Chapter 61 " Best gift ever"

773 27 13
                                    

Bryan's Pov.

Nadito ako sa office ko kakatapos ko lang permahan ang mga papeles na nakatambak sa table ko. Napaunat ako sabay sumandal sa upuan.

Napagod ako sa kakaperma haysstt.

Napapikit na lang ako sandali. Birthday ko na bukas at ayaw ko sanang magpaparty pero mapilit sila Mom and Dad lalo na si Shane.

Kaya sa huli pumayag na rin ako at sa beach resort sa Tagaytay gaganapin ang party. Si Shane at mga kaibigan namin ang nag-organize sa party.

Sabi kasi nila sila na lang ang bahala do'n. Hinayaan ko na lang sila.

Haysttt kamusta na kaya siya.

Hindi ko pa siya nakikita mula no'ng date sana namin sa Manila Bay kung saan pinakawalan ko na siya. 

Napabuntong-hininga na lang ako saka minulat ang mata ko. Sakto namang pumasok ang secretary kong si Joan.

May dala siyang tasa ng kape saka inilapag sa table ko. Pasado alas-dies y medya pa ng umaga at maaga kong natapos ang trabaho ko.

Kinuha ko nalang ang tasa saka uminom.

"By the way Sir, birthday mo na bukas, right? Ano gagawin mo bukas?" tanong niya sabay tingin sa hawak niyang Ipod.

"May party bukas sa Tagaytay at mamayang hapon kami babyahe do'n. Invited kayong lahat." nakangiti kong sabi.

Nagtatalon naman siya sa saya. Napailing na lang ako.

"Ang bait mo talaga, Sir. Sige, sasabihin ko na lang sa kanila." sabi niya at naglakad na palabas.

Napapailing na lang ako saka nagsalita bago pa siya tuluyang makalabas. Sasabihin niya, eh ang daming empleyado tsk.

"Magpatawag ka na lang kaya ng meeting do'n sa conference room. Para 'di ka mahirapn." natatawang sabi ko.

Napa tumbs up naman siya sa tuwa. 'Yan 'yong secretary ko masiyahin 'yan at mabait. Masunurin pero 'wag kang magkamaling landiin ako kundi tadtad ka ng katarayan niya.

Loyal kasi 'yan sa 'kin lalo na kay Rhiann. Hayssttt kumabog na naman ang puso ko 'pag maalala ko siya. 

Maya maya lumabas na ako ng office saka naglakad palabas ng office at nagtungo sa elevator.

Akmang sasara na ang pinto ng elevator nang biglang may humarang at agad na pumasok bago pinindot ang floor kung saan din ako pupunta.

Napatitig ako sa kaniya habang nakatayo siya nang maayos at parang 'di niya manlang namalayan na kasama niya ako.

Nakatingin lang siya sa pinto ng elevator habang may hawak na  phone ang kamay niyang naka cross arm.

Nakasuot siya ng pang business at naka mini skirt pa siya. Biglang kumabog nang malakas ang puso ko nang tumingin siya sa 'kin saka ngnumiti.

'Yong ngiting totoo at labas ang ngipin niyang pantay. Napatitig na lang ako sa labi niyang mapula. Ang sarap halikan ng labi niya.

'Di ko namalyang nakatulala na pala ako sa kaniya. Natauhan lang ako nang bumukas na ang pintuan saka dere-deretso siyang lumabas ng hindi lumilingon sa 'kin.

Nakatulalang nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya habang nakasunod ako. Sa parking lot siya dumeretso saka sumakay sa kotse niya at pinaharurot paalis.

The Ends Of Being Martyr TEOBM (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon