Chapter:4

31 3 1
                                    


[Chapter:4]

Isang linggo ang lumipas at ngayon magaling naman na ang mga sugat ko. Hindi naman ako nakapasok nitong mga nakaraang araw dahil hindi ko nga kaya pang makalakad at ang lalim din pala ng sugat ko sa tuhod. Sino ba naman kasing makakasurvive sa taas ng hagdan na nilaglagan ko noh?

Nakitaan din ako ng mga pasa sa likod at marami pang gas gas sa aking mga braso. Ngayon ay puro peklat na lang ang iba at ang ngilan naman ay nasa proseso na ng pag galing. Para talaga akong binugbog!
Hindi lamang din daw ako ang nagkaganito dahil may estudyante ring mga nasugatan at may isa ring nahulog mula sa second floor pababa ng ground floor at ngayo'y sa pagkakaalam ko'y namamahinga pa siya at nagpapagaling sa ospital. Nakakaloka diba? What a stressful event, marami talagang nag-panicked that day dahil mismong president ng highschool department ay nagsisisigaw na rin sa kawalan.

Nilagyan na lamang ang aking sugat ng benda at hinayaan na lang akong I-excuse nila Mae sa klase dahil nga sa insidenteng nangyari. Naiintindihan naman daw ng aking mga guro ang aking kalagayan at kung may quiz man na magaganap ay automatically excuse raw ako. Mediyo okay pero alam ko namang hindi ako exempted at mababa rin ang maibibigay kung sakali.


Nasa kusina ngayon si mama at naghahanda ng aking baon para sa eskwela. I mean, excited na siya dahil daw wala ng mangungulit at maglalambing sa kaniya tuwing nagluluto at nanonood siya ng teleserye. Haha! Mama talaga oh.

"Nak!" Abalang sabi sa'kin ni mama habang binabalot na ang mga pagkaing hinanda niya.

"Po?" Tanong ko naman at lumapit na ako sa kaniya.

"Ito ahhh meron diyang adobo tapos meron ding sinigang... Saka ito dalawa dalawa yan kasi ibibigay mo yung isa dun sa adviser mo.. tas ito may puto pa saka suman kung ano bang gusto mo ibigay diyan ibigay mo tapos meron din ditong cupcake, ako ang nag bake niyan bigyan mo yang si Sir Kaiden mo dahil nahanap ka niya at nadala kay Miranda" talak ni mama na kinangisi ko naman. Laging ganiyan si mama... Nilulutuan niya ang mga taong malaki ang naitulong sa akin. Pero nakakahiya naman 'to at baka hindi tanggapin. Arte pa naman no'n.

"Sige po mama" patuloy ko at kinuha na ang mga baon at kakainin ko mamaya. Nilagay ko naman na ito sa aking napakalaking lunchbox at binuhat ko na.

Kinuha ko na rin ang aking bag at niligpit ang aking mga pinagkainan. Napansin ko ring wala dito si ate Jenlyn at hindi ko rin alam kung nasaan siya. Maaga ring nakaalis si papa dahil maraming customer ngayon sa palenge ang nagsusuply ng mga isda.

Binuhat ko na ang aking mga kinakailangan at saka pumunta na sa pinto. Whew! What a day! I hope its better na to walk fast noh? Ay mali mali mali.

"Byie mama!" Pagpapaalam ko kay mama at lumabas na ng bahay. Dahil na rin sa excited na'ko pumasok at baka ma- late pa'ko.

Kumaway kaway naman siya sa'kin at bumalik na sa paglilinis. Ang sipag talaga ng mudrakels ko!

Habang naglalakad naman, narinig kong may tinatawag sa pangalan ko. Napalingon naman ako at nakita kong tumatakbo si ate Jenlyn at kumakaway pa sa'kin.

"Celestine! Celestine!" Sigaw niya habang tumatakbo. Nako! Hinay lang ate baka mahulog yung baby sa sinapupunan mo! Jusko nakakatakot.

"Ate Jen wag kana po tumakbo baka mahulog yang nasa tiyan mo" natawa naman siya at pinunasan pa ang pawis sa kakatakbo.

"Baliw ka talaga gusto ko lang na kunin mo 'to.." sabay abot niya ng bracelet na pula na mayroong pangalan ko.

"Para saan po ito ate? Jusko baka nag gastos ka pa po ah" pagtataka ko at sinuot na ang bracelet na 'yon. Ang ganda niya! Bet ko siya!

Until We Meet Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon