Chapter 30

77 1 0
                                    

This is the night everyone has been waiting for. 

Kakatapos lang ng make up ko. 

Everything is ready. 

Yung second outfit ko naka ready na. Yung pangatlo kakadeliver lang. 

AM I nervous?

Heck yeah. I may have acted as if I didn't give a shit in the world but that's not the case now.

Oo nervous ako, oo wala parin akong pakialam sa birthday na to kasi alam ko na 50/50 ang chances na ito ang last birthday na makakasama ko ang pamilya ko, si Aris at si Lui.

Walang pinapasok si mama sa dressing room ko, except si Aris, dad at ang make up artist.

Dito sa garden palace ang venue. Palace siya-- no lie mukhang palasyo talaga. Sa loob niya ay garden. Actually parang jungle siya sa loob. 

Basta maganda siya. One of a kind locations. 

Habang nilalagyan ng hairspray ang buhok ko biglang bumukas ang pintuan sa dressing room

"Let's go! Let's go! Party will start in five minutes" announce ng party planner

Tumayo na ako at lumabas ng dressing room. 

I am so nervous. 

I'm the centre of attention right now.

Will Lui like my dress... 

"You look beautiful Nea" sabi ni taba na nasa tabi ko na. I have to be honest that he cleaned up good. 

Suit and tie. Hair is gelled back. 

He smells good too. Ahem. 

It's an uncommon smell. Hindi siya Axe or any men cologne na naamoy ko before.

Baka thai perfume to. Or "royal" perfume. Hm.

"Ready?" tanong ng party planner sabay que ng spotlight. 

Dahan dahan akong bumaba ng grand staircase. 

Ayoko madapa. Sana di ko maapakan ang dress.

Oh Lord nanginginig ako. 

I looked at everyone downstairs watching me walk my way down and couldn't help but smile at the guy who suddenly made my heart beat even faster

My man looks so fine. 

The program proceeded as planned. 

Kainan na then maya maya kailangan ko puntahan lahat ng table para magpapicture kasama ang guests.

Nilapitan ako ni Lui sa table namin. Kasama kasi niya sila Aris sa kabilang table. Pinilit ko kaya ang organizer na iisang table nalang kami nila Aris, Lui at bansa. But no avail. Dapat daw kasama ko ang family. 

Pero di ko naman family tong si taba so why is he here.

=_=

"Happy Birthday babe" bulong niya.

Nakiliti ako dun kaya mahina ko siyang sinapak sa balikat, "Thank you. How do I look? Gusto mo ba yung dress? I'm going to change to another one later ugh" sabay irap.

Nakakatamad magbihis. Tsaka kailangan ba talaga magbihis ng ibang dress?

I love dressing up but it can get tiring.

My Three-Hundred-Pounds FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon