Maybe Someday
By: MystiqueQueen
I see the world as a place of adventure. Gusto kong malibang sa iba't-ibang tanawin at i-explore ang kabuuan ng mundo. Kaso ang hirap. Mahirap pag sabayin lahat ng gusto mo sa kailangan mo. I have to balance my time sa studies and other activities.
Parang cycle lang ang life, 'no? Ang mainstream. Mabubuhay ka sa mundong ito, mag-aaral/magtatrabaho tapos darating ang araw na papanaw ka.
What if gusto ko palang maging diyosa o maging super hero? O di kaya gusto ko maging sirena o maging ibon?
Hay. Napa- face palm na lang ako. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa pagod pero nagawa ko pa ring mag imagine. Kaloka!
Sa kakalakad dito, sakay doon, sa wakas nakakita na rin kami ng bus. Pauwi na kami sa hometown ko. May inasikaso kaming mga papers kaya kailangan pa naming magtravel. Tatlo kami: ang parents ko at ako.
Pagkasakay na pagkasakay namin sa bus, agad akong napaupo sa likod mag-isa at akmang isinara ang mga mata. Palibhasa pang dala-dalawa lang ang upuan kaya solo muna ako. Mabuti na lang wala masyadong tao.
Na-enjoy ko na sana ang pagpikit pero tinawag nila ako.
"Ken. Wag ka ngang umupo diyan sa likod. Baka magsuka ka na naman ulit," saway ni mama sa akin.
Kenken nga pala ang nickname ko pero babae po ako.
Hindi naman ako nagsusuka pero kanina kasi nang papunta pa lang kami, nagsuka ako. Siguro dahil hindi na ako masyadong nagtatravel. Nakakainis nga ang sumakay sa bus eh! Nakakahilo at nakakasakit ng ulo, 'di ba?
Napakaironic. Gusto kong lakbayin ang buong mundo pero ayaw kong sumakay nang ilang oras habang nakaupo. Hindi ko na kasi ma-feel ang pwet ko. Haha!
Pinapalipat talaga nila ako kaya no choice kundi ang pumunta sa harap.
Di kalayuan sa kinauupuan nina mama, may isang bakanteng upuan. Dahil pandalawa nga ito, may nakaupo sa isang part malapit sa bintana.... isang binata.
Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya dahil natatabunan ng libro kaya umupo na lang ako diritso.
Nang umandar na ang bus ay nagstart na akong magsaulo ng natutunan ko. Siya naman, ipinatong niya ang makapal na libro sa black bag niya at nagsuot ng headset. Rinig na rinig ko ang music kaya minsan nakakadistract at nakakatempt na titigan siya. Nakaka- curious din.
Ang totoo niyan, midterms namin ngayon pero umabsent ako. Kailangan eh. Pero bukas na bukas din, magpapa- special exam ako kasi special ako.
Lol! Ano pa pinag-iisip ko?
So ayun nga, na-busy na ako sa pagsasaulo...
Pero minsan, napapasulyap ako sa kanya.
Wow lang. Kahit na naka-jacket siya, makikita mo na ang flawless ng balat niya. Dinaig pa ang kayumanggi kong balat.
Nakikita ko sa aking peripheral vision na isa siyang guwapong chinito! Ang swerte ko naman nakatabi ko siya. Hehe.
Pero di nga, ang pogi niya pala pero hindi iyon ang rason kung bakit parang gusto kong mapalapit sa kanya. Para kasing nakaramdam ako ng paru-paro sa aking tiyan. O baka nauutot lang ako? Ewan! Basta there's something.
Ilang oras ang lumipas, di ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nang magising ako, naramdaman kong tumutulo pala laway ko. Yuck! Nakikisabay pa sa pagtulo ng ulan sa labas. Nakakahiya naman.
Agad akong nagpunas at nagpanggap na parang wala lang.
Grabeeeeee! Tawang-tawa na siguro siya nang makita niya ako.
Hindi na ako natulog ulit dahil dun. Nakakapagpabagabag kaya.
Nang makita ko na bakante na pala sa kabilang side, agad akong lumipat kahit labag sa aking kalooban.
Chos! Nahihiya din naman minsan ang mga makakapal ang mukha.
Dito, free akong makakasulyap sa kanya. Parang mga design lang sa ibang mga tindahan eh, "Free to see but not to touch." Lol.
Maybe Someday. Iyan ang title ng librong binabasa niya. Inilagay niya iyon sa inuupuan ko kanina. Matutuwa na sana ako kaso sinira ang moment ko nang may biglang sumingit. Grr.
Isang matandang lalaki ang tumabi sa akin. He is blocking my wonderful view. Nakakainis, sa bintana rin kasi ako nakapwesto eh.
Napapatingin pa rin naman ako kay Mr. Gwapo pero inakala tuloy ng matanda na siya ang tinitingnan ko. Haha. Asyuming. Pero may respeto pa rin naman ako kaya ngumiti na lamang ako sa kanya... ng pilit.
Nang makita ako ni papa ay pinalipat na naman ako kasi may bakante na raw. Salamat naman at nakaligtas na ako sa awkward na sitwasyong iyon.
Sa pangatlo kong lipat, nasa bandang unahan na ako kaya malayo na talaga ako kay Mr. Gwapo. Nakakalungkot naman.
Narealize kong sa paghinto ng bus na ito, maaaring hindi na ulit kami magkita. Baka sa memorya ko na lang mababalikan ang lahat.
Siguro nga no, may mga tao talagang itinatagpo ng tadhana sa atin para samahan tayo sa isang paglalakbay. Pero sa huli, malalaman natin na tayo na lang ang nag-iisa.
It's either ikaw ang nang iwan o ikaw ang iniwanan.
Eto na nga ang pinaka hindi ko hinihintay sa lahat... ang huminto na sa terminal at lumabas na kami ng bus. Pero kailangan eh.
May mga bagay talaga sa mundo na ayaw mong tigilan pero kailangan. Hindi natin hawak ang panahon kaya pahalagahan natin kung ano ang meron tayo ngayon.
Sa pag-alis namin, nagcheck ako kung may naiwan ba ako sa bus. Lumingon ako ulit doon sa kinaauupuan niya.
Na-realize kong may naiwan akong importanteng bagay!
Naiwan ko yata ang...
Puso ko...
Pero huli na ang lahat, uuwi na kami eh.
Siguro, mababalikan ko rin yun...
Ayun nga sa librong binasa niya, "Maybe someday."
xxxx
Hahaha! Totoo po itong nangyari lalo na iyong naglalaway na part. Anyway, salamat sa pagbabasa at sa pagvote. God bless po. Ü
-MystiqueQueen

BINABASA MO ANG
Maybe Someday...
Non-FictionMaybe someday, our paths will cross again... (Based on a true story)