Chapter 32

335 7 0
                                    

YRRAH

Pinipilit ako ni Xian na sumama sa bahay nila. Pero ako itong nakiusap na wag doon. Baka bumalik na naman doon si Faye.

Pero mapilit siya at dinala na lang ako sa condo nito.

"Don't you remember this place?" Tanong niya sakin nang makapasok kami sa loob.

"Naalala ko. Dito ako nagising nung malasing ako sa kasal ni Jade" sabi ko habang iniikutan ng tingin ang condo unit

"Yun lang ang naalala mo?"

"LEU days. Dito ang tambayan natin dati kasama ang iba pa. Dito mo ko dinala noong unang araw na naging tayo noo"

"Naalala mo pa" Tumango lang ako at hindi sumagot. Of course.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan.

"Let's go to your room"

Pagkadala niya sakin sa magiging kwarto ko ay siya na mismo ang nag-ayos ng mga gamit ko sa cabinet. Umupo ako sa kama at pinanood lang siya

Sino ba ang mag aakala na isang Xian Laxaman ang ngayon ay pinagsisilbihan ako.

Pagkatapos niyang maisalansan sa cabinet ang lahat ng gamit ko ay lumapit siya sakin at hinawi ang konting hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko.

"Ang ganda mo talaga" parang wala sa sariling sabi nito at hinaplos ang mukha ko.
Ako naman ay biglang nag-init ang mukha dahil sa sinabi nito

Linapit ni Xian ang mukha niya sakin at hinalikan ako sa labi. Smack lang ang binigay niyang halik pero malaki ang epekto nito sa sistema ko lalo na sa puso ko. Ulit ulit na ginawa nito ang paghalik niyang iyon na malugod ko namang tinatanggap.

Hanggang sa ang maliliit na halik ay unti-unting tumatagal, unti-unting lumalalim, at unti-unting naging mapusok.
Hanggang sa napunta na sa leeg ko ang mga labi niya, ang mga kamay naman nito ay nasa bandang baywang ko na at unti-unting pinipisil ito na lalong nabibigay sakin ng kakaibang nakakakiliting pakirandam at init

Ngunit agad itong huminto at niyakap ako.

"You always look beautiful, but i promise that we won't do it until we get married. Birhen kitang ihaharap sa altar" sabi niya sakin at kiniss ako sa noo.

Parang may maiinit na kamay ang humawak sa puso ko sa sinabi ni Xian. Hindi dahil sa sinabi niyang bihen niya aking ihaharap sa altar, kung hindi dahil sa kaalaman na  balak pala siyang pakasalan ako. Ni hindi pa nga pumasok sa isip ko ang salitang kasal, pero siya ay naisip na niya.

Iniwan niya ako sa kwarto at magluluto muna daw siya ng makakain namin.

*sigh* tama ba tong ginagawa ko sa buhay ko? Tama ba na sumama ako sa kanya?

**

JARED

"Where you're going?" My mom asked.

Nakita niya kasi akong naglalagay ng mga damit ko sa maleta.

"Pupunta ako ng Pilipinas"

"What? Bakit?"

"Yrrah is in the Philippines, ilang araw na siya dun. Susunduin ko lang siya"

Nag text siya sakin na kasama niya si Xian. Kaya kaagad na kong nagpa book ng ticket papuntang Pilipinas. I need to get her.

Hindi na nagsalita si mama at hinayaan na ko. Maybe she understand me and she knows that I know what i am doing.

Yrrah is not for Xian. And I will prove that to her lalo na kay Xian.

School Royalties (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon