Isinulat ni
Jhemar LagataCHAPTER 10
Nang makapasok na siya sa restaurant ay umupo siya sa ikahuling table. Tumawag siya ng waiter na agad naman siyang nilapitan.
“One slice bread toppings with strawberry, thank you,” order niya.
Nilista iyon ng waiter at pumunta na ito sa food counter. Naghintay lamang siya ng limang minuto.
Nasa kanyang harapan ang paboritong kainin niya pag-umuwi siya ng Australia. Iyon ang laging hinahanap niya sa bawat pagbalik.
Isasalin na sana niya ang kalahating parte ng order niyang sandwich nang may nakita siyang pamilyar na tao sa katapat na mesa. Napahinto siya at naiwan sa ere ang kamay.
“Jo-jony?” bulong niya sa ere.
Nagkataon namang nakita siya nito. Napatingin din sa kanya si Jony at gulat din itong tumingin sa kanya.
Nagtitigan silang dalawa. Nang nakabawi sa pagkagulat si Frances ay mabilis na ibinaling ni Frances ang atensiyon sa ibang direksyon.
Bakit niya ito iniiwasan? Bakit siya nandito?
SA KABILANG mesa naman ay napangiti na lamang si Jony marahil nakita na naman niya ang babaeng masarap makipaglaro sa kama. Nakatitig lamang siya sa babaeng umiwas ng tingin sa kanya. Kanya na lamang tinapos ang pagkain ng paboritong slice bread toppings with strawberry. Pagkagat niya dito ay may alaalang lumabas bigla sa kanyang isipan.
“Baby, we have the same favorite food. Whoa!” nababadya sa mukha nito ang galak marahil akalain mong ang kanyang asawa ay pareho pala sila ng paboritong pagkain? How amazing it is?
“Yeah, baby but you’re my most favorite of all food,” then he smiled to her.
“Na,” umawang ang labi nito.
Matagal na rin pala ang panahong lumipas mula no’ng magkasama pa sila ng kanyang asawa. Ngunit tanging pagtanaw na lamang sa naiwang alaala nito sa kanyang isipan ang maibalik niya. Marahil imposibleng babalik sa kanya ang asawang minsan na niyang pinagtaksilan at ngayon ay hindi man lang siya nito maalala.
Dahil tapos na kumain si Frances, agad itong tumayo at lumabas. May kung ano’ng bagay na nag-udyat kay Jony na sundan ang babaeng minsan na niyang nakatalik.
PUMASOK sa isang hotel si Frances at do’n siya magpapalipas ng gabi dahil pagkabukas ay pupunta siya sa isang sikat na beach resort.
“Room 005, madame,” sabi ng attendant.
“Thank you,” pagpapasalamat niya.
Nang natunton na ni Frances ang Room, kaagad siyang pumasok pero napahinto siya sa pagbukas ng pinto ng may humawak sa kanyang braso. Gulat siyang napatingin dito at tila mabilis na tumibok ang puso.Agad niya itong tinarayan. “What?!”
Akala ni Frances na sasagot ito pero hindi kaagad siya nakadepensa dahil hindi niya akalain na isang halik ang kanyang matatanggap. Ang kanyang mga mata ay napapikit na lamang. She tried to push him away but he was too strong. Agad naman kasi siya nitong niyakap. Ang yakap na ibang-iba sa kanyang katawan. Parang ang yakap na nangungulila sa taong mahal.
Naramdaman ni Frances ang yakap na iyon at may kung ano’ng alaalang hindi klaro sa kanyang isipan ang bigla na lamang nagpakita.
“Let me out,” wala siyang sapat na lakas.
She tried to push him again but Jony pulled her to go inside.
“I won’t let you go for now,” bulong nito.
BINABASA MO ANG
LOVE AFTER LUST (COMPLETED)
Художественная прозаFrances and Jony's love story. Credits for the book cover.