His True Feelings💕

224 5 0
                                    

Nakarinig siya nang iyak nang batang babae.., nagpalinga linga siya at dahang dahang naglakad papunta sa mga damit pang bata sa department store..

There he saw a pretty little girl wearing shorts jumper, naka pink na t-shirt ang paloob na hello kitty ang design.. at nakatirintas ang kulot na buhok.. nakaupo sa sulok nang isang stall nang mga damit habang umiiyak na inaayos ang sintas nang rubber shoes nito..

Napangiti siya nang halos magdabog na ito sa tuwing mabibitawan ang sintas at luluwag uli sa pagkakatali..

Tila frustrated na ito sa ginagawa..

Maya't maya din ang punas nito sa mga luha na tumutulo sa mga mata nito.. at tila naiinis sa ilang hibla nang buhok na nakalaylay sa mukha..

Naaliw siyang pagmasdan ito..

And something hit him that he can't explain..

"What are you looking at?!", nagulat siya nang pagalit itong nagsalita nang makitang nakatingin siya dito..

"A-ah.. nothing..", sabi niya na lumapit dito at umupo sa harapan nito..

Tila naman umaliwalas ang mukha nito nang umpisahan niyang ayusin ang sintas ng sapatos nito..

Tiningala niya pa ito at namesmerize siya nang ngumiti ito.. Litaw ang pantay pantay na puting mga ngipin at tila bituin ang mga mata nito na nagniningning..

Natulala siya and with a young heart, he can't explain the feeling..

"Thank you..", tila nahihiyang sabi nito..

Tumayo siya at nakangiting nakatingin lang dito..

"What's your name?", tanong nito na halos nakatingala sa kanya..

Malaking bulas kasi siyang bata at matangkad..

"Im Cedric..", tipid niyang sagot na hindi pa rin inaalis ang pagkakatunghay dito..

Longing for your Love  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon