KAIBIGAN.. KA-IBIGAN <3

66 0 0
                                    

"Salamat Wintots ah! Lagi ka kasing nandyan para sa'kin. Kaya love kita eh!" , sabay akbay niya sa akin.

"Talaga? Love mo 'ko?!", excited na tanong ko sa kanya.

"Oo naman! Bestfriends tayo eh!", nakangiting sagot nya.

"Bestfriends tayo eh!", parang umecho sa tenga ko. Alam kong dapat maging masaya ako sa turing nya sa akin. BESTFRIEND. Pero bakit may naramdaman akong sakit? Dahil ba naghahangad ako ng higit pa?

Matagal na rinkaming magkaibigan ni Eloisa (pero naanay akong tawagin syang Isay). Matalik na magkaibigan. Elementary kami nung una kaming magkakilala. Grade3 nung lumipat kami sa lugar nila. Doon kasi sa malapit nadestino si Papa. Magkatabi lang kami ng bahay nila Isay. At dahil likas sa mga Pilipinoang maging palakaibigan, ilang araw palang ata marami ng napagkwentuhan si Mama at Tita Marissa (nanay ni Isay). Sila rin ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Isay. Nung sinabi kong Erwin ang pangalan ko, sagot nya, "Erwin? Wintots!". Sya ang unang tumawag sa'kin ng ganoon. Nakakatawa nga eh. Pero hinayaan ko naring ganoon ang itawag nya sakin. Dun sya masaya eh.

Mabilis kaming naging close ni Isay. Cool kasi sya. Palabiro, palakwento at makulit kaya hindi ako alangan sa kanya. Marami narin kaming napagkwentuhan. Mga paborito, ayaw at gusto, nakakatuwa at nakakahiyang karanasan, basta marami. Hindi ata lumilipas ang isang araw na hindi kami nagkekwentuhan. At sa tuwing ang kung sino man samin ang may birthday, hindi pwedeng mawala sa listahan ng bisita ang isa't isa.

First year high school. Parehas kaming nag-enroll sa school na malapit sa amin. Dahil sa marunong naman kami, parehas kaming napunta sa star section. Ang saya, magkaklase kami ni Isay. Kahit papaano may kakilala na ako agad. Pero hindi nagtagal nagkaroon narin kami ng sari-sariling grupo ng kaibigan. Gayunpaman, wala namang nagbago sa aming dalawa. Bestfriends parin kami. Magkasabay kaming pumapasok sa school, at sabay ding umuuwi. Atkapag ginagabi ng uwi, hindi pinapagalitan ni Tita Marissa si Isay basta't ako ang kasama nya. Favorite ko ang Math. At magaling naman siya sa English. Kaya tuwing may assignments o exam, magkasama kaming nagrereview. Parang magkapatid nga daw kami. Super close kasi. Bestfriends talaga. Akala ko rin.. Pero isang araw, nagising nalang ako sa katotohanang, I fell inlove with the girl whom I used to call my "bestfriend".

Minsan, out of nowhere, tinanong nya sa'kin,  

"Wintots, anong gusto mo sa isang babae?" .

Nagulat ako. Natawa. Pero kinabahan din. Ayoko kasing makahalata sya.

"Gusto ko simple lang. Morena. Sweet. Mabait.". Sinagot ko ng hindi nakatingin sa kanya. Baka kasi madulas ako at masabi kong sya ang gusto ko.  

"Ikaw, ano namang gusto mo sa isang lalaki?". Pagkakataon ko na sana para malaman. Pero kainis. Di nya nasagot. Bigla kasi syang tinawag ng Mama nya.

JS Prom. Ang ganda ganda ni Isay! Ang saya. First dance kasi namin ang isa't isa. Sabagay, yun naman ang usapan namin eh. Ang walang kamatayang "King and Queen of Hearts" ang tugtog.

"Wintots..." , parang may gusto syang sabihin.  

"Bakit?" , patuloy ang sweet dance namin.  

"Diba tinanong mo dati kung anong gusto ko sa lalaki?". Sandali akong naging bingi sa tugtog at ingay sa paligid para lang mapakinggan ang sasabihin nya. Umaasang magugustuhan ko ang maririnig ko.

