Langitngit

65 5 29
                                    

"Ingrid, p-pahinga muna tayo!" hinihingal na sabi ng matandang lalaki sabay upo sa malaking bato.

"Sige po sir kami na lang po ang maglalagay ng mga tag sa puno." Ngumiti ako sa kanya.

Nagpatuloy ako sa paglilista ng species ng puno sa aking maliit na notebook.

Ito kasi ang trabaho ko sa DENR. Ang magbilang ng mga puno sa mga bundok. Medyo malamok dito sa loob ng gubat. Pasalamat na lang ako at nakasuot ako ng long sleeves na t-shirt, maong, at boots. Nasa bente katao kami nandito sa loob ng gubat. Nagpasya kaming maghiwahiwalay para mapadali namin matapos ang pagbibilang.

Nakaramdam ako ng pananakit ng pantog. Lumapit ako sa babaeng kasamahan ko- si Gena.

"Sis, ikaw muna dito. Iihi lang ako," bulong ko sa kanya.

"Magpapasama ka ba?" aniya.

"Hindi na. Andon lang ako ha," mahinang sabi ko sa kanya at itinuro ko ang malaking puno. Medyo malayo ito sa puwesto namin. Okay naman ito para mas komportable ako na umihi.

"Sige ingat ka!" sabi nito at kinuha ang aking notebook.

Nagmamadali akong tumungo sa puno. Luminga-linga pa ako bago umupo. Baka kasi may tao at mabusuhan pa ako. Nakitingala ako at pinagmamasdan ang berde at mayabong na puno ng acacia.

Hindi pa ako nakakatapos umihi nang makaramdam ako nang may gumapang sa aking paanan. Napalunok pa ako habang nanginginig na tiningnan ito.

Napasigaw ako nang makita ang buntot ng sawa! Lalo pa akong napasigaw nang masaksihan ko ang kabuuan nito.

Hindi ako takot sa sawa ngunit iba ang laki ng sawa ang nakita ko. Ang laki nito ay mas malaki pa sa aking braso. Hinarangan nito ang daan, gumapang ito sa gawi ko, kaya taranta akong napatakbo kung saan. Narinig ko ang pagtawag ng mga kasamahan ko sa akin. Sa hindi ko namalayan natisod ako sa nakausling ugat, dahilan upang dumausdos ako sa dalisdis na lupa. Napakapit agad ako sa nakausling ugat nang malaman na bangin na ang sumunod doon.

"Tulong!" naiiyak na sigaw ko. Ayaw kong tumingin sa baba at lalo pa akong malula.

"May tao ba diyan?" isang malalim na boses ng lalaki ang narinig kong nagsalita.

"Oo, tulungan mo ako!" buong lakas na sigaw ko.

Narinig ko ang mga tunog ng mga nababaling mga sanga na naapakan niya.

Tumingala ako. Bumungad ang isang binata.

Naka-jacket ito ng itim, na tenernuhan niya ng itim na pantalon at rubbershoes. Maputi ang kanyang balat na parang hindi naarawan. Nang tanggalin niya ang kanyang hood at tamaan ito ng sikat ng araw- ay hindi ko maitatanggi na may itsura ito. Mukhang anghel ito na bumaba sa langit upang iligtas ako.

Mabilis niya akong tinulungan makaakyat. "Miss, paano napunta ka diyan?" nag-aalalang tanong ng lalaki.

"Nagsu-survey kasi kami sa project namin. tapos... tapos may sawa, tumakbo ako, tapos ayon na-outbalance ako," mahabang saad ko sa lalaki.

Yinakap ko siya. "Salamat talaga. Niligtas mo ako!" Humagulgol na ako habang kayakap siya .

Napansin kong hindi ito gumalaw. Nagulat ata sa ginawa ko, kaya nahiya ako sa aking inasta. "Sorry kuya. Nabasa ko tuloy yang jacket mo," nahihiyang sambit ko sa kanya.

Kinamot niya ang kanyang batok "No problem." Ngumiti ito. "Ano pala name mo?" nahihiyang sabi niya.

"Ingrid."

Tumango siya "Kay ganda namang pangalan. Ako pala si Francisco." Inilahad nito ang kanyang kamay. Nagsingkamay ako sa kanya bilang respeto.

"Thank you talaga sa pagliligtas mo sa akin, Francisco," masiglang sabi ko sa kanya.

LangitngitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon