CHAPTER 20

208 4 2
                                    


CHAPTER 20

NAGMADALI siyang pumasok at nagtanong sa nurse kung saan dinala si Jony. Ngunit biglang gumuho ang kanyang mundo ng sinabi ng nurse na na morgue daw ang katawan ni Jony. Nasampal pa niya ang nurse dahil niloloko lang siya nito. Mabilis niyang tinunton ang morgue.

Sa oras na makompirma niyang wala sa morgue ang katawan ni Jony papatayin niya ang nurse na iyon.

Mula sa sulok ng morgue ay may kaisa-isahang patay na katawan. Kasing haba ito ni Jony. Ayaw niya sana itong tingnan pero parang may tumulak sa kanya para tingnan ito.

“Jony?” hindi makapaniwalang sambit niya. Ngunit sa pagbukas niya sa kumot na nakatuklob nito ay hindi si Jony ang nakita niya.

Nasaan si Jony?

Pabaling-baling si Frances sa loob ng morgue. Wala siya ni isang makitang katawan ni Jony.

Tila naguguluhan siyan. Saan si Jony? Kung patay na ito, bakut wala rito?

“Sino’ng hinahanap mo?” isang malamig na boses ang kanyang narinig mula sa kanyang likuran pero alam na alam niya kung kanino iyon galing.

Paglingon niya sa kanyang likuran ay naka-wheel chair na asawa niya ang nasilayan niya. “Buhay ka!” Maluha-luha niyang dinamba ng yakap si Jony.

Buong akala ni Frances ay wala na ang asawa niya. Akala niya ay tatanda na siya mag-isa.

“Nakaligtas ako,” hahihirapang saad nito.

Niyakap niya ito ng mahigpit at dinama ang bawat haplos nito sa kanyang buhok.

1 year later…

BUONG-BUO na ang pamilya ni Frances at Jony. Kasama ang anak nila ay masaya silang namasyal sa tabi ng dalampasigan.

Masaya silang nagliliwalig at panay ang ngitian sa isa’t isa.

Huminto sila at inabangan ang paglubog ng araw. Parehas silang nakaupo sa buhangin.

“Sana ay mananatili tayong ganito.” Sumandal sa balikat ni Jony si Frances.

“We will,” ngumiti si Jony. “Kung mayro’n man tayong problemang pagdadaanan, alam natin sa isa’t isa na kaya natin itong malampasan. Basta’t maniwala lang tayo at mamahalin natin ang isa’t isa.”

“Love will conquer all,” dagdag ni Frances.

“It is,” sang-ayon naman ni Jony.

Kasabay ng paglubog ng araw ay ang paghawak kamay nina Jony at Frances. Nagpapahiwatig na, sa pagdating ng mga taon ay handa sila at hawak kamay sila para harapin ito.

Wakas...

LOVE AFTER LUST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon