unforgotten love

29 0 0
                                    

UNFORGOTTEN LOVE

By:adjie_03

Marami sa atin ang may mga karanasan na talagang hindi malilimutan,,,tulad sa mga pinagdaanan sa high school.Marami din sa atin ang ayaw na itong balikan sapagkat ang iba ito ang itinuturing nilang isang masamang panaginip na kailangan ng kalimutan,ngunit kahit anung gawing limot ay talagang hindi malimutan.Tulad na lang ng ating kwento ngayun,ito ay tungkol sa isang lalaki na ang karanasan ay ginawang instrumento upang magtagumpay sa buhay,,tunghayan natin ang kanyang pakikipagtunggali.Balikan na natin ang mga pangyayare sa ating buhay ang mga kakatwang pangyayare ganun din ang mga naranasan nating mga ulos at problema na ating pinagdaanan.

Isang manager ng isang bangko si Jay sa isang sikat na bangko sa maynila ngunit bago niya ito maabot ay talagang napakahirap ng kanyang mga pinagdaanan,marami ding mga bagay na talagang itinutulak siya pataas bagkus ay hinihila siya ng mga ito pababa,.Hindi rin naging madali ang kanyang pagpasok mapa elementary man oh high school.kaya kahit naghihikahos na sila sa buhay ng mga sandaling nasa kolehiyo na siya ay lalo siyang nagsigasig sa  pag-aaral upang makapagtapos ng pag-aaral.

Kaya ating balikan ang mga pagsubok na dumating sa buhay ni Jay!

Si Jay ay ipinanganak sa malayong barangay sa Quezon,sila ay nakatira sa isang kubo na ang dingding ay tanging katsang kumot lamang.Walang trabaho ang kanyang mga magulang kundi ang kanyang ama ay tanging nakkiani lamang sa mga may lupang sakahan sa kanilang baryo.Samantalang ang kanyang ina ay tumatanggap lang ng mga labahin sa kanilang mga kapit-bahay na nakakaangat ang buhay.Nang nasa elementarya na siya ay libre naman ang tuituion fee kaya naman nakpag aral siya dun ng libre,at ang tanging gastos nila ay ang pambaon ni Jay,ngunit kahit sa baunin ni Jay ay talagang nahihirapan sila sapagkat ang mga trabaho ng kan yang mga magulang ay hindi regular at paextra extra lang kung kayat minsan siya ay n apasok ng eskwelahan ng walang kapera pera ni singkong duling.Kung kayat tuwing recess ay siya lang ang naiiwan sa kanilang silid at nagsusulat at nagaaral na lang upang mapalis ang gutom na nararamdaman.Mayron ding naman pailan ilan na mga batang nagbibigay sa kanya ng mga tira nilang pagkain,at ang kapalit ay ang pagpapatulad nito sa mga assignment at sa mga darating na examination.Sa tuwing Lunch break naman kahit asin ay kumakain siya upang makabawi sa recess  na wala siyang nakain kung kayat tuwing may makakaita sa kanya na magulang ng kanyang mga kaklase ay naawa sa kanya kung kayat siya ay hinahatian nito.Ngunit gaya ng dati ito ay may kapalit..Tuwing pagkatapos niyang kumain ay pumupunta na sya sa kanyang silid upang umextra sa kanyang guro,ang kanyang guro ay medyo may kasungitan ngunit kaclose naman niya.Nagtatanggal siya ditto ng uban o puting buhok habang break pa.Sa tuwing isang uban ay katumbas ng 25 sentimo sa halip na gastusin niya ang kanyang mga kinikita ay inuuwi niya kung kayat siya ay nakakaipon sa kanyang alkansya,.Upang kung may dumating na sakuna sa kanilang pamilya ay may magagastos sila.Ngunit talagang mapagbiro ang tadhana dahil sa pangyayari na di inaasahan.

Sila ay naglalaba sa isang ilog sa kanilang baryo.Talagang makakapanalamin ka sa tubig dahil sa kalinawan ng tubig,at kahit sino ay talagang mahihikayat ka ditong maglaro.Si jay ay sanay ng sumama sa kanyang ina sa paglalaba ditto,kung kayat hindi nila inaasahan ang isang pangyayare,.Dahil sa katuwaan ni Jay ay siya ay naglaro sa bunton ng buhangin datapwat hindi ito white sand ay talagang napakapino ng mga buhangin na iyon.Panay lang ang laro ni Jay sa buhangin na iyon,.kaya ng makatpos ang kanyang ina sa paglalaba ay agad na silang umahon at nagsampay sa kanilang bahay..Hindi pa natatapos ang pagsasampay ng ina ni Jay ng bigla nalang sumakit ang tiyan ni Jay,di niyta inalintana iyon dahil pangkaraniwan na sa kanya ang pananakit ng tiyan sa kadahilanan na nalilipasan na siya ng gutom.Ngunit sadyang kakaiba ang sakit hapdi at pagaalburotong kanyang tiyan kaya di siya nakatiis at talagang nakahiyaw siya ng napakalakas.Napatakbo ang kanyang ina at nagtungo sa kan ya ang kanyang ina at tinanong knug bakit?Hindi siya makasagot bagkus ay umiyak na lang ito at iminustra sa kanyang ina na napakasakit ng kanyang tiyan.Pagkauwi ng kanyang ama galling sa pagsasaka ay bilis bilis na nagbihis at naghiram ng pera sa kanilang kapit bahay dahil dadalhin si Jay sa ospital..Agad na nagpunta ang mag anak sa ospital.Panay pa rin ang sakit ng tiyan ni Jay,ngunit ng nasa mismong tarangkahan nan g ospital sina jay ay parang bulang naglaho ang sakit ng kanyang tiyan.Ngunit kahit ganun ay nagpacheck up na rin si Jay..Wala naming masabi ang doctor sa pagsakit ng tiyan ni Jay ngunit Kung pwede daw ay iconfine si Jay sa ospital upang magawan ng ilang mga pagsusuri  at eksaminasyon upang malaman nila ang tunay na deperensya ng kanilang anak..Ngunit hindi pumayag si Jay sa gustong mangyare ng doctor dahil alam ni Jay na check up lang ang kaya ng kanilang pera,kung kayat umuwi na sila.Pagkadating ng bahay nila ay hindi pa rin nasakit ang tiyan ni Jay kung kayat nakatulog na sila at hapon na din naman noon at talagang pagod na sila,.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

unforgotten loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon