Calli Ferrer
"Baby please let me explain." saad ni Lauren na nakadungaw sa bintana ng kotse.
Patuloy parin ako sa paglalakad palabas ng campus at hindi ito pinapansin. Maayos naman kaming pumasok ng University kanina pero biglang nagbago ang mood ko ng makita ko itong nakikipagyakapan sa isang babae.Nakatalikod ang babae kaya hindi ko napansin ang mukha nito.
Ayokong pairalin ang selos pero iba ang ka-sweetan ng mga ito kaya imbes na sumakay sa kotse nito pabalik sa cofee shop ay mas pinili ko nalang ang mag-comute.
"Sumakay kana please. I need to talk to you." sigaw nito sa kabila ng pag-dagsa ng iba pang estudyante.
Hindi ko parin ito pinapansin pero laking gulat ko ng bumaba ito ng sasakyan kaya nagmamadali akong sumakay sa humintong jeep.
Limang buwan na ang relasyon naming dalawa pero ngayon ko lang ulit ito nakitang nakipag harutan sa ibang babae.
Pumara ako sa tapat ng coffee shop,agad akong nagpalit ng uniform at dumiretso na sa counter.
Nakasalubong ko si Ma'am Cynthia na may dalang mga papel. "Three hours ka lang ngayon Callista dahil alam kong may exam ka bukas." saad nito.
Tumango ako."Salamat po Ma'am Cynthia."
Yumuko agad ako ng pumasok sa shop si Lauren. May hawak itong bugkos ng bulaklak at isang tsokolate. Alam kong para sa akin yon pero alam ko rin na hindi nito maibibigay lalo na at kung sa harap ng mga empleyado nito dahil wala pang nakaka-alam sa relasyon naming dalawa.
"One frappuccino please." Palihim akong nagpasalamat sa customer dahil hindi ako nagawang lapitan ni Lauren.
"Right away Ma'am." saad ko at tumalima papuntang pantry.
"Hi beshy! Bad mood ka ata ngayon." saad ni Marie na naghihintay ng ginagawa kong frap.
"Ah stress lang sa school."
"Ako na ang gagawa ng orders. Tumayo ka lang dyan at mag kwento." Inagaw nito ang hawak kong cup at inumpisahang tapusin ang mga orders.
Gustuhin ko man na ikwento ang totoong nangyari ay hindi parin pwede kaya napa buntong hininga nalang ako.
"Beshy alam kong may tinatago ka pero ginagalang ko kung ayaw mong ikwento."
Palihim akong ngumiti sa sinabi nito at niyakap ito mula sa likuran."Beshy ano ba nakikiliti ako." saad nito kaya kumalas agad ako.
"Callista pumunta ka muna sa opisina." saad ni Ma'am Cynthia.
"Bakit po Ma'am?"
"May iuutos ako sayo." saad nito pero alam kong pinakiusapan ito ni Lauren para makalapit ako sa kanya.
At hindi nga ako nagkamali dahil naka bungisngis ito habang printeng nakaupo sa ibabaw ng mesa.
"Maiwan ko muna kayo ha." saad ni Ma'am Cythia kasabay ng pagsara nito ng pintuan ng opisina.
Wala na akong nagawa kundi ang harapin ito dahil hinarang nito ang katawan sa pinto.
"Sorry na Baby. I missed you." saad nito kasabay ng pagkabig sa bewang ko."Sorry na!"
Bumuntong hininga ako."Akala mo siguro nakalimutan ko na ang kasalanan mo kanina. Napaka babaero mo talaga." malumanay kong saad.
"Baby pinsan namin yun ni Maggie.She arrived kanina at dinalaw kami sa university."
Umirap ako. "Ang galing mo talagang magpa-lusot noh."
Humagikhik ito kaya kinurot ko ang tagiliran nito.
BINABASA MO ANG
Into You ( gxg tagalog )
RomanceMabait at maganda si Callista o Calli Ferrer. Mapagmahal sa pamilya at lahat ay gagawin nito para sa kanila at wala pa sa utak nito ang pakikipag relasyon. Pero paano kung mag krus sila ng mayaman,babaero at mataas ang pride na si Lauren Smith? At p...