CHAPTER 11: "Date tayo?" (Part 2)

229 2 0
                                    

LANCE?

Ehhhh?

Si Lance?

"Oyyy Jico!" - Lance

"Oyyy Lance!" - Jico

"Hi Darlene." - Lance

Awwww!

Awkward!

"Uhhh....uhmm... Hi?" -me

Ayyyy sira ka, Darlene! Wag kang paapekto..... Wag mong ipakita na nasasaktan ka pa rin....

"Hello Lance! Musta?" -me

Kailangan mong magpaka-cool, Darlene!!! Cool lang ako, okay????

Oh ayan! Di na naman ata halata eh.

Si Lance nga pala ay 3rd year high school pa lang tapos kami naman ni Jico ay 4th year..... Pero, magkakasing-age rin naman kami eh.... Napaaga lang talaga ang pagpasok ko ng school.....

"Ayos lang..... Ikaw, kamusta ka naman?" - Lance

"Okay lang din naman." -me

"Ehem...ehem...." -Jico

Awww!!! Awkward na naman....

Tapos biglang nagsalita si Jico....

"Lance, girlfriend ko na si Darlene."

huh???? Ehhh???? Kelan pa???

"Ahhhh...." - Lance

"O sige Lance, tuloy na kami....masama ang pakiramdam ni Darlene eh...." - Jico

"Ayyyy wait..... Oo nga pala.... May game tayo bukas...." - Jico

Tinutukoy niyang game eh basketball..... Kung di nyo natatanong eh magaling mag-basketball si Lance pati na rin si Jico.

Malapit na ang division meet. Ichi-cheer ko na lang si Jico. :)

"Darlene, iuuwi na kita sa bahay nyo?" - Jico

"Sige...."

Grabe..... Di talaga ako maka-react sa nangyari kanina....sabihin ba naman daw na girlfriend nya ako.....we're just dating lang naman, di ba?......hayyyy........buti na lang at masama ang pakiramdam ko......

Pero....paglabas namin sa mall eh naulan pa.... Kainis naman o!

Tumawag na lang ng taxi si Jico.

At yun, sumakay na kaming dalawa...... Hmmm..... Inalalayan nya ako.....kahit kelan talaga tong si Jico, napaka gentleman... :)

Nai-in-love na ata ako kay Jico! ATA!

Halos 10 minutes na rin kaming nasa sasakyan..... At sa loob ng 10 minutes na yun eh walang umiimik ni isa sa amin ni Jico.

Kailangan ko na bang magsalita?

Hanggang sa dumating kami sa bahay eh wala kaming imikan....

Ang awkward tuloy....

As in super awkward....

Tapos di ba, nasa boarding house lang kami ni Alyza.... Tapos wala naman sya dito ngayon kasi nasa Baguio sya, together with her family....

Nagulo ang aking pag-iisip dito kasi biglang......

*TZZZZZ....* (hahaha!!! Sound ng kulog yan!)

Tumakbo ako palapit kay Jico at bigla syang yinakap.....

Natatakot talaga ako sa kulog eh....

Nabigla naman si Jico sa pagyakap ko sa kanya kasi parang napatigil sya bigla.... Yung para bang naging bato sya, di na nakagalaw...

In Love Ako Kay Dota Boy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon