CHAPTER 17

6K 140 10
                                    

CHAPTER 17

LORAINE

"TEASING ME IS YOUR biggest mistake, Loraine, so brace yourself... I might bite you tonight."

Napatanga ako sa sinabi niya. I couldn't move. Ni hindi ko pa naipasok sa isip ko kung ano ang sinabi niya. W-what? I don't know what to say dahil sa pagkagulat. What happened again? He pulled me up at sinabi ang kung ano ano?

"Hmm?" Ngumisi siya. He brushed his lips against mine. I was about to close my eyes nang magising ako sa realidad. I pushed him hard. Kita ko ang gulat sa mata niya sa ginawa ko.

"In your dreams, Jackson," matalim ko siyang tinignan. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang atraso mo sakin?" I gritted my teeth at niyukom ang kamay. I really want to punch him.

"What?"

"Really? You're asking me that? Tingin mo ba ay bibigay ako sayo nang gano'n kadali o bibigay pa ako sayo? No! I learned my lesson. Ang mga katulad mo ay hindi na dapat binibigyan ng chance kahit ano pang gawin! Chase me 'til you die."

"What did I do, Loraine?" He tried to touch me, but mabilis akong umiwas. Hindi ko masikmura ang haplos niya.

"What did you do? Gusto mo bang ipaalala ko sayo isa isa? God, Jackson! Hindi ka nagpakita sakin ng ilang linggo tapos ngayon ay susulpot ka rito at halikan ako nang parang walang nangyari?!" Nilingon ko si Spiro dahil baka naririnig niya ako.

"Because I thought you were asking for space!"

"Asking for space?! Really?"

"Isn't that what you want?"

"My head was just so clouded! I couldn't think straight! Inintindi mo pa sana ako! Ano? Plain sex lang talaga, huh?!" Hinampas ko ang dibdib niya, pero hindi naman niya pinigilan 'yon. Crap! Nag-iinarte ako ngayong may liwanag pa!

"You're wrong, Loraine! I told you that that night was the best for me because you gave yourself to me, but you called it plain sex! My ego was hurt!"

"Hindi ba sinabi ko sayong galit lang ako?! Tangina, Jackson! Ilang linggo kang hindi nagpakita at ngayon bumubuntot ka dito na parang aso?! Stop doing it!"

"Because I want to make it up to you, kahit galit na galit ako sa t'wing nakikita kong kasama mo ang panget na 'yon sa t'wing may problema tayo! Ang hilig mong takbuhan ang mga problema natin."

"I'm still pissed, Jackson. Up until now! Alam mo kung anong tingin ko sayo? Mas masahol ka pa sa taong tinuhog ang dalawang magkapatid! It seems like gusto mo lang makuha ang lahat lahat sakin! It's disgusting!" Bulyaw ko sakanya.

Natigilan siya sa sinabi ko. He can't say anything. I arched my brow at iniwan siya sa cottage. I pouted my lips. Bakit parang natulala siya sa sinabi ko?

"Mama Raine!" Lumapit ako kay Spiro at pinagpagpag ang hita niya na may buhangin. "Where's Tito Jackson?" Ngumuso ako at nilingon si Jackson na nakaupo sa cottage at nakapikit. What's wrong?

"He's resting, baby. You want to swim?" He smirked and nodded. Hinila niya ako sa dagat. The waves are wild kaya halos mapuno ng tawa ni Spiro ang lugar namin. When we got tired of playing with waves ay hinayaan ko siyang maghukay muli.

"I'm okay here..." Sambit niya at busy sa ginagawa.

"Wake up your tito Jackson, okay? I'm just going to sleep a little. Do not swim too far, okay?" I patted his head when he nodded.

I went back to our cottage para kuhain ang beach towel ko. I want to tan my back, dahil masyado na itong maputi. Nilatag ko 'yon sa hindi naman kalayuan at dumapa ako doon. I closed my eyes. Twenty to thirty minutes is enough. I want to be tanned before I go back to France.

Chase Once Again [ Billionaire Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon