Chapter 35

354 11 0
                                    

YRRAH

Kung nakakamatay lang ang mga tingin ay baka kanina pa nangisay si Jared sa kinatatayuan niya dahil sa masamang tingin ni Xian sa kanya.

Dalawang araw na mula ng pumayag si Xian na umuwi ako ng Hong Kong. At muntik pa nitong bawiin ang pag payag niya nang malaman niya na si Jared ang kasama kong babalik ng Hong Kong.

"Xian, relax" sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya.

Kasalukuyan kaming nasa airport at hinihintay na lang ang oras ng flight namin.

"I don't like him" tanging sagot ni Xian pagkaharap niya sakin.

Gusto kong tawanan si Xian dahil sa inaakto niya ngayon, pero baka lalo lang itong mainis kaya nanahimik na lang ako.

Magkahawak kamay kami at panay halik si Xian sakin tuwing napapatingin si Jared samin na naka kunot noo naman.

"What are you doing?" Sita ko kay Xian.

"Minamarkahan ko lang ang pagmamay-ari ko"

Nailing na lang ako sa kanya.

"Yrrah, let's go" ani Jared.

Tinignan ko si Xian na mahigpit na nakahawak sakin.

"I need to go" tumango si Xian at marahan akong hinalikan sa labi ko.

"Hindi na kita hihintayin dito. Ako na mismo ang pupunta sayo sa Hong Kong sa oras na maayos ko na lahat" tumango ako sa sinabi niya.

"Hihintayin kita"

Habang naglalakad na kami ni Jared ay halos hindi ko maalis ang tingin ko kay Xian na nakangiting kumakaway sakin.

"Yrrah look where you are going. Madadapa ka" sita ni Jared na. Kj nito.

Nang nasa eroplano na kami ay may isang text message pa akong nakuha kay Xian.

"I love you" muntik pa akong mapatili sa kilig sa simpleng text ni Xian.

"Tsk" nailing na lang si Jared dahil sa reaksyon ko.

Pagdating namin sa Hong Kong ay sa office ni Kuya Yohan ako dumiretso, habang si Jared ay nakasunod at kanina pa ako pinapangaralan dahil sa mabilis kong pakikipag balikan kay Xian.

Kung wala lang talaga akong alam tungkol sa lalaking ito ay baka napagkamalan ko na siyang in love sakin.

"Ano ang magagawa ko? Im in love" sabi ko habang nasa elevator kami paakyat.

"Marupok" sabi ni Jared. Tumawa lang ako sa kanya.

Sa office ni Kuya ay nadatnan namin siya habang kausap ang secretary nito na kaagad ding umalis nang makita kami ni Jared.

Seryosong nakatingin sakin si Kuya Yohan habang nakaupo ito sa swivel chair niya.
Habang si Jared ay naupo sa isang upuan at pinanood kaming magkapatid kung ano ang magiging hatol ni Kuya Yohan sakin.

"Sorry" yun ang unang lumabas sa bibig ko habang ang mga kamay ko ay nasa likod ko at naka cross finger, hoping na hindi ako sermunan ni Kuya.

"Give me a good reason for me to ignore what you did" ani Kuya Yohan.

"I love him" mabilis kong sagot. Sinamaan ko ng tingin si Jared dahil sa dinig kong pagpigil niya ng pagtawa. Habang si Kuya Yohan ay tumaas ang kilay dahil sa sagot ko.

"After six long years you're still in love with him?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya.

"Yes" Napasandal si Kuya sa kanyang inuupuan habang ang mga mata niya ay hIndi na naalis sakin.

"I swear Kuya. Hindi na ako bata. Alam ko ang nararandaman ko para kay Xian" napabuntong hininga si Kuya Yohan at tumayo.

"If only I could ask a wish so you just stay as  my little girl forever, pero alam kong hindi pwede. Dahil alam kong darating pa rin ang araw na magkakaroon ka ng sarili mong pamilya" sabi ni Kuya at lumapit sakin para yakapin ako.

