Sheiden's POV
Hi! My name is Sheiden Marie Llamanzares. 13 years old. Sa Swift Academy ako nag aaral.
2nd year high school. Hindi kami mayaman at hindi rin kami mahirap, yung tama lang. May dalawa akong baliw na bestfriends, si Gwen at Alisson. Haha!
Nandito kami ngayon sa school, nagkwekwentuhan ng biglang nag vibrate yung cellphone ko. Haist! Istorbo naman to. Binasa ko na yung message kasi baka importante.
From: 09*********
Hi Sheiden! :) Kumusta ka na? Si Michael Angelo to.Ano ba yan! Si Michael Angelo lang pala.
Waaaiiittt!!! Si Michael Angelo?! Bwaaahhh!!! Matagal ko rin siyang hindi nakakatext. Miss ko na ang mga kalokohan at kakulitan nito. Sinave ko na yung number niya tapos nagreply na ko.
To: Angelo
Hello Angelo! :) Ok lang po ako. Ikaw?Angelo ang tawag ko sakanya kasi wala lang. Hihi. Siya naman tawag niya sakin Sheiden.
From: Angelo
Hmp. Wala akong lovelife. Ihanap mo nga ako ng pwedeng maging girlfriend.To: Angelo
Ayaw ko nga. Ikaw na maghanap.From: Angelo
Ikaw na lang, pwede?Ayan na! Nagsisimula na yung kalokohan niya.
To: Angelo
Ayoko! Bakit naman ako?From: Angelo
Kasi mahal kita.Ayun oh! Bumabanat. Tsk! Wala lang tong ibang mapagtripan.
To: Angelo
Haist! Bahala ka nga. May gagawin pa ko.Tss! Grabe talaga mga kalokohan nun.
After few months...
Lalo kaming naging close ni Angelo. Ilang months na rin ang nakakaraan simula nung nag court siya sakin. Narealize ko na totoo yung mga sinabi niya sakin dati at napatunayan niya na mahal niya ko. Ngayong araw na to, sasagutin ko na siya.
Papunta ako ngayon sa park kasi doon kami magkikita. Baka kanina pa yun naghihintay. May ginawa pa kasi akong project sa school kaya natagalan ako. Pagdating ko sa park, nakaupo siya sa bench.
"Sorry. Kanina ka pa?"-Ako
"Kakadating ko pa lang naman."-Siya
"Ah. Okay. Angelo may sasabihin pala ko" Kinakabahan ako. Pano ko kaya sasabihin sa kanya?! Haist! Bahala na nga.
"Ano yun Sheiden?"
"Ahmmm... Ano... Sinasagot na kita."
"Talaga?!!!"
"Ay! Hindi tuloy. Oo na nga po, sinasagot na kita. Ang kulit!" Ang cute ng reaction niya. Hehe.
"YES!!! Thank you Sheiden!"
Nagulat ako kasi bigla niya na lang akong yinakap. My first hug. Yinakap ko na din siya.
"Uy! Hindi na po ako makahinga." Haha! Ang higpit kasi nung hug niya sakin.
"Ooopppsss! Sorry. Halika na, uwi na tayo"
Kinabukasan...
Ano ba yan! Ang aga-aga may tumatawag na ka agad. Tsk! Istorbo.
Phone Conversation:
Ako: Hello?
Siya: Hi Sheiden! Good morning! Kakagising mo lang?