilan kung bakit iniwan ako ni Rhiann.

Kung bakit sinabi niyang ayaw na niyang makakita pang may nasasaktan at naiwang luhaan.

"Bry! What happened? Bakit biglang umalis si----"

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon