March 14, 2020
Jeric Gonzales' POVAyan na siya. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang suot na puting gown. Ang sarap pagmasdan ng matamis niyang ngiti. Masayang-masaya siyang tignan habang lumalakad patungo sa aking direksyon at sa akin lang talaga siya nakatitig. Ang ganda niya. Sobrang namangha ako. Sana nga hindi ito panaginip. Palapit nang palapit na siya sa akin. Ang nag-iisang Sheryl Cruz.
"Ang ganda mo, miss She." Bati ko sa kanya nang dumating na siya sa aking harapan.
"CUT!"
"Ah-V-veron pala.." Na-uutal kong sabi nang bigla kong napagtanto na nasa taping pala kami. "Sorry po, direk." Nahiya ako ng konti dun ah.
Hayyy. Alam ko namang hindi ako natutulog pero akala ko talaga totoo na yun eh. Masyado akong nadala sa wedding scene namin. Sayang. Pero ang sarap pala sa pakiramdam ng ikakasal. Yung minamasdan mo yung babaeng pinakamamahal mo na naglalakad patungo sayo para samahan ka sa altar. Pakiramdam ko huminto ang buong mundo at ang tanging nakita ko nalang ay si miss Sheryl na napakaganda. Kinikilig ako habang inaantay siya.
Nang matapos na naming i-shoot ang buong eksenang kasalan, nagsipunta na kami sa hub para sa isang short break. Pagkatapos ay magsho-shoot na naman sa susunod na scene, ang reception.
"Oyy Jeric, ang ganda ng acting mo kanina ha. Totoong-totoo 'yung expression mo para bang tutuhanan ng ikinakasal ka!" Puri ni Marco, ang isa sa aming mga stylists.
"Hmm parang sinasabi mo ata na ngayon lang ako naka-tama sa pag-arte, ah." Biro ko sa kanya habang umupo ako sa isang bakanteng silya at inayos niya ang buhok ko.
"Hindi naman sa ganun parekoy. Ibang-ibaka talaga kanina eh. Halos kumikinang na yung mga mata mo. Habang nanonood kami kanina dalang-dala na talaga kami."
"Ganun ba?" Sabi ko sabay konting silip sa bandang gilid at nakita ko si miss Sheryl na naka-upo rin doon habang kausap niya ang kanyang assistant. "Nadala lang ako sa eksena kasi.. syempre ang galing rin ni miss She. Ganun naman talaga palagi ang ginagawa ko diba, pag ka-eksena ko ang mga magagaling na artista, syempre dapat tapatan ko rin naman."
"Tama 'yan, Jeric." Tumango siya habang pinapahiran niya ang labi ko at nilagyan ng konting chapstick. Ang pulang lipstick kasi ni miss She ay nalipat sa labi ko kanina matapos ang you may kiss the bride na part.
Nagpunta na si Marco kay miss She upang i-retouch din siya. Habang inaayos ni Marco ang buhok niya, nakatutok lang ako sa kanya. Napakaganda niya talaga. Sobrang seductive niyang tingnan kanina nung nasa altar na kami. Alam ko namang in-character siya nun as Veron na wild and aggressive. Nung kaharap ko na siya, sobrang daling gawin lang ng eksena kasi niramdam ko talaga na totoong kinakasal kami. In Jio's character nga lang. Napanakaw tingin pa nga ako sandali sa dibdib niya eh, masyadong revealing naman kasi ang wedding gown niya. Pero buti nalang hindi pa nag-roll ang camera nung nakatingin ako sa cleavage niya. Ang swerte naman ni Jio mamaya sa honeymoon.
Tumingin si miss She sa akin habang nire-retouch ng stylist ang make-up niya. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Ngumiti siya sa akin at binalik ko naman. Lumilingon-lingon ako sa paligid ng hub kung may nakakita ba sa akin na natameme kay miss She. Buti nalang abala ang lahat sa paghahanda para sa susunod na eksena. Kinuha ko nalang ang kopya kong script at ni-review ang aking mga linya. At kahit kunyaring nagbabasa ako ng script, hindi pa rin naaalis sa isip ko si miss Sheryl na naka-wedding gown at naglalakad patungo sa'kin.
"Jeric."