"Did you know that I didn't like Xian before because I was afraid he might take you away from me? Ganun kita kamahal. You are too precious Yrrah. Mula ng mawala ang mga magulang natin ay wala ng ibang mahalaga sa buhay ko kung hindi ikaw. Dahil ikaw ang nagbigay sakin ng lakas sakin para magpatuloy"

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maluha sa sinasabi ni Kuya. Niyakap ko din siya ng mahigpit.

Katulad ni Kuya Yohan ay siya din ang naging lakas ko. Naging sandalan naming dalawa ang isa't isa mula ng maulila kami. Hindi ko maisip kung nasaan ako ngayon kung wala si Kuya sa tabi ko.

Si Kuya ang laging nasa tabi ko sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko,  kapag umiiyak ako, kapag tumatawa ako, kapag natatakot ako, laging siyang nasa likod ko at laging nakaalalay sa mga bawat desisyon ko sa buhay. Kailanman ay hindi niya ako iniwan.

"Kuya Yohan," lumuluha kong tawag sa pangalan niya.

"Always remember that I'm always here. Tawagin mo lang ako kapag pinaiyak ka na naman ni Xian. Ipapabugbog ko siya para sayo" natawa ako sa huli niyang sinabi. Tinignan ni Kuya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Isa lang ang ang tanging hiling ko, ang maging masaya ka. At kung kay Xian ka magiging masaya sige at susuportahan kita" tumango ako sa sinabi ni Kuya at ngumiti.

"Thank you Kuya. You really are the best Kuya"

"Oy tama na ang drama niyo. Yrrah, magpahinga kana. May shoot kapa mamaya" singit ni Jared na nakatayo na.

Si Jared ang photographer mamaya sa shoot mamaya kaya atat yan.

Pagkatapos naming mag usap ni Kuya ay pinauwi na niya ako at si Jared na ang naghatid sakin.

"By the way Jared, kumusta na pala kayo?" Naalala kong tanong. Ngumiti si Jared at sa ngiting yun ay alam ko na ang sagot.

"Masaya kami" ani Jared na abot hanggang tainga ang ngiti.

Napangiti din ako at kaagad na dinial ang number ni Kyrie.

"Yrrah!!" Halos sigaw na sagot ni Kyrie pagkasagot niya ng tawag ko.

Kyrie is one of my closest friends. Nakilala ko siya sa isang photoshoot noong nagsisimula pa lang ako sa modelling. Kyrie is a famous Hollywood actress, kaya nga hindi ko inasahan na magiging malapit kaming dalawa.

"How are you?" Tanong ko sa kanya. Si Jared naman ay pasulyap sulyap pa sa akin.

"I'm doing very good Yrrah. I'm so happy. How about you my dear friend? How's life? I mean your love life? I heard you're trapped in an island with your ex?"

Tinignan ko ng masama si Jared. For sure ay si Jared ang nagsabi kay Kyrie.

"I'm also happy. I'll just tell you everything when we meet. Kailan ka ba papasyal dito?"

"Okay, tell me every single detail, I'm so curious. Maybe next week i'll be there"

"Okay, see you next week"

After that call ay kaagad kong hinampas sa balikat si Jared.

"Aray!"

"Bakit mo sinabi kay Kyrie na natrap ako sa island? At kanino mo nalaman yun?"

"Alam mo namang wala akong maitatago kay Kyrie. At si Yohan ang nagsabi sakin. Siya nga ang nang utos sakin na sunduin ka sa Pilipinas"

"What? Pati yun alam ni Kuya?" Gulat kong tanong. Naisip ko si Kyle, sinabi ba niya kay Kuya?

"Why don't you call your Xian? And ask him?" Suggest ni Jared.

Oo nga pala si Xian.
Bigla akong napangiti nang maalala ko si Xian.

I miss him already.

**

Hazlyn Styles

School Royalties (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon