Chapter Four
Guide:
“EXO.” – English
“EXO.” – Korean
“EXO.” – Chinese
=Andie=
I just fired an employee, or should I say, employees? 'Di ko kasi alam kung worker ba si babaeng maharot sa restaurant, eh o epal lang talaga siya. IDGAF. Tss. Akala mo kung sinong maganda!
Umupo na ako sa table namin at napansin kong halos lahat ng mga mata nakasunod sa akin. What now? Pag-upo ko rin between two unknown guys lahat din sila nakatingin sa akin.
"What?" tanong ko, slightly irritated. I kinda hate attention because it makes me conscious of my actions.
"Talaga bang sinesante mo sila?" tanong ng katabi ko. Hindi ko siya kilala pero ang lalim ng boses niya. Hindi bagay sa mukha niya. Creepy.
"Yes. Wala akong nakikitang rason para tanggapin pa sila dito," sagot ko. Well, totoo naman, diba? Oh how I hate those two.
Bigla namang natahimik ang lahat. I can't say kung awkward ba o hindi. Wala naman akong pakialam kasi busy ako sa pagdrawing ng gown ng isang SM Artist.
"I think it's time na para iintroduce niyo ang sarili niyo kay Andie. Kailangan niya kayong makilala lahat," utos ni auntie sa kanila.
Napatingala ako. Tama nga naman. Hindi ko pa sila kilala. I just signalled for them to start.
"Chanyeol, rapper." So Chanyeol pala ang name ni deep voice guy.
"Suho, leader and vocals."
"D.O., vocals."
"Baekhyun, vocals."
"Nana, personal stylist."
"Kai, main dancer and rapper."
"Sehun, rapper and maknae," walang gana niyang sagot. Siya 'yung suplado kanina sa bahay. Pogi nga, masungit naman. Tss.
"I know hindi mo pa sila matatandaan ngayon but soon, you'll finally do. And Andie, may sasabihin ka sa kanila, diba? About sa ball."
Oh. ‘Yun pala. I almost forgot.
“Ako nga pala ang gagawa ng suits niyo para sa ball. Pag-uwi natin, kukunin ko na measurements niyo para makapagsimula na ako. Any questions?”
‘Yung lalaki sa harap ko na sa tingin ko ay si Suho oppa, tumaas ng kamay niya. “May mga designs ka na ba?”
“Meron na pero ‘di ko alam kung magugustuhan niyo. Tingnan niyo na lang mamaya sa bahay. Just tell me if you want some changes. Any more questions?”
“Ako!” sabi ng lalaki sa harap ko. Kai must be his name at mukha siyang playboy, to be honest.
“What?”
He smiled na parang iba ang dating sa akin. Ugh. Ang landi niya. “What’s your phone number?”
Tama nga ang hinala ko. Guys like him are so dangerous like a bomb. Kapag nahulog ka sa isang playboy, hinding-hindi ka niya sasaluhin because love for him is just a piece of a fucking joke.
“I’m sorry, mister. I have no time for your games,” I coldly say with a poker face and continued to draw.
Kinantyawan nila si Kai, saying things like, “Walang effect ang charms mo kay Andie, bro!” “Oo nga! Haha! Kawawa naman si baby Kai!” “Hayaan mo, Kai! Doon ka na lang kay Krystal!” “’Wag ‘dun! Napakaspoiled brat!”