Chapter 8

24 7 1
                                    

"Omg! Is this real!?"

Natulala ako sa nakita ko sa notification ko. His name popped up on my notification! Napindot niya ba 'yon? Maybe he's stalking me. Oh my God, kinikilig ako. Well, hanggang crush lang 'to. I need to tell Kitty about this! I'm sure kikiligin rin siya sa nakita ko.

To: Kitty
He stalked me few minutes ago. He reacted 'love' on my featured photo!

Wait, I just realized na sabay yata naming tinignan ang timeline ng isa't-isa. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ba't ako kinikilig ng masyado. Ang lakas ng loob kong magkagusto sa taong never ko pang nakausap!

From: Kitty
Hala! I-chat mo na, Ate Elle! Sign na 'yan.

To: Kitty
Ayoko mag first move and I'm shy.

Umiisip ako ng mga paraan kung paano siya magcha-chat sa akin. Nagpost ako ng mga parinig sa facebook about him but he was just reacting on it. Besides, kahit naman nagrereact lang siya, kinikilig pa rin ako. I always post my picture on my facebook story but wala pa rin, hanggang react lang. Billy, make a move! Naiinis na ako, huh.

Kitty gave me a tips para magchat na si Billy sa akin, pero wala pa rin. Napaka supportive naman ni Kitty sa akin. Lahat na ginawa namin pero ang manhid yata ng crush ko.

I'm scrolling on my facebook and I received a notification again. He reacted on my another featured photo. He's stalking me, isa-isa pa siyang nagrereact as if naman hindi ko napapansin. I told Kitty again about this, since siya pa lang ang may alam na crush ko si Billy.

From: Kitty
Ate Elle, ikaw na lang kaya magchat?

To: Kitty
Nahihiya ako. Malay ko ba kung may jowa pa rin 'to.

From: Kitty
Alam ko na Ate Elle. I'll add him on facebook then I'll chat him. I will tell him na gusto mo siya, ayos ba? :)

Nag dalawang isip ako sa plano ni Kitty. Natatakot ako dahil baka ako lang ang interesado sa aming dalawa ni Billy. Baka hindi niya naman ako gusto. Takot ako baka sabihin rin ni Billy sa pinsan ko na gusto ko siya. I'll just set aside those what ifs, I badly want to talk to him.

To: Kitty
Hala? Kinakabahan ako, pero sige. Thank you, Kitty!

From: Kitty
You're welcome po, Ate Elle. I hope he will accept my friend request.

To: Kitty
Let's just wait. Maliligo lang ako. I'll be back.

Tumayo na ako sa kama ko para maligo na. "Elle, anong meron?" Huh? Anong sinasabi ni Mama? May bago ba sa akin? "What?" Nagtatakang sagot ko. "Nothing, you look so happy." Oh my! Napapasaya na ako ni Billy? Just kidding! Hindi ko na sinagot si Mama sa sinabi niya at pumasok na ako sa bathroom.

Iniisip ko lang kung paano ko makakausap si Billy. Hindi naman siguro ako mumultohin ni Lolo Ben kung makakachat ko 'yung apo niya 'no? Kung anu-anong pumasok sa isipan ko habang naliligo ako. Nang matapos na ako, pumasok agad ako sa kwarto para mag ayos. I did my make up routine kahit nasa bahay lang ako, I still want to look good.

After I fixed myself, I went to our terrace. I saw the house of Billy's granparents. Is he here? Nakikita niya ba ako? Nakatitig lang ako doon habang iniisip 'yon. Paano kapag nag usap kami tapos maiiwan na naman ako?

"Elle, akala ko ba crush lang? Ano naman 'yung iniisip mong maiiwan? Do you think masasaktan ka kung iniwan ka ng crush mo lang?" I whispered to myself. Hindi pa rin talaga naaalis ang trust issues ko about boys.

Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon