𝚇𝙸𝚅

85 8 0
                                    

Jenny's POV.

Napabalikwas ako nang bangon habang hinahabol ang hininga ko.

"Jen" rinig kong tawag sa'kin ni Mama kaya napalingon ako sa kaniya. Sunod-sunod nila akong tinignan kung kamusta na ang lagay ko at agad akong niyakap.

"Mama.." agad kong niyakap nang mahigpit si Mama at hindi na napigilan ang luha ko. Niyakap din niya ko pabalik at hinaplos-haplos ang likod ko.

"Mama.. I'm sorry.. hindi ko sila n-naligtas.." humihikbing sabi ko.

"Shhhhh.. it's not your fault hmm? Namatay sila dahil gusto ka nilang mailigtas. Wag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan" sabi ni Mama. Hindi ako sumagot at mas humikbi lang.

"Sobrang nag-alala kami sa'yo" wika ni Nathalie.

"Oo nga, akala namin kung ano nang nangyari sa'yo. Ang tagal mo kasing magising" sabi naman ni Thrist. Bumitaw na ko sa yakap at tumingin sa kanila.

"Sorry pinag-alala ko kayo" sinsero nila akong nginitian.

"Ano ka ba. Okay lang, atleast ngayon okay ka na" tumango nalang ako at bahagyang ngumiti.

Pinunasan ko ang luha ko ngunit may bigla akong naalala. Yung marka ng hiwa sa pulso ko.

Agad kong hinanap ang sugat sa pulso ko pero nagtaka ako nang mawala ang bakas nito.

"Y-yung sugat.. nasaan yung sugat?" nagtatakang tanong ko habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang pulso ko.

"Anak.. anak wala na yung sugat" taka akong napatingin kay Mama.

"B-bakit..?"

"Pinahilom ni Vampse yung sugat mo. At isang araw ka ring walang malay. Ngayon ka lang nagising" nang banggitin ni Mama ang pangalan ni Vampse ay agad ko siyang hinanap.

"Si Vampse.. s-si Vampse nasaan siya—"

"Here" napalingon ako sa may pintuan nang magsalita siya.

Nginitian niya ko at nagsimula nanamang mamuo ang mga luha ko.

Umupo siya sa tabi ko. At naramdaman ko ang gulat niya nang bigla ko siyang yakapin nang mahigpit.

"Vampse.. Vampse I'm sorry.." nagsimula na kong humikbi. Niyakap niya rin ako pabalik at inginudngod ang mukha niya sa leeg ko.

"Shhhh.. tahan na.."

"I'm.. I-I'm sorry I forgot about you.. I'm sorry for your p-parents' death.. I'm sorry.." marahan niyang hinaplos ang likod ko.

"Tahan na, Jen. Nangyari na 'yon, hindi na natin maibabalik. Atleast ngayon, naaalala mo na ko" naramdaman ko ang dahan-dahan niyang pag-ngiti.

Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya kaya naman bahagya na siyang natawa.

Bumitaw na ko sa yakap at siya ang nagpunas ng luha ko.

"Iyakin" natatawang sabi niya at napanguso ako. Binatukan ko siya bilang pagbawi.

"Aray!" angil niya at napahawak sa bandang iyon.

"Sinong iyakin, ha?" sabi ko.

"Ehem" agad kaming napalingon nang sabay-sabay na gumano'n sila Mama.

"By the way, naghanda ako ng pagkain. Alam kong gutom na gutom ka na, Jen. Halina kayo, kumain na tayo" sabi ni Vampse at tinulungan akong tumayo.

Pumunta na kami sa dining area at natakam ako agad sa mga inihanda niya. Umupo na kami sa upuan at nagsimula nang magsandok ng pagkain, at nagsimula na rin kumain.

Vampire's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon