PLEASE.. ISA PANG PAGKAKATAON..

83 0 0
                                    

Minsan ba sa buhay mo, naranasan mong sa sobrang pagkalugmok, akala mo hindi ka na makakaahon? Sa sobrang gulo ng mga pangyayari, akala mo wala ng pag-asa pero may dumating na himala? Dumating ka na ba sa pagkakataong akala mo patay ka na pero nabuhay ka pa? Siguro mahirap paniwalaan at intindihin. Pero nangyari sa'kin.

Bigla akong nagising. Nakaputi ako. Puti din ang paligid.

"This can't be heaven. Imposibleng mapunta sa langit ang tulad ko.", natatawang iniisip ko. Nasa ospital ako. May maliit na mesa sa tabi ko. Andaming nakalagay. Flowers, fruits, cake, teddy bear, etc. Birthday ko na ba? Para magkaroon naman ako ng ideya, kinuha ko yung card na nasa ibabaw.

"Hoy Tata! Gumising ka na! Ang daya mo talaga. Manlilibre ka pa diba? Sabi mo ikaw taya. Namimiss ka na namin ni Sheng.

-Pepay "

May maliit pang papel sa mesa. Kinuha ko rin at binasa.

"Ate, diba promise mo tuturuan mo pa 'ko mag gitara? Hihintayin kita ah." Medyo smudgy pa yung handwritten. Galing siguro kay Kevin. Ang nakababata kong kapatid. Sya lang naman ang pinangakuan ko na tuturuan ko mag gitara e. Lagi nya kasi akong kinukulit.

Wala akong ideya kung gaano katagal na kong nakahiga sa kama ng ospital na 'to. Basta parang ngawit na ngawit na katawan ko kakahiga. Hindi pa rin malinaw kung anong nangyari sakin.

Ako si Samantha. Pero nasanay na 'kong tawagin akong Sam, Ameng, o Tata. Isa akong pasaway na teenager. May talent ako sa music. Hindi naman sa pagyayabang, pero magaling ako kumanta at tumugtog ng instrumento-- dahilan para gawin akong vocalist sa banda namin. Madalas nga kaming may mga gig. Kaya madalas din akong masermonan nila Papa. Matagal ng Christian sila Mama at Papa. Hindi ko matawag na "Christian" ang sarili ko dahil sa mga ginagawa ko, hindi naman nakikita ang pagiging Kristiyano. Ang ironic diba? Ang mabubuting magulang ay nagakaroon ng pasaway na anak. Kapag niyayaya nila akong magsimba, hindi ako nauubusan ng dahilan. Minsan sinasabi ko masama ang pakiramdam ko, minsan naman dahilan ko, marami pa akong rereviewhin. Pero ang totoo, sasama lang ako sa mga kabarkada ko para manood ng sine. Siguro nagsawa narin sila Mama sa mga dahilan ko kaya narinig ko sya isang beses sabi niya kay Papa, Diyos na daw ang bahala sakin.

Masaya kapag naririnig ko ang hiyawan at palakpakan ng mga tao sa tuwing matatapos ako magperform. Masaya kapag kasama ko ang barkada magparty hanggang umaga. Pero pagkatapos ng lahat ng yun, kapag ako nalang mag-isa, nawawala ang kasiyahan. Bumabalik ang kalungkutan. Bumabalik ang mga katanungan. Hanggang kailan ba ganito? Saan patungo ang buhay ko?  Madalas kong naririnig sa maraming tao, "Live as if it is your last day." Nabubuhay ako sa paraang gusto ko. Pero hindi ko kailanman inisip na maaaring ito na ang huling araw sa buhay ko. Hanggang sa dumating ang isang pangyayaring nagbago ng lahat..

Nainvite ang banda namin na tumugtog sa isang bagong bukas na bar sa Olongapo. Tatlong gabi din yun. Alam kong di ako papayagan nila Papa. Pero mas alam kong hindi ko dapat palagpasin ang tatlong gabi ng kasiyahan kaya tumakas ako sa bahay. Nag-iwan naman ako ng sulat para malaman nila kung nasaan ako. Hindi pa kami masyadong nakakalayo sa Manila pero text na ng text si Mama. 18 years old na ko. Pero parang bata pa rin ako kung ituring nila. Tumatawag pa sya kaya in-off ko na ang cellphone ko. Inabot na ata kami ng gabi sa byahe kaya nakatulog na kami. bigla kaming nagising sa sigaw ni Chito, "Guys! WALANG BREAK!!". At biglang, BOOOOOOOOOOGG! Napakabilis ng mga pangyayari. Bumangga ang van na  sinasakyan namin sa paparating na truck. Galit ata talaga sakin ang Diyos. Dahil sa aming lahat na nasa van, ako ang pinaka napuruhan. Pagkatapos noon ay wala na 'kong maalala sa mga pangyayari. Nag-agaw buhay na pala ako. Nacomatose. At matagal ding nanatili sa ospital. Pero isang bagay ang malinaw at hindi ko nakakalimutan. Nung mga panahong lumalaban ako para mabuhay, alam kong sa puso, isip at kaluluwa ko, maaaring hindi ko nabigkas sa aking bibig, pero kinausap ko ang Diyos na sinasabi nila Mama.

"Ito na ba ang parusa Mo sa'kin? Siguro nga kulang pa ang buhay ko para kabayaran sa lahat ng kasalanan ko. Pero buhayin Mo lang ako ulit, hahayaan ko ng Ikaw ang manguna sa buhay ko. Paglilingkuran Kita. PLEASE... ISA PANG PAGKAKATAON.."

Wala akong ideya kung paano ang tamang paghingi ng tawad sa Diyos. Tinakasan narin ako ng sarili kong lakas. Pero nung mga oras na yun, gusto kong humagulgol at lumuhod.

Hindi ko alam kung bakit sa tagal ng panahaon na wala akong malay, hindi naisipan nila Mama na ipatanggal na lang ang ang mga aparato na tanging sumusuporta sakin. Siguro pinanghahawakan parin nila na Diyos na ang bahala sakin. Siguro hindi sila nawalan ng pag-asa. Siguro hindi sila nagsawang manalangin. Panalanging dininig naman ng Diyos.

Nagkaroon ng himala. Nabuhay ako. Bigla akong nagising. Nakaputi ako. Puti din ang paligid. Wala akong ideya kung gaano katagal na 'kong nakahiga sa kama ng ospital. Pero malinaw na ang lahat sakin. Ito na ang isa pang pagkakataon na binigay sakin. Panibagong pagkakataon para ituwid ang lahat. Panibagong pagkakataong mabuhay para sa Kanya.

Kailan pa ibibigay ang buhay mo't lakas?

Sa Kanya na nagbigay sa'yo ng buhay na wagas

Ang pangalan Niyang banal, kailan itatanyag?

Kung wala ng pagkakataon at huli na ang lahat

At kung ang araw mo'y lumipas na,

Makuha mo pa kayang Siya ay paglingkuran?

Kailan pa kaya maglilingkod sa Diyos?

Kung hindi ngayon, kailan pa?

Tumutulo ang luha ko habang kinakanta ko yan sa church. Naalala ko kung anong buhay meron ako dati at kung anong ginawang himala ng Diyos para mabago ang lahat.

Napasama ako sa Music Ministry sa church namin. At sa tuwing tumutugtog at umaawit ako, di ko mapigilang umiyak at magpasalamat. Dahil ang dating tinig at mga kamay na ginagamit ko sa pag-awit at pagtugtog para hangaan ng maraming tao, ay ginagamit ko ngayon upang papurihan ang Diyos-- ang Diyos at ang pag-ibig Niyang nagtuwid sa baluktot kong buhay. Ang Diyos na na ipinakita kung gaano kaganda ang plano Niya para sakin. Ang Diyos na hindi naging madamot para bigyan ako ng isa pang pagkakataon. Bumalik sa alaala ko ang kasabihang dati ay tinatawanan ko lang. "Live as if it is your last day." Maaaring hindi ko alam kung kailan muling kukunin ng Diyos ang pangalawang buhay na binigay Niya sa akin. Pero sa ngayon, gusto kong ilaan ang bawat araw sa buhay ko para maglingkod sa Kanya, kapalit ng mga nasayang na araw sa buhay ko.

- WAKAS-

About the Story:

Nabuo ko ang kwento isang araw matapos kong kantahin sa church namin yung kantang nasa taas. (Pero hindi ako si Samantha a. Haha). Naisip ko lang. Paano ng kaya kung ang inaakala mong walang hanggang  kasiyahan sa mundo ay magkaroon ng katapusan? Paano nga kaya kung ang inaasahan mong sarili mong lakas ay biglang maglaho sa isang iglap? Paano kung ang pinakamagandang bagay ay hindi mo naranasan? Paano kung ang tungkuling dati mo pa sana sinimulan ay di mo na nagampanan? But here's the good thing. God loves you so much. He is gracious. He listens. He is merciful enough to give you another chance and to fix everything that's been broken. If you will just let Him.

Salamat sa time na inilaan mo para basahin to. A little bit lengthy pero sana nainspire ka. God bless you. :)

"Remember now thy Creator in the days of thy youth, while the evil days come not, nor the days draw nigh, when thou shalt say, I have no pleasure in them;"

- Ecclesiastes 12:1 (KJV)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PLEASE.. ISA PANG PAGKAKATAON..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon