Chapter 2
Pagdating namin ng high school doon ko nalaman na LOVE pala ang tawag dun. Naisip ko kasi na sa mga anime at drama ko lang napapnuod yung mga yun. Hindi ko naman akalain na nag-exist pala siya sa totoong buhay. Kaya nung first year ako na-confirm ko na mahal ko na pala siya. kaya lang mukhang huli na ang lahat...
"Bespren!!! Kami na ni Nadine! Sinagot niya na ako."
Grade 6 kami nung lumipat dito si Nadine sa school namin. Sabi ni Cyrus na love at first sight daw siya kay Nadine. Maganda naman talaga si Nadine kaya lang alam ni Nadine na maganda siya kaya masyado niyang pinamumukha sa iba. Mabait naman siya kaya lang may something talaga sa katauhan niya na kinaiinisan ko. Saka kapag binasted niya si Cyrus baka sabunutan ko lang siya at gawing patuka sa mga manok ng kapitbahay namin. Wala ka naman ng hahanapin pa kay Cyrus kaya karapat-dapat lang talaga siyang sagutin.
"Ows? Kilig ka naman niyan! I'm happy for you. Ilang buwan ka ring pinahirapan nang babae
na yan. Kapag inaway ka sabihin mo lang sa akin. Gugulpihin ko siya."
Kinwento niya kung paano nangyari. Kiniss nga daw siya ni Nadine...sa cheeks. Muntikan na akong magwala kanina. Pasuspense pa kasi. Hindi sinasabi kung saan. Tanong ako ng tanong tapos yung itsura niya parang nahihiya na kilig na kilig. Lagi siyang nagkkwento sa akin. Alam ko ang lahat tungkol sa kanya. Ganun din naman ako sa kanya. Wala kaming tinatagong secrets sa isa't-isa.
Siguro ako lang....
Hindi ko naman na pwedeng sabihin. Siguro kahit kailan hindi ko na talaga masasabi sa kanya. Sana lang dumating yung araw na marerealize niya na kami ang para sa isa't-isa. Sana ma-notice niya na ako talaga ang babaeng itinadhana para mahalin niya ng tunay kasi siya yung lalaking inilaan para sa akin. Nakasulat na yan sa mga palad ko ewan ko lang sa palad niya.
Sana dumating yung araw na masasabi ko sa kanya na yung mga words na yun. four words lang naman yun. Sana, sana...pero kailan naman kaya?
You belong with me...
Cyrus De Castro.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Fiksi RemajaNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?