Nilapitan ako bigla ni Miss Sheryl pagkatapos niyang maayusan ng stylist. Agad akong napatayo sa kinauupuan ko. Hawak-hawak ko pa ang aking script at ewan ko ba kung bakit parang nanginginig ako. Kinakabahan kasi ako bigla. Sana hindi ako magmukhang timang sa harap niya.
"Uh.. miss She. B-bakit p-po..?" Kailangan ko siyang i-address ng ganyan 'pag nasa trabaho at merong ibang tao. Delikado na, baka mahalata na may namamagitan sa amin.
"Oh, anong nangyari sayo? Na-te-tense ka yata?"
Hindi ko alam kung bakit para akong nataranta nang lumapit siya sa'kin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko para bang yung puso ko tumatalon-talon sa loob, parang nagwawala.
"Ayos ka lang ba? May masama ba sa pakiramdam mo? May problema ba?" Sunod-sunod niyang tanong nang hindi ako makasagot. Mas lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso. Tinanong niya ako sa mahinang boses, "May problema ba tayo, Jeric?"
Nakikita ko sa kanyang mga mata ang pag-alala. Ayokong nag-aalala siya sa'kin. Siguro natutuwa lang ang puso ko dahil sa kanya kaya ako nagkakaganito. Nakaka-praning nga talaga pag-na-iinlove.
"Kanina ka pa sa set, parang wala ka sa isip. Okay ka lang ba? Nag-aalala na ako sayo."
"Miss She.." Biglang nawala lahat ng pagka-tense ko. Ang sarap pakinggan nang sinabi niyang nag-alala siya sa'kin. Ibig-sabihin may concern talaga siya sa'kin. Mahalaga ako sa kanya. "Sobrang in love lang ako sayo."
"Jeric baka may makarinig sayo!"
"Wag mo ng lingunin. Iisipin lang nila na nag-rereherse tayo ng mga linya natin."
"Tapos ano, ka-eksena mo si Miss She at hindi si Veron?" Tumawa kami pareho. "Kanina nga nagkamali ka ng pangalang binanggit sa kasal natin."
"Natin?" Taning ko at nilagay ko ang hawak kong script sa malapit na mesa. "Siguro nasobrahan lang kasi ako sa pag-iilusyon na kinakasal talaga tayo." Hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay.
"Shhh! Ano ka ba Jeric?! At tsaka hindi magandang biro 'yan ha. Pag-isipan mo nga anong mangyayari pag ikakasal tayo, eh wala pa ngang dapat makakaalam sa relasyon natin-.. Talagang sobrang saya ko na nagpakasal tayo, Jio."
May biglang dumaan na crew sa aming tabi habang naghahawakan kami ng kamay, na agad naman siyang bumitaw.
"Ang bilis nun ha!" Sabi ko sa kanya. Buti nalang nakapalusot agad siya ng kunyare linya ni Veron. "Ang galing mo, miss She!"
"Buti nalang naka-isip agad ako!" Patawa niyang sabi. Hayy ang ganda niya talaga pag tumawa.
"Pero seryoso.." Kinuha ko ulit ang mga kamay niya. "Nanaginip ako na sana totoo 'yung eksena kanina."
"Hindi biro ang kasal, Jeric. Dati na akong kinasal kaya makinig ka sa'kin."
"Or kahit yung reception nalang."
"Totoong kakain naman tayo mamaya diba sa reception set? Sige kain ka ng marami mamaya." Tumawa na naman siya.
"Sana 'yung honeymoon rin totoo."
"Miss She, Jeric, ready na po? Dun na po daw kayo sa set, pinapasabi ni direk." Sabi ng isang crew.
"Behave, Jeric!" Bulong ni miss She sa'kin sabay kurot sa kamay ko tsaka sumunod na sa crew.
Ang bilis nakaalis. Hindi man lang ako naka-nakaw ng kiss.
BINABASA MO ANG
Behind The Cameras
Fanfiction(On-going) (Written in Taglish) Isa ka ba sa mga napapataas ng kilay tuwing sina Sheryl Cruz, 46, at Jeric Gonzales, 28, ay may intimate scenes sa kanilang pinagbibidahang teleserye na "Magkaagaw"? Kahit ano pa ang sagot mo, talagang hindi mawawala...