CHAPTER 17
HINDI alam ni Frances kung paano niya pahupain ang galit na namumutawi sa kanyang katawan. Paanong naloko na naman siya ng kanyang asawa? At bakit?
Habang iniisip ang mga bagay na iyon ay dumaos-os sa mata niya ang mga luha. Ang luha na noon din ay kanyang nailabas; noong niloko at pinagtaksilan siya ng kanyang asawa at ng kanyang matalik na kaibigan.
Gusto niyang hindi umiyak pero kapag naisip niya ang nangyari ay parang may sariling buhay ang mga luha niya. Ang akala niya’y tapos na ang problemang iyon. Hindi oa pala. Akala niya’y magiging masaya na siya muli sa piling ng asawa.
Nais siya at galit. “Manloloko ka talaga!” hinampas niya ang unan habang patuloy sa pag-iyak. "Akala ko mahal mo talaga ako!” parang naghihinayang siya na muli niyang pinagbigyan si Jony.
Sinubsob niya ang mukha sa unan at umiyak nang umiyak. Para siyang binaril sa puso. Naninikim ang dibdib niya.
Niloko siya sa nakaraan niya at ngayon ay niloko rin ng kasalukuyan. Parang guguho ang kanyang mundo. Nais na niyang magpakain sa lupa. Wala nang pagsisidlan ang kanyang sakit na naramdaman.
Ang sakit, hindi masusukat ang naramdamang hapdi sa puso ni Frances. Ang mga pangyayaring iyon ay siyang dahilan para mawalan na siya ng pagtitiwala. Ayaw na niyang pagkatiwalaan si Jony. Ayaw niya nang lokohin pa siyang muli nito. Para sa kanyang sarili at sa magiging anak niya, lalayo siya. Kailangan niyang makalayo sa amerikanong iyon. Hindi na magandang manatili pa sa lugar na makikita ang manlolokong tao.
MADALING araw na nagising si Frances. Ngayon lamang ito nangyari sa kanya. Dati ay late na siyang magising.
Bumangon na lamang siya at naligo. Malamig man ang tubig ay ininda na lamang niya.
Pagkatapos niyang maligo roon ay lumabas siya ng kuwarto at tinungo ang kusina. Napahinto siya sa may salas at may nakita siyang bagay na hindi niya pag-aari, ito ang cell phone ni Jony.
Ano’ng gagawin niya sa cell phone na ito? Sigurado siyang kailangan ito ni Jony.
Kinuha niya ang cell phone. Ihahagis niya sana ito sa pader ngunit may napansin siyang litrato. Ito ang mukha niya at ginawang wallpaper ni Jony. Tila umosbong ang kunting kiliti sa tiyan niya.
May kung anong bagay ang naghudyat sa kanya na halungkatin ang gallery nito. Baka may makita siyang litrato na magpapatunay na mag-asawa nga si Cheska at si Jony.
She scrolls to gallery. Kinakabahan siya habang naghalungkat at parang ayaw na lang tingnan ito.
Isang album lang ang nando’n. Una niyang nakita ay ang mukha ni Jony noong bata pa ito. Tinitigan niya ang litrato. Ang kisig pala talaga ni Jony sa kapanahonan nito.
She slided to the next picture.
Ang akala niya ay mga litrato lamang ng sariling mukha ni Jony ang nakapaloob sa gallery pero nagkakamali siya pagkat kasunod ng unang litrato ay ang mga lumang litrato ni Frances. Madaming mukha ni Frances ang nando’n. Parang siya ang nagmamay-ari ng cell phone dahil lamang napuno ito ng mukha niya. Bawat litrato na nando’n ay mga stolen shots niya.
Sa isang daang litrato sa huli nito ay ang litrato ni Jony kasama siya na masayang ngungiti. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib. Ang litrato na ito ay kinunan noong kasal nila. Noong araw na hindi pa siya niloko ni Jony. Biglang tumulo ang kanyang mga luha. She deletes the picture.
Hinalungkat nang hinalungkat ni Frances ang buong cell phone ni Jony hanggang sa may isang app na kumuha ng kanyang atensiyon.
Diary App?
Binuksan niya ito. Wala itong password. Pagbukas ay may isang file na umagaw ng kanyang atensiyon. Isang file na may paksang “My Dear Frances”. She clicked the file and it pops up on the screen. Mataas na letter ang nakapaloob nito.
Dear Diary,
Alam mo diary? Hindi ko akalain na makikita ko na ang babaeng mahal na mahal ko. Hindi ko akalain na after 10 years of searching her, finally I found her but there’s a problem diary. She even didn’t know me. Hindi ko alam kung kinalimutan niya lang ba ako o pinilit niya ang sarili na hindi ako kilalanin. Diary, noong nakita ko siya'y iba talaga ang naramdaman ko. Masaya ako at may iba pang emosyon na nararamdaman na mahirap ipaliwanag. Halu-halo ang aking emosyon. May amnesia pala siya diary kaya hindi niya ako kilala. Pero hindi ako sumuko diary dahil may nagsabi sa akin na, “Kahit may amnesia ang mahal mo at kung mahal ka niya. Ang isip lamang ang nakakalimot nito pero ang puso ay nakaalala ngunit hindi lamang ito tanggap ng ating utak.” Hindi ko alam kung totoo ba iyon pero sana ay bumalik na sa aking piling ang asawa ko. Sana maalala na niya ako. Diary, nagsisisi ako sa aking kasalanan. I made a mistake that makes me suffer. Lasing kasi ako noong araw na iyon. Hindi ko kilala ang babaeng bigla na lamang umakit sa akin. Nalaman ko na lang na siya pala ang matalik na kaibigan ni Frances. Diary, tulungan mo naman akong maibalik sa akin ang asawa ko, oh.
-Jony
Ang sulat na iyon ay nagpakirot ng kanyang dibdib. Ano’ng gagawin niya ngayon? Paano niya malulutas ang problema?
Nilagay niya sa kanyang bulsa ang cell phone. She needed to talk with Jony. Kailangan niyang malaman ang katotohan. This time, she needed to listen.
Kaagad nilisan ni Frances ang sala at tinunton ang pinto. Pagbukas niya ay napahinto siya. Gulat siya sa nakita niya.
Bakit sa labas ng bahay niya natulog si Jony? Yakap ni Jony ang sarili.
Umupo si Frances para magkaharap sila ni Jony. Hinawakan niya ang pisngi nito at hinaplos-haplos. Nagsisisi siyang hindi siya nakinig dito. Bakit hindi na lang umuwi ang amerikano? Ang ibig ba na sabihin nito ay mahal talaga siya nito?
DAHIL sa naramdamang kamay na dumampi sa kanyang pisngi, napamulat ng mata si Jony at bumungad sa kanya ang mukha ng asawa. Walang pasabi na dinamba niya ito ng yakap. Hindi umalma si Frances sa ginawa niyang pagyakap. Hinayaan lamang siya nito bagkus ginusto rin ni Frances ang yakap niyang maghigpit. Yakap niyang puno ng pagmamahal.
“Baby, please listen to me...” ang boses niya ay may lungkot.
“Let’s not talk that here,” nabuhayan siya sa kanyang narinig. Ibig ba na sabihin ay hindi na galit sa kanya si Frances?
Tumayo siya mula sa pagkahiga. Unang lumakad si Frances kaya sumunod siya.
BINABASA MO ANG
LOVE AFTER LUST (COMPLETED)
General FictionFrances and Jony's love story. Credits for the book cover.