Tangang Puso [Short Story]

21 0 0
                                    

Ako nga pala si Sandra. Matagal ko ng gustong-gustong magkaroon ng LOVE LIFE. As in BOYFRIEND. Kaso hindi pa sya dumarating.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Nandito ako ngayon sa bahay. Nagwa-wattpad. Nagbabasa ng mga kung ano-ano. Mga Teen Fiction. Or... mga EXO  Fan Fiction.

Hayy!!! Ang boring. Ano bang pwedeng gawin? Hmmm...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

*ting*

Ahh!!! Alam ko na!

°°°°

La la la~~

Nandito ko sa mall. Kaysa sa magkulong ako sa kwarto, mag sha-shoping nalang ako.

Pumunta na ko kung saan-saan. Wala parin akong nabili. Wala akong nagustuhan sa kanilang lahat.

Kumain nalang ako. Tapos umuwi na.

°°°°

Kinabukasan...

Nasa park ako ngayon. Wala lang. Ewan ko nga kung bakit ako nandito eh.

Hmm hmm hmm ~~~

Naglalakad-lakad lang ako. Naka cellphone lang din. Ka-text yung friend ko.

Nga pala... may Boyfriend na ko. Ang saya ko talaga nung nagkaroon na ko eh. Laging sweet kami.

Ang saya nya kasama. Lagi kaming lumalabas. Kaso... ngayon, pag niya-yaya ko syang lumabas, ayaw nya. Busy daw sya sa work. Ewan.

Minsan iniisip ko baka may iba na sya... kaso BAWAL MANGHINALA. Kaya sabi ko WALA. WALA SYANG IBA.

°°°°

Lakad lang ako ng lakad dito sa park.

Habang naglalakad ako...

*slappp*

“MANLOLOKO!!!"—ako

“Babe? Anong ginagawa mo dito?"

Sino pa bang kausap ko? Edi ang boyfriend ko.

Nakita ko lang naman sya na may kasamang iba. Ang lakas ng loob na MAMBABAE. Bwiset!!!

“Wait!! Who are you??" Tanong sakin nung babaeng kasama nitong TARANTADO kong boyfriend.

“Sino ko? Ako ang GIRLFRIEND ng kasama mo. Eh ikaw? Who are you?" Inis na sagot ko dun sa BABAENG MALANDI.

“Sorry Sandra. Hindi na kita mahal." Biglang sabi ni Mark. Ang boyfriend ko.

“Ahh... ganon?? Ok!!..." sabi ko ng nakangiti. Pero naiiyak na ko. “Sabi ko pa naman sa sarili ko na WALA KANG BABAE. Mali pala ko... Now, break na tayo." Dagdag ko pa sa sinabi ko.

At umalis na ko. Ayoko ng makita pa sila.

Uuwi nalang ako.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makatulog ako.

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Matagal na kong hindi maka move-on sa nangyaring yon. Anim na buwan akong nakakulong sa kwarto ko. Iyak ng iyak.

Ngayon, nandito ako sa park kung saan ko nakita ang taong kinaiinisan ko.

Naglalakad tulad ng mahilig kong ginagawa.

Hanggang sa may mabangga akong lalaki. Tulala pa kasi ako eh.

“Sorry." Sabay naming sabi nung lalaking nakabangga ko.

“Ok lang." Sabay ulit naming sabi.

Natawa nalang kami sa reaksyon namin. Lagi kaming sabay. Hahaha!!!

°°°°

Well, naging magkaibigan kami nung nakabangga kong yon.

Actually, mabait sya, masarap kausap, at syempre gwapo. Haha!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa tagal na naming magkaibigan ni Raymond (nabangga ko noon), lagi na kaming magkasama. Kung saan-saan pumupunta.

Nandito si Raymond ngayon sa bahay ko. May sasabihin daw sya eh. Dito nalang daw kami mag-usap sa bahay. Kaya pumayag nalang ako.

“Uhmm... pano ba sisimulan?"—sya

“Ano ba yung sasabihin mo?"—ako

Pumikit sya at... “MAHAL KITA." Mabilis nyang sabi.

Dinilat nya yung isa nyang mata at tinignan ako. Nung nakita nya na ko, dinilat nya na ang dalawang mata nya.

Mahal nya DIN ako?

“Pwede bang manligaw?" Tanong nya.

Dahil choosy ako... nag-oo nalang ako. Syempre kailangan ko munang magpaligaw bago sagutin sya.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Naging kami din sa huli. Sinagot ko na sya. At ang saya kasi hindi na nangyari yung nakaraan. HINDI AKO NILOKO ni Raymond. 8 years narin kami.

At ngayon ay nakaluhod sya sa harapan ko at niyayayang magpakasal.

“Yes!!" Sagot ko.

Bigla syang tumayo at niyakap ako. Naiiyak ako sa sobrang tuwa. Tears of joy kumbaga.

Sa tagal na naming nagmamahalan, ngayon ay magpapakasal na kami. Ang sayang magkaroon ng ASAWANG napaka bait, masarap kausap/makasama, at higit sa lahat gwapo.

Ang SAYA.

“MAHAL NA MAHAL KITA SANDRA...!"

“MAHAL NA MAHAL DIN KITA RAYMOND...!"


-THE END

(A/N:) Sana po nagustuhan nyo ang story ko. kahit medyo magulo. Salamat sa mga nagbasa. Labbb yahhh!!! Mwuaahhh!!!

Ito po ay mga kathang-isip lamang...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tangang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon