Kendra's PoV
Nagising ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog sa mainit na pagdampi ng sinag ng araw na siyang nagpapahiwatig ng panibagong araw na naman. Panibagong araw na puno ng mga pagsubok at pagkukunwari.
Dali dali akong bumangon mula sa aking hinihigaang kama na napatungan ng pagkalambot-lambot na gudson na pinatingkad ng nakaka aliwalas na kulay asul.
Napako ang paningin ko sa litrato na nakapa ibabaw sa maliit na lamesa nang aking tignan ang kabuoang kuwarto. Litrato ko iyon kasama ang aking pamilya na kung titignan ay makikita ang malalapad na ngiti na nagpapahiwatig ng kasiyahan at pagmamahal sa bawat isa.
Mahal na mahal ko ang aking pamilya to the point na kaya kong isakripisyo ang lahat pati ang pagkakakilanlan ko makapiling ko lamang sila.
Kaya bilang isang taong marunong magsalita, dagli-dagli akong pumunta sa banyo matapos akong magmuta upang gawin ang aking morning rituals...
...ano ba kayo! siyempre magtu- toothbrush na ako no! kanina pa'ko dada nang dada rito baka sabihin niyong mabaho hininga ko, sige na nga magtu-toothbrush na yung tao
Pumasok ako sa aking banyo na kung susuriin ay asul ang nangingibabaw na kulay nito. Siyempre peyborit ko eh.
Ginawa ko na ang morning rituals ko.
Toothbrush, hilamos, ihi, ligo, at basta, yung mga morning rituals, alam niyo na yun.Pagkatapos ay lumabas na ako upang magsuot ng aking uniporme at sapatos na siyempre hindi high heels, ang hirap kayang matapilok, nakakahiya! Naalala ko tuloy nung minsang matapilok ako sa hallway ng aming school...
Nagmamadali akong naglakad sa aming hallway with my high heeled black shoes nang biglang 'di ko namamalayang dinadaanan ko na pala ang may naka warning sign na 'Be careful, the floor is slippery', at pagkabasa ko ng sign ay bigla na lamang akong natapilok at naalis ang heel ng aking kanang sapatos...pinagtawanan tuloy ako ng mga ka-classmate ko.
...kaya ayun, from that day onwards, 'di ko na hinamak pa na magsuot ng high heels.
Pagkatapos kong magbihis ay naglagay ako ng kaunting polbo sa aking mukha at leeg, pati narin ang siyempre, ang peyborit kong lemon-scented na pabango.
Aking inayos ang aking buhok gamit ang kulay asul kong suklay. Yan, maayos na.
Ako nga pala si Maria Kendra Allison, 19 years old na ako at nagaaral sa Dowell University bilang 4th year college. Speaking of my favorites, my favorite color is blue, favorite scent is lemon scent,and my favorite ulam is yung kulay orange na bugok na itlog, alam niyo yun? uhhh I'm craving for this ulam again.
I am family oriented. I will and can do all things even though my system doesn't want to accept those. I can even sacrifice my life's destiny and identity just to be with them, my family.
I will think for them
.
.
.
.
.
.
.
.
I will speak for them
.
.
.
.
.
.
.
.
I will act for them
.
.
.
.
.
.
.
.
And even kill for them.#KendraKills!!???
@msjadeite
All Rights Reserved
YOU ARE READING
Mystery Revealed
Mystery / ThrillerHello everyone! It's my first story ever to be written at wattpad and I'm looking forward for your support and positive feedbacks to this journey. Thank you! Disclaimer: This story is a work of fiction. Names, characters, settings, and other things...