Halos isang linggo din na naging busy si Neith sa work nito. Hindi ito nakakapagtext nang madalas sa akin, pero kapag nakakahanap ito ng pagkakataon ay tinatawag tawagan niya ako. Tulad na lang ngayon na papatulog na ako nang magvideo call kami.
"Wifey, kumain ka na?" bungad niyang tanong sa akin.
"Uh hmmmm, ikaw?" hawak hawak niya ang cellphone habang nakavideo call. Laptop naman ang gamit ko at nakaupo ako sa study table ng kwarto.
"Huwag kang nagsusuot ng night dress kapag hindi mo ako katabi." Napakunot ang noo ko sa sinambit nito, gumana na naman kabaliwan nito. Hindi ba niya nakikita na naka pajama terno ako ngayon?
"Huwag kang nagsusuot ng sexy kapag mamamasyal kayo sa labas." Lah! Anyare sa lalaking to? Daig pa nito ang lalaking baliw na baliw sa isang babae. Sarap sanang kiligin, behave muna heart.
"Huwag kang magbabar. Don't talk to other men, their poisonous." Ano daw? Lumulundag na puso ko. Help! Baka magka-heart attack ako!
"Okay ka lang?" natatawa kong tanong.
"Hindi mo sineseryoso ang mga sinasabi ko. Just do what I've told you." Masungit na nitong saad
Nakita niyang natigilan ako sa mga narinig at medyo napabuka ang bibig, halatang nabibigla na ang itsura ko.
"Yun lang naman ang request ko wifey. Don't get me wrong, pwede mo naman gawin lahat ng gusto mo basta yung last three na sinabi ko sana sundin mo."
"Hindi ko lang maintindihan bakit nagkakaganyan ka?" oh please sabihin mo naman na love love mo na ako.
"Hindi ako possessive, I just want to keep what's really mine." Aiiiissstttt! Konti na lang mahuhulog na ako!
Pag-aari nya raw ako! Oh emm gee! I'm yours sexy baby! Landi mo Ma. Alezandra!
"Ayaw mo bang inuutusan o hinihigpitan kita?" bigla nitong tanong, nagtaka siguro dahil natahimik ako.
Agad akong napailing at nakangiting sumagot.
"Nope, hindi lang ako sanay na ganyan ka. Stop worrying, I'll do what you want."
Nakita kong nagliwanag ang mukha nito sa aking tinuran. Halata kasi kanina ang pagod nito. Mukhang wala siyang tulog. Marami yata silang ginawa ngayon at pagod na pagod ang itsura nit.
"I miss you." Nabigla ako sa sinambit ni Neith. Wala na, hulog na hulog na ako!
Nakagat ko ng hindi sinasadya ang lower part ng labi ko. Kinikilig ako. Susme bakit ba ganito na ang lalaking to? Hindi ba niya nalalaman na lalo ko siyang lab-lab sa sweetness na pinapakita niya sa akin.
''I miss you too." Sambit ko sabay tago ng mukha sa pamamagitan ng dalawa kong palad, kasi alam ko namumula ako.
Narinig kong tumawa ito ng malakas. Haissst, tawa lang niya naririnig ko ang laki agad ng impact sa kinikilig kong puso. Lalaking lalaki ang pagtawa nito. Wala naba akong makitang pangit sa asawa ko. Pulos positive side na yata napapansin ko sa kaniya. Sana lang sa sinabi ko ay kiligin din ang hudyong to!
"See you tomorrow wifey." Agad din naman natapos ang video call namin. Sayang walang I love you.
Maaga kaming magbyabyahe nina Vera pa Baguio bukas. Sa Baguio na rin daw kami magkikita kita nina Neith at mga kaibigan nito.
----------------------------------
Alas siyete ng umaga nang sunduin ako ni Vera at Lira. Excited kaming magbabyahe papuntang Baguio.
BINABASA MO ANG
Men In Uniform (MIU Series 1) Neith Vidar Oliveros
General FictionPaano mo mapapaibig ang asawa mo kung sa una pa lang ay napilitan lamang siya na pakasalan ka? Paano mo mapapaamo ang isang malamig at snob na si Neith Vidar Oliveros? Kumusta kaya ang buhay may-asawa sa piling ng isang lalaking malamig pa sa yelo...