"WOOOOOOOO!! GOOOOOO LUCASSS!!!" pagchicheer ng magkakaibigan kay Lucas na ngayon ay nangunguna sa paglangoy.
Ngayong araw ang unang araw ng bulprisa na ngayong taon ay ginaganap sa school nila.
"Nasaan si Nathan? Missing in action nanaman!" tanong ni Shella kay Erynn.
"Lumalaban na sa GI. Ayaw nga nila na may mga estudyante na nanunuod dahil daw baka madistract."
"Anong baka? Sigurado ako na madidistract si Nathan kung makapag cheer ka kaya para kang mga tito ko na nanunuod ng laban ni Pacquiao!"
Sinamaan naman siya ng tingin ni Erynn at hinampas.
"Supportive lang naman eh!"
"Sabi mo eh.."
Pang-iinis ni Shella at tumingin na ulit kay Lucas at ngumisi. Nakita ito ni Erynn kaya tinulak niya. Mahuhulog na sana si Shella sa kinauupuan niya ngunit nahawakan siya ni Gideon sa braso na naging dahilan para hindi siya mahulog.
"Naks naman! Bilis ng reflexes ah! Ikaw ah!" pang-iinis ni Erynn.
"Parang timang 'to!" bulalas ni Gideon.
"Ikaw ah! Feeling male lead!" pang-iinis naman ni Shella kaya hinead lock siya ni Gideon. "HOY! BITAWAN MO NGA KO! GIDEON!
Binitawan niya si Shella at pinaghahampas-hampas niya si Gideon.
"SHELLA! MASAKIT!!"
"HOYYY! NAHULI NA SI LUCAS!" biglang sigaw ni Erynn kaya tumigil si Shella at tumingin kay Lucas. Nakita niya na hindi na siya lumalangoy at nakatingin lang sa kanila na para bang tulala. Sinigawan siya ng coach niya kaya lumangoy na siya ulit.
"Anyare sa kaniya?" tanong ni Shella
"Aba malay ko!" sagot ni Erynn.
"Nasaan nga pala si France?" tanong ni Gideon.
"Ewan. Basta madaming ginagawa!"
"SHELLA SALAZAR!!! BUMABA KA DIYAN!!!"
Biglang sigaw ng isang babae kaya napatingin sa kaniya si Shella at nakita niya si Diane na naiinis at nakapamewang.
"Ano meron sa kaniya? At mukhang naiinis?"
"Sabi ko sa kanila na magkita-kita kami sa may playground para mag general practice para sa laban namin mamaya. Pero, hanggang ngayon nandito pa rin ako." sagot ni Shella.
Nabuga ni Erynn yung iniinom niyang tubig at nanlaki yung mata.
"LUKO KA! LABAN NIYO NA MAMAYA EH!"
"Chill! Mamaya pa naman tsaka huwag kayo mag-alala basta kasama ako maniwala kayo na mananalo yung school natin!"
Binatukan siya ni Erynn kaya tiningnan siya nang masama ni Shella.
"Kayo nga eh! Malapit na yung pageant pero nandito kayo ni Gideon kaysa inaasikaso niyo yung mga gowns!"
Nanlaki yung mga mata nila Gideon.
"SHIT! OO NGA PALA! ERYNN NAMAN EH! IKAW YUNG PRESIDENT!"
"NAKALIMUTAN KO, OKAY?" naiinis na wika ni Erynn.
"Tara na! Hinahanap na tayo doon, sure ako!"
Tumayo sila at agad na bumaba habang kasunod si Shella. Ng makababana sila ay nilapitan siya ni Diane at piningot yung tainga at hinila papaalis.
"HOY! CAPTAIN MO KO! BITAWAN MO NGA AKO! MASAKIT KASI!"
"Tumahimik ka nga diyan! Kasalanan mo yan!"
YOU ARE READING
Hallway's Symphony
Teen FictionA story of childhood friends as they reminisce one of the most eventful part of their lives. Triumph and failure, combined with personal issues that made their bond stronger. Let us join them as they create a thousand more memories as they go on a j...