Lance's POV
I feel so sick when I wake up. Ang bigat ng katawan ko ngayon at mainit ang pakiramdam ko. Am I having a fever again?
Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Nakahiga lang ako sa kama habang pinagmamasdan ko ang tanawin sa may bintana. I don't know what time is it already. But I don't care about it. Nasa loob ako ng isang kwarto at puro puting tela ang nakikita ko. Nasa ospital ba ako? I didn't know what happen last night that I end up here.
Pinilit kong bumangon kahit na masakit ang buong katawan ko. Saka ko lang napansin na naka topless ako at boxer short lang ang tanging suot ko.
What the hell happen last night? Napakahawak ako sa ulo ko dahil bigla na naman itong sumakit. Naglakad ako patungo sa kusina para kumuha ng tubig. Hindi na ko nag abala pang magbihis dahil hindi ko nakita ang mga damit ko sa kwartong pinanggalingan ko. Patuloy lang ako sa pag iisip hanggang sa marating ko ang kusina. Napahinto ako sa paglalakad. Pumikit pikit pa ko para lang masiguro na hindi ako nananaginip. Nakakita kasi ako ng isang babae. Nakaupo siya habang may pinupunasan sa sahig. Bigla akong kinabahan. Isa ba siyang multo? May kadiliman kasi sa parteng ito ng kusina. Kaya naman hindi ko gaanong maaninag ang mukha ng babaeng nasa harap ko. Nakasuot siya ng puting bestida at nakalugay ang mahaba niyang buhok. Teka hindi kaya isa siyang white lady? Dahan dahan akong lumapit at nang hahawakan ko na siya bigla siyang humarap saakin.
"Ah! Ahhhh!"
Sabay kaming napasigaw. Napahinto ako nang makita ang babaeng nasa harap ko.
"Steph?"
"Lance magbihis ka nga!" Sigaw niya saka ako hinagisan ng puting tela. Nasalo ko naman ito.
"Teka bakit nandito ka? Anong nangyari kagabi?" Takang tanong ko sakanya. Napansin ko ang pamumula ng mukha niya. Nag-iwas siya nang tingin saakin.
"Oh shit!" Bulalas ko. Nakalimutan kong nakaboxer lang pala ako ngayon. Nagmadali akong pumasok sa kwartong pinanggalingan ko kanina. Agad kong isinuot ang puting tshirt na hinagis saakin ni Steph kanina. What the fuck is going on? How did we end up here? I couldn't remember a single thing that happen after I got drunk last night.
-
Lumabas ako sa kwarto. Swerte ko dahil may nakasabit na pantalon sa may cabinet kaya may naisuot ako. Hinanap ko agad si Steph at nakita ko siyang nagluluto sa may kusina.
"Steph anong nangyari? Paano tayo napunta dito?" Tanong ko. Wala talaga akong maalala. Isa pa hindi ko nakita si Steph bago ako malasing kagabi.
Damn! Muli ay naalala ko ang mukha ni Kate na umiiyak. Siya ang tanging mukhang nakikita ko kahit na lasing ako kagabi.
"Wala ka talagang maalala? Hindi mo alam ang ginawa mo kagabi?"
Umiling ako.
"Ang alam ko lang nasa isang karaoke hub ako at umiinom mag isa. Nakailang bote rin ako ng alak doon. Pero pagkatapos non ay wala na akong maalala." Paliwanag ko sakanya.
Nagpatuloy lang siya sa pagluluto habang pinapaliwanag saakin ang lahat.
"You really plan to get wasted last night right? At para sa kaalaman mo pinahirapan mo ko ng husto kagabi. You owe me a lot this time."
"What do you mean? Did I do something to you?"
Napahinto siya sa pagluluto at humarap saakin. Seriously? Did I do something wrong to her?
"Si-sigurado kang wala kang maalala? Kahit konti?"
"Wala nga. I drunk last night and that's all I can remember. Kung ano ang ginawa ko pagkatapos kong uminom ay hindi ko na alam."
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Short StorySa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...