Prologue

0 0 0
                                    

Pangungulila!

Minsan sa buhay hindi natin alam kung kailan tayo kukunin ng maykapal na siyang nag pahiram satin sa mundong ito!  Parang kailan Lang kausap, kasabay kumain, kainuman, etc. Sa isang iglap mababalitaan na Lang natin namaalam na. Anak na nawalay sa ama o ina o vice versa magulang na nawalay sa anak. Wala ng pagkakataong mag kita, mayakap ang isat-isa o mamaalam man Lang.  Dahil sa ating kinakaharap na pandemic. Mahirap makauwi upang masulyapan sa huling sandali ang ating mahal sa buhay. Pangungulila na hanggang sa huling pagkakataon hindi maibsan ibsan ang bigat sa pusoy dala dala.

Pangungulila at pagdadalamhati'y hindi mapahupa ng Mga luhang tumutulo. Dalanging ito sanay isa lamang panaginip na pag-gising ang ating minamahal ay makakasama at makikitat makakausap pa.
Ngunit hindi na mangyayari pa iyon, sapagkat ang ating mahal sa buhay ay tuluyan ng namaalam. Sakit na di mapawi,  pagsisisi na kahit sa huliy walang magawa para makita at makasama bago man lamang ihimlay sa huling pagkakataon hindi magawa dahil sa pandemic na ito.

Sakit kalungkutan kailangan paglabanan upang ipagpatuloy ang buhay. Pagiging matatag para sa ibang naulila'y hirap sa pagkat sakit ay walang huhupa. Mga salitang hindi nasabe noong nabubuhay pay huli na para mabanggit.

Kaya't kahit pusoy nag tatangis sa pighati, Pangungulila. Gagawin ang lahat upang ipagpatuloy ang agos ng buhay.  Dalangin na sa bawat Oras, araw, taon, panahon na dadaan ikay aking Kasama kahit ikaw, kayo ay nasa kabilang buhay na. Pagmamahal ko sayoy walang Hanggan. Salamat sa lahat, muli tayong magkakasama, sa takdang panahon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PangungulilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon