Chapter 1.

7 0 0
                                    

Dalawampung taon na 'kong nabubuhay sa mundo, ngunit parang ikinulong nila ako sa edad na labing dalawa. Tinuturing na bata, de oras lahat na minsa'y para akong isang laruan na de susi. Kailangan pag patak ng alas nuebe ng gabi ay wala ng gagamit ng cellphone, laptop o kung ano mang gadgets, may curfew, kumbaga. Hindi pwedeng lumampas sa oras, dahil maaaring makumpiska. Minsan tuloy iniisip ko, ako nga lang ba ang nakakaranas ng ganito?

Ako nga pala si Danielle, 4th year, culinary student. Graduating na ako. At Oo, babae ako. Madalas napagkakamalang lalaki dahil nagkakatalo kung paano babasahin ang pangalan ko. Karamihan ang tawagan saaki'y "Dan o Dani", may ilan din tumatawag ng "Nel". Kaya lalo akala ng lahat lalake ako.

Sa apat na sulok ng kwartong ito, madalas akong nakakulong. Hindi naman sa ayaw kong makihalubilo sa iba o makipagkita sa mga kaibigan, pinili ko lang talaga na magkulong sa kwarto. Magbasa at magsulat ng mga istorya. Makinig ng mga kanta. Ganon ang buhay 'ko 'pag nandito sa bahay. Imbes na tumambay sa sala, mas pinipili kong mapag-isa. Minsan, nagluluto at nag eexperiment ng mga pwedeng lutuin lalo na kapag nag iisa ako. May mga pagkakataon din kasi na kahit gusto kong umalis, hindi rin ako pinapayagan. Kaya Hindi na ko nagpapaalam kung alam kong hindi rin nila ako papaalisin ng bahay.

Halos araw araw, ganito ang sitwasyon ko. Eskwela sa umaga at hapon, diretso sa bahay pagtapos ng klase at aral sa gabi. Hindi na nga ako nakakasamang gumala sa mga kaibigan ko dahil alam nila na hindi ako pwede, kaya sumuko na rin sila kakapilit sakin.

Sabi nila ang higpit daw ng mga magulang ko. Kung tutuusin daw kasi hindi na ako teenager at mas lalong hindi na ako musmos para ikulong sa bahay at bigyan ng curfew. Naalala ko pa nga nung minsan akong tinanong ng best friend kong si Louis, kung hindi daw ba ako nasasakal sa higpit nila, ang nasabi ko nalang, hindi na dahil sanay na.

Siguro nga ganon talaga. Kapag nasanay ka na sa isang bagay, hindi mo na mararamdaman yun hirap kasi palaging ganon nalang ang nangyayari at hindi mo na alintana kung gaano kasakit.

PagsukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon