chapter 4

2 0 0
                                    

Chapter 4
Fierce

Tingin ko ay nasa maayos na akong kalagayan. Kaya ko na ang sarili ko kaya napag-isipan kung papasok ako ngayong araw dahil naka boring kapag dito ako everyday sa bahay. Binibisita naman ako ni Markus pero nakakasawa yung ganun. Wala akong ibang nakakausap kundi si Manang sa umaga hanggang hapon. Pagdating sa gabi si kuya or si Markus ang bumubungad saking kwarto.

Sinabi ko sa sarili ko kahapon na maaga akong babangon para maka pag prepare pero dahil sobrang tamlay kung gumalaw ay unti-unti akong nauubusan ng oras. Nakasuot na ako ng uniporme inaayos ko lang ang buhok ko habang nakaharap sa salamin pero bakit ba ako kinakabahan? Wala dapat akong ikatakot diba? Or baka excited lang ako kaya sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bahala na nga diyan, nakasanayan ko na kaseng hindi pumasok kaya parang wala lang sakin ang oras. Okay na yan, kunting lipstick at powder sa mukha.

Tumakbo na ako pababa ng hagdan pagkababa ay hinanap agad ng mata ko si Manang para magpaalam. Dumeretso ako ng kusina pero bakit wala yata siya dito. "Manang!" Tawag ko baka sakaling may sasagot. Wala siya dito baka nasa labas nagdidilig na naman ng halaman niya. Sa labas ang tingin kung dun ko siya mahahanap kaya tumakbo ako palabas. Pagkabukas ko ng pinto rinig ko ang umaandar na sasakyan teka baka si kuya yan na lalabas sandali sasabay na ako sa kanya pahatid narin ako sa school. Pagkatapat ko sa garage kita ko dun si Manang kinakawayan si kuya na nasa loob na ng sasakyan. "Kuya sandali!" Sa sobrang lakas ng sigaw ko halos mapatalon si Manang sa gulat. Mabilis akong lumapit sa may pintuan ni kuya para sabihing hintayin niya ako. Pansin ko ang reaksiyon ng dalawa na hindi makapaniwala lalo't hindi ko binanggit sa kanila na papasok ako ngayon. "Ano saan ka punta?" Gulat na saad ni Manang. Alam kung ganun din ang sasabihin sakin ni kuya kaya di na niya tinuloy ang sasabihin. "Uhmm Papasok po ako ngayon Manang, okay naman na ako kaya ko na ang sarili ko." Sabi ko sabay yakap sa kanya kahit takang-taka na siya sakin na nakapang bihis school. "Hija, talaga bang kaya mo na? Pano kung saktan ka ulit Dios ko naman Lord."

Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi ni Manang sobra siyang mag-alala kaya ko naman na ang sarili. Hindi ko na hahayaang maulit pa ito sakin. Gaganti na talaga ako kapag may manakit sakin. "Oo Manang kaya ko ang sarili ko. Promise mag-iingat na ako sa school uuwi akong safe mamayang hapon. Sige na Manang bye bye." Kunaway na ako at tumakbo sa kabilang door ng sasakyan ni kuya para makapasok. May sinasabi pa si Manang pero hindi ko na yun pinansin. Malalate na ako kaya kailangan ko ng magmadali tapos baka si kuya rin ay malate hahatid niya pa ako.

"Papasok ka? Okay ka ah, alam ba yan nila Mommy?" Yan na agad ang bumungad na tanong pagkapasok ko. Napaisip tuloy ako nung binanggit niya si Mommy. Oo nga no, tingin ko hindi naman magagalit ang mga yun. Di nga sila umuuwi ng bahay minsan lang sila mangamusta ano rin pake nila. "Oo papasok ako dahil malapit na ang exam hindi naman pwedeng sa bahay nalang ako palagi." Dahilan ko pa talaga ang exam pero pasok na dahilan parin yun dahil malapit na talaga. "Okay sabi mo yan, seatbelt mo ayusin mo baka mabagok pa ng tuluyan yang sirang ulo mo." Aba ayos ka rin sakin kuya ah.

Pagkatapos akong ihatid ni kuya sa school akala ko aalis din ito agad pero tinawagan pa nito si Markus para meron daw akong kasabay umakyat. Kahit natagalan si Markus sa pagdating ay pinagtiisan pa yun ni kuya. Binilin niya ako kay Markus na bantayan daw ako kase baka hindi na ulo ang mababagok kundi buong katawan. Syempre hindi ko na yun hahayaan na mangyayari sakin.

Medyo kinakabahan ako habang paakyat ng aming floor ilang weeks narin kase akong hindi pumapasok medyo naninibago nga lang. Tapos marami ang pumapansin sakin pero ayaw ko silang lingunin basta nakahawak nalang ako sa braso ni Markus at patuloy sa paglalakad. "God! Papasok ka pala ngayon tapos di mo manlang ako sinabihan." Tingin ko pangatlo na yatang sinabi to ni Markus pero di ko parin siya sinasagot. "Bakit naman kita sasabihan, maski ako nga nagtataka kung bakit ako pumasok ngayon." Pangatwiran ko. "Huh, no I mean gusto kung pumasok ka gustong-gusto pero ang sakin lang is sana sinabihan mo ako para ayusan ka para pagdating mo dito sa school iba ang aura mo." Kunot noo at napa side glance ako saking kaibigan. Anong gusto niyang mangyari? "Argg huwag mo akong bigyan ng ganyang tingin. Kaya nga tayo bumili ng make-ups kase gagamitin mo yun sana today na papasok ka sa campus. Ipakita mo kung sino ka ganun, ipakita mo sa higad na Dianna na mas maganda ka to the top level." Oo siya na ang malawak pag-iisip. Gusto ko nang mag move on actually kase everytime na iniisip ko yung about samin ni Mau parang nakakadurog ng puso. Gusto ko na siyang kalimutan pero pano? Kahit na huwag ko na muna to isipin ngayon.

kissing rainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon