Isinulat ni
Jhemar LagataCHAPTER 14
Hindi siya mapakali. Kinakabahan at natatakot sa ano man ang maging resulta ng operasyon.
Sinisi niya ang sarili sa nangyari sa asawa. Kung sinundan niya ito ay baka napuna niya ang aksidente. Sinisisi niya ang sarili.
Maya-maya pa’y lumabas ang doktor. Napatayo siya mula sa pagkakaupo at sinalubong ito upang tatanungin.
“Doc, how is my wife?” nababakas sa boses ang kaba niya. Natatakot sa kung ano man ang resulta.
Tumingin sa kanya ang doktor nang may lungkot sa mukha. Siya’y naghihintay na sana ay magandang balita ang sasabihin nito. At sana ay walang malaking natamong problema sa katawan ang asawa niya.
“Your wife will undergo surgury. Basag na basag ang kaniyang ilong,” dahil sa narinig ay napasapo siya ng noo at napayuko. Inisip na kung sinundan sana niya ang asawa ay siguro hindi iyon mangyayari.
Siya ay sisingsisi sa sarili. Gusto na lamang niyang suntukin ang sarili’t ilibing ng buhay.
“Do the best operation, doc. My wife should be alive,” hiling niya sa doktor. Maluluha na rin siya.
Gagawin niya ang lahat para sa asawa. This time, hindi na siya magsasayang pa ng panahon para sa asawa.
“We will do our best … ” Aalis na sana ang doktor pero bigla itong huminto at muling bumaling sa kanya.
“Before I forgot, your wife is pregnant.” muling baling nito sa kanya.
Gano’n na lang ang kanyang gulat dahil sa balitang iyon. Is that true? His wife was pregnant?
“T-thank you for that good news,” tugon niya. Pero hindi niya pa rin maiwasang hindi mag-alala.
Umalis na ang doktor at naiwan siyang inisip ang huling sinabi ng doktor bago ito umalis.
Hindi nga ba nagbibiro ang doktor na yaon? Buntis nga ba si Frances? Tila ang mga tanong na iyon sa kanyang isip ay siyang nagpapagulo sa kanya. Umupo ulit siya sa upuan para isipin iyon.
KINABUKASAN, bumalik si Jony para kumustahin ang kalagayan ng asawa.
Sa isip-isip niya ay sana maayos na ito.
“I hope… ” anas niya.
Matagumpay ang operasyon na ginawa ng mga doktor para lamang maibalik sa dating anyo ang nabasag na ilong ni Frances. Nakaratay sa kama ang katawan ni Frances habang wala pa ring malay.
Pagkatapos ayusin ni Jony ang pinamiling mga pagkain ay tumabi ito sa kama ni Frances at hinawakan ang kaliwang kamay ni Frances. Una niyang ginawa ay hinalikan ito at nilagay niya sa kanyang pisngi. Dinamdam niya ang init ng palad ni Frances.
“Baby, ” tawag niya sa nakahilatang si Frances. Siya’y nakatitig sa nakapikit na asawa. “I’ve been searching you for a long years. I’ve been looking your existence for that so long years. Ngunit hindi ako sumuko dahil alam ko na mahal mo pa rin ako. Hindi ako sumuko sa paghahanap sa ’yo dahil nararamdaman ko na ikaw talaga ang true love ko. Oo, inaamin ko na nagkamali ako. Nagtaksil ako.” pinipigilan niya na hindi maiyak. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Frances. “Destiny find ways to let our path cross again. And destiny didn’t failed to do it.” malungkot itong tumingin sa nakapikit na mata ng asawa.
“I always praying na sana makikita na kita,” animo’y nakikinig talaga sa kanyang ang kinakauusap. “Minsan na din akong nawalan ng pag-asa. Huminto ako sa paghahanap sa ’yo.” huminto siya sa pagsasalita.
BINABASA MO ANG
LOVE AFTER LUST (COMPLETED)
Художественная прозаFrances and Jony's love story. Credits for the book cover.