"Ayun..", sabay tingin nya sa malayo. Lalaking may kasayaw din.

"Si Harold. Taga kabilang section.", pagpapatuloy nya.

OUCH! Alam mo ba yung feeling na magkasama kayo ng taong mahal mo pero yung taong gusto nya ang pinag-uusapan nyo? Ouch talaga. Pero nung gabing yon, nakita ko yung ngiti nya habang dinedescribe ang taong gusto nya. Simpleng ngiti na kahit papaano'y pumawi ng sakit na nararamdaman ko.  "I'm the King and you're the Queen of hearts.."

Hanggang pag-uwi namin, wala akong iabang narinig sa kanya kundi, "Wintots! Ang cute nya talaga!". Hayyy.

Nung minsang napadungaw ako sa bintana, nakita ko siyang nakangiti habang nagtetext. Tinawag ko siya,

"Huy Isay! Ngumingiti ka na naman dyan mag-isa!".

Dali-dali syang lumapit sa'kin.

"Basahin mo 'tong text dali!", sabay abot sa'kin ng cellphone. Binasa ko. Quote..

"May mga taong kapag kaharap ka, KAIBIGAN ka.

Paro pag talikod mo, MAHAL KA NA PALA."

Kinabahan ako! Nakakahalata na kaya sya?

"Tungaks hindi yan! Haha! Yung kasunod na text ang basahin mo!"

"Ah yung galing kay Harold?"  tanong ko.

"Oo, dali!!", mas excited pa s'ya sa'kin.

"I Love you Eloisa. And I'm so grateful to have you."

- yan ang nabasa ko. Ansakit. Pero mas nasaktan ako sa sinabi ni Isay.

"Wintots, kami na ni Harold. Sorry. Hindi ko agad nasabi sa'yo."

Parang gusto kong bitawan yung cellphone. Ang sakit! Badtrip! Pero wala akong karapatan.

Simula noon, minsan nalang kami magkasama at magkausap ni Isay. Parang pinalitan na ni Harold ang pwesto ko sa buhay niya. Pero sa tuwing magkausap kami ni Isay, si Harold ang laging topic. Parang gusto kong takpan ang tenga ko sa tuwing kinekwento niya ang happy at sweet moments nila. Pero kailangan kong piliting ngumiti at maging interesado kahit kabaliktaran ang nararamdaman ko. Sa tingin ko masaya naman sya. At gustung-gusto nya si Harold.

Pero isang araw, nakita ko syang tumatakbo papalapit sakin. Umiiyak. Bigla syang yumakap sakin.

"Niloko nya lang ako! Wala na kmai ni Harold." umiiyak na sabi nya.

Nung mga panahon na yun, gusto kong sugurin si Harold. Maiganti ko lang sya. Hindi ako palaaway. Pero kung nasktan na si Isay, ibang usapan na yun. Pero alam kong hindi rin nya magugustuhan kung sakali mang gagawin ko yun kay Harold.

"Kung ako yun, hindi kita paiiyakin. Paano ko magagawang paiyakin ang babaeng ngumiti lang, masaya na'ko? Kung ako yun, hinding-hindi kita sasaktan. Kung ako yun, aalagaan kita. Kung ako yun.. Kaso hindi ako. Sana ako nalang.."

-mga salitang sa isip ko lang binibigkas. Mga salitang gustung-gusto kong sabihin sa kanya pero di ko magawa.

"Sshh.. Tahan na. Andito lang ako." , ang tangi nasabi ko sa kanya habang patuloy syang umiiyak sa balikat ko.

Siguro nga unfair ako. Sabi nila pag matalik na magkaibigan daw, dapat walang lihiman. Pero mas pinili kong ilihim ang kung ano mang nararamdaman ko kay Isay. Ayokong mawala ang lahat sa amin. Tadhana nalang siguro ang makakapagsabi kung anong pwedeng mangyari. Pero sa ngayon, masaya na 'kong alagaan at pasayahin sya-bilang bestfriend nya.

KAIBIGAN..iyan daw ang masakit na salitang pwedeng itawag sa'yo ng taong sobrang mahal mo. Lalo na,kung yun lang talaga ang turing nya sa'yo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KAIBIGAN.. KA-IBIGAN &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon