Bea's POV
"Break na tayo." Nabingi ako sa narinig ko."B-Baby w-wag ka n-namang magbiro ng ganyan." Nanginginig kong sagot.
"I'm not joking Bea. Lets break up." Pagsabi niya nun ay tumalikod na sya sa akin at naglakad palayo. Unti unting tumulo ang mga luha ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari to. Halos talikuran ko ang pamilya ko para lang sa kaniya tapos iiwan niya din pala ako. Bakit ganyan sila? Pagkatapos ipaglaban iiwan ka nalang na luhaan.
PRESENT TIME
3 years na nang iwan ako ng ex ko. Mula noon parang nawalan na ako ng tiwala kaninuman. Nagbago na ako. Hindi na ako palangiti. Hindi na ako nakikipag usap sa iba. Palagi akong mag isa dahil ayaw ko ng may kasama. Ayaw kong magtiwala ulit dahil takot ako masaktan. Wala narin akong pamilya na mapupuntahan dahil tinakwil na nila ako noong kami pa ng ex ko. First year college na ako ngayon at ako ang nagbabayad ng tuition ko. Nagtututor ako para may ipambayad sa apartment, kuryente,tubig,pagkain at iba ko pang pangangailangan. Napagdesisyonan ko din na pumasok sa volleyball team para mabawasan ang mga gastusin ko sa school. Papunta ako ngayon sa BEG para magtraining. This is my first day as a rookie at next month magdodorm na ako kasi required yun sa lahat ng athletes."Oh nandito na pala ang bagong player natin. BTW girls, this is Bea De Leon. Our new member." Pagpapakilala sa akin ni Coach sa mga teammates ko. Ngumiti lang ako tsaka pumunta sa bench para ilagay ang mga gamit ko.
"Hi Bea. I'm Jho." Pagpapakilala sa akin ng babaeng morena at may pagkacute. What Bea?! Anong cute pinagsasabi mo?!
"Uhm hi." Sagot ko tsaka naglakad sa CR para magbihis.
Paglabas ko sa CR ay navwawarm up na sila. Nilagay ko ang gym bag ko sa bench tsaka naglakad papunta sa kanila. Nagulat ako ng may humablot sa kamay ko.
"Partners tayo Beh." Nakangiti niyang sabi. Hindi na ako nagreklamo kasi kami nalang dalawa ang walang partner. Habang nagwawarm up napansin ko na maganda pala siya lalo na kapag nakasmile. What self?! What are you talking about?!
"Okay thats it for today. Mamayang hapon wala tayong training kaya makakapagpahinga kayo. Go to your class na." Nagligpit ako ng gamit ko tsaka naligo. Paglabas ko wala nang tao siguro may mga class pa sila. Wala akong class ngayon mamayang hapon pa kaya matutulog nalang ako sa apartment ko.
"Hi Bea. May class ka ngayon?" Tanong ni Jho. Ewan ko mukha siyang kabuti sumusulpot nalang bigla. Naiinis na ako sa kaniya ang daldal kasi. Kairita.
"Wala." Sagot ko tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam ko naman na sumusunod siya sa akin.
"Masyal tayo." Sabi niya.
"I'm not in the mood so please stay away from me." Plain kong sagot.
"Minsan lang naman eh." Pagmamatigas niya. Naiinis na talaga ako.
"Can't you hear me?! I said go away from me!!" Nagulat naman ako nang sampalin niya ako.
"Okay! Kung yan ang gusto mo pero wag mo akong sigawan hindi ako bingi. Nakikipagkaibigan lang naman ako saya eh pero parang ayaw mo naman. Bahala ka sa buhay mo!!" Pagkasabi niya nun ay tumakbo na siya papalayo sa akin. Nakaramdam naman ako ng guilt sa ginawa ko sa kaniya pero naiinis parin ako sa kaniya.
1 month later
1month na ang nakalipas mula nong nag away kami ni Jho. Every traininf tinatry ko na kausapin siya pero iniiwasan niya ako. Nagliligpit ako ngayon ng mga gamit ko kasi sa dorm na ako tutuloy. Pagkatapos kong magligpit ay bumaba na ako dala dala ang mga gamit ko at nilagay sa sasakyan ko. Oo may sasakyan ako naipundar ko ito dahil sa pagtututor ko. Nilock ko ang apartment ko tsaka sumakay sa kotse ko. Nagdrive ako papunta sa dorm.