Nakarinig ako ng napakacreepy at malakas na tawa sa likod ngunit nang lingunin ko ay wala akong nakitang tao.
Tiningnan ko ang phone ko. "Pasado alas sais na pala ng gabi," mahina kong sabi.
Muli kong ibinaling ang atensyon sa kinaroroonan ng batang babae ngunit mas tumaas ang balahibo ko dahil nawala ang bata. Napatakip ako sa aking bibig ng makita ko ang isang babaeng duguan at may matalim na tingin sa akin. Bulag ang kaniyang kanang mata at nakatali ng kadena ang kanyang mga paa.
Tila nagmamakaawa ito at parang nagsasalita ngunit di ko masyadong marinig dahil medyo malayo ako sa kanya. Ilang sandali pa ay unti-unting humakbang ang kanyang mga paa. Gusto niyang marinig ko ang kanyang mga sinasabi kaya naglakad ito papunta sa akin.
"T-teka, wag kang lumapit," naiiyak kong sabi. Di ko alam kung bakit, pero nadatnan ko nalang yung sarili kong mga paa na umaabante din papunta sa kinaroroonan niya.
Natatakot ako, pero ano tong ginagawa ko? Gusto kong tumakbo palayo pero di ako makaatras. Di ko kayang kontrolin yung sarili kong mga paa. Gusto kong sumigaw pero dahil sa sobrang takot ay di ko magawa.
May isang metro nalang ang kanyang layo sa akin kaya mas nakita ko ang kanyang duguang mukha. Di ko na mapigilang maluha sa sobrang takot. Marami ng nagparamdam sakin pero ngayon lang ako nakaranas ng ganito.
Kasabay ng pagbuka ng kaniyang bibig ay ang pagtulo ng aking mga luha.
Nasa harap ko na siya. Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga kaya napapikit ako. May ibinulong siya sa akin.
"Elisse!"
May tumawag sa pangalan ko kaya pikit mata akong tumakbo ng mabilis papunta sa lalaking tumawag sakin.
Napayakap ako sa kanya at ilang sandali pa ay minulat ko na ang mga mata ko. tiningnan ang harap ng mansion kung saan ko nakita ang babae. Nawala na siya. Tama ako, isa siyang multo.
Mas humigpit yung yakap ko ng maramdamang tutulo ulit yung luha ko sa sobrang takot.
"Are you alright elisse?" Ngayon ko lang napagtanto na si Gab pala yung kayakap ko. Nakaramdam ako ng hiya kaya unti-unti akong napabitaw sa kanya.
Naramdaman ko naman yung presence ng mga walang hiya kong kaibigan sa likuran ko. Bakas sa mga muka nila yung pag-aalala sakin. "What happened elisse?" Sabi ni hana habang pinapakalma ako. "Don't worry friendship andito na kami oh," sagot naman ni bea. "Sorry elisse, naghanap lang kami ng signal sa gubat kaya medyo natagalan," singit ni vince
Biglang napahinto yung drama ko nang may dumating na isang sasakyan. Lulan ito ng dalawang tao.
"Woah! sports car angas naman nito fritz," gulat na sabi ni yuhens habang tinatapik yung braso ng driver na fritz daw yung pangalan. Tropa niya yata tong fritz na 'to.
Nasa drama mode pa ako pero sulit na sulit yung cuteness ng binatang to. Shetttt patawarin moko lord sa pagnanasa ko sa lalaking to. I guess nasa 18 nadin siya. Medyo playboy pero ang cuteeeee waaaahhh sulit talaga.
"Ayy guys, this is Fritz and Ysa. They are my childhood friends from city," pagpapakilala ni yuhens sa kanila.
Siyempre angharot ko kaya kahit may luha pa ay nakipag kamay ako dun sa cute na si fritz. Uwuuuuu tila hihimatayin ako sa malalim niyang dimple huhu.
"Babe!" sigaw nung kasama ni fritz na babae. Habang papalapit samin
Ayyyt siya pala yung jowa ni Gab.
Huh? Bat andito yan?"Ysabelle, diba sabi ko wag ka na munang pumunta dito. Pede naman tayo magsama after ng bonding naming magkakaibigan ah," inis na sagot ni Gab sa babae
YOU ARE READING
LAST NIGHT
RandomSup mga friendship! This is your author Iuhenz and I wanna share my first story with you here in wattpad world -"Last Night". This story has random genre but focuses on horror and romance. I construct this story with the ideas from those stories tha...