Natatakot ako, yun lang ang alam ko sa mga oras na to. Nasaan na sila? Nasaan na yung mga kaibigan ko? Ni hindi ko nga alam kung makakatakas pa ako sa impyernong to. Naisipan kong tumago sa gilid ng aparador.
Nakarinig ako ng mga yapak na tila papunta sa kinaroroonan ko. Kaya lalong bumilis ang kabog sa aking dibdib at parang di na ako makahinga ng maayos. Di ko na alam kung ano yung gagawin ko kaya sumigaw ako ng malakas "TULONGGGGG!"
Naramdaman ko na mas bumilis ang mga yapak kaya mas nataranta ako.
Nagulat ako ng makita ko ang tatlong babaeng nakaputi sa aking likuran kaya umatras ako.Sa bawat pag atras ko ay umaabante din sila. "Wag po! wag po pleasee" pagmamakaawa ko. Naramdaman kong nasa pinakasulok na ako ng pader at wala na akong matatakbuhan pa. Tinanggap ko na ito yung magiging katapusan ko.
Sasaksakin na nila ako pero may dumating na lalaki. Nakita ko kung paano niya ako pinagtanggol.
Sa sobrang kaba ay nawalan na ako ng malay. "Elisseeee!"
_______________________________________"Beeep beeep" nagising ako sa busina na galing sa sasakyang nakaparada sa labas ng bahay.
"Hoy elisse!" "Gising na elisse" "you know what? Gumising kami ng maaga tas ito lang madadatnan namin grrrr," "sabi ko na eh. Tulog pa ang kumag HAHAHA," sunod sunod na sabi ng mga walang hiya kong kaibigan habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ko.
Or should I say 'sinisira ang pintuan ng kwarto ko'
Shettt! Di ako nakapag alarm. May camping pala kami ngayon. Hayysst! sayang naman yung malafantasy kong panaginip.
Sanay na akong magkaroon ng mga weird na panaginip kaya di na ako masyadong takot sa mga ganun. Minsan nga mas naeenjoy ko pa yung mga ganung panaginip eh. dahil siguro sa pagiging malapitin ko sa mga elemento.
Ako nga pala si Dianne Elisse Dela cruz, 18 years old. Dito ako nakatira maliit na apartment sa probinsiya. Habang sila mama at papa ay nagtatrabaho sa city.
"Oo na! Eto na poooo!" Sabay bukas ng pintuan ko.
Nagulat ako ng makita ko si Gab na nakangiti. Shet ang ganda ng ngiti kakainlab naman. waw! Anlaki ng ano niya -_-
'Anlaki ng pinagbago' wag kayo green hmp!
Antagal ko din kasing di nakita tong lalaking to. Almost 3 years na nung lumipat siya ng paaralan sa city.
Siya lang naman yung pinaka-iniyakan kong ex. Yes I cried so hard because of him, but he never knew about that. Ang akala niya ginusto ko lahat ng nangyari, pero ang totoo hindi.
Gwapo parin naman siya, pero di na yun bigdeal sakin. Duhhh balita ko may jowa na daw ee. Tskk wala na din naman yung mga pinagsamahan namin sa kanya kaya oks lang yun.
Past is past ika nga."Umupo muna kayo mga frienship. Ligo lang ako ha. five minutes lang pramis," sabi ko sa kanila habang pinipilit yung ngiti ko.
Ramdam ko na kasi yung inis nila sakin dahil nalate ako ng gising grrr HAHAHA.Pinihit ko na yung shower. Sobrang lamig naman grrrr. Mabilis lang akong naligo at nagligpit na ng mga gamit. Medyo marami rami din akong dinala. Ang alam ko three nights daw kami dun e.
Simpleng sando at pantalon lang sinuot ko with denim jacket at rubber shoes. Dinala ko na back pack ko at masayang nagtungo sa sasakyan kasama ng mga walang hiya kong kaibigan.
YOU ARE READING
LAST NIGHT
RandomSup mga friendship! This is your author Iuhenz and I wanna share my first story with you here in wattpad world -"Last Night". This story has random genre but focuses on horror and romance. I construct this story with the ideas from those stories tha...