21.

505 7 6
                                    

"Wala ba diyan?"

"Wala nga."

"Baka binura mo."

"Bakit ko naman buburahin."

"Dahil nag away tayo."

"Kailan?"

"Noong mga nakakaraan."

"Napaka childish ko pala."

"Madalas."

"Di bale sa facebook nalang."

"Huwag na!"

"Bakit?E sigurado ako mayroon doon."

"Walang signal dito sa amin."

"Ganoon ba?"

"Kung may kailangan ka,tawagin mo lang ako."

"Bakit saan ka pupunta?"
Nagtatakang tanong ni Amora.

"Sa banyo maliligo muna."

"Ahhhh"
Naiilang na sagot niya.

Ilang minuto lang ay lumabas na ang asawa.
Napalis ang tingin niya rito dahil naka takip lang ang pang ibaba nito.
Gusto sanang tingnan ni Amora ang kabuuan ng lalaki ngunit kinakain siya ng hiya.
Mabuti nalang at tumalikod ito upang tuyuin ng blower ang buhok.
Doon niya napagmasdan ang likurqng bahagi nito.

Kay kisig ng lalaki.Kinikilig siya.Totoo ba ito o isang panaginip lang ang lahat?Saan kaya niya nakilala ito?Gusto na niyang gumaling kaagad upang maalala ang lahat ng hindi siya ganitong laging nahihiya sa tuwing magbabanggaan ang kanilang paningin.Hirap siyang titigan ito ng matagal na tulad sa isang pangkaraniwang mag asawa.Ang pakiramdam niya tuloy ay kapwa sila estranghero ng lalaki.
Paano kaya kung yayakapin siya at hahalikan nito mamaya?Paano pa kaya ang higit pa roon?Biglang nangalisag ang kanyang mga balahibo sa sumagi sa isip.

"Ikaw?Hindi kaba maliligo?"

"Ha?!"
Sa pumiyok na boses ay nasabi ni Amora.

"Sabagay mabango ka naman kahit kahapon pa."

Bigla siyang nagulat sa sinabi nito.Atsaka niya naisip na.Sino ang nagpapaligo at nagbibihis sa kanya sa mga nakakaraang araw?Sino pa e di ang asawa mo! Wag kangang ano!Kaya 'wag ka nang mag inarte diyan!.Nagsasalita mag isa ang isip ni Amora at nagtatalo talo.

Upang makabawi kahit papano sa kaartehan ay nilakasan niya maigi ang loob at hinubad dahan dahan ang gown niyang puti.Itinira lang ang mga damit panloob.Naglakad siya sa closet upang kunin ang twalya at ilang mga gagamitin niya.

Nagulantang si Amora ng marinig ang bumagsak na bagay at sinundan ng tingin kung anomang bagay na iyon na nalaglag.
Kitang kita niya ang asawang nakanganga at gulat na gulat na nakatingin sa kanya.

"Bakit?!"Gulat na tanong ni Amora rito.
"Tila gulat na gulat ka?Parang-?"

"Baka kung ano mangyari sa iyo!"
Hindi paman tapos ang kanyang sasabihin ng sinabi nito iyon.

"Anong?Bakit?"
Nagtataka at nalilitong tanong ni Amora sa asawa.

"Baka kasi pasukin ka ng lamig."

"Bakit naman ako papasukin ng lamig?"

Binalewala niya ang sinabi ng asawa at dahan dahang tumalikod na sadyang ini embay ang balakang habang lumalakad.
Ewan ba niya!Gusto niyang makita nito ang kasexyhan niyang taglay at ipaalam rito na hindi na siya kailanman maiilang rito.
Sa istorya kasi ng buhay nito ay alam niyang may masakit itong pinagdaanan.Gusto niyang isipin ng lalaki, na hindi man nito naranasaan ang isang masayang pamilya,ngunit sa katauhan niya'y ipararanas niya rito ang masaya at mapagmahal na asawang katulad ng hinihiling ng ama nitong hindi niya kailanman iiwan ang lalaki at wala ni kapirasong agam agam siyang nararamdamang maiisip man lang niya iyon.
Sa puso niya'y mapagmahal at mabait ang lalaking napili niya and she trust her instinct.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tres Bastardos Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon