[Chapter:7]
"Manong para po" sabi ko sa driver habang maingat na bumaba sa jeep. Mag aalas diyes naman na ng gabi at kitang kita kong bukas pa rin naman ang ilaw sa loob ng bahay. Kumatok naman ako at ang bumukas ng pinto ay si papa Fernando at isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin.
"Jusko saan ka ba nagpupupunta anak anong oras na ng gabi ha!? Hindi ka namin ma contact at hindi naman alam nila Lia kung naasan ka ha!? Saan ka ba anak ko!? Nakatulog na si mama mo kakahanap sayo" Pagaalalang sambit ni papa habang hinihimas himas ang aking ulo at ang aking likod.
"Sorry papa" yun na lamang ang aking nasabi dahil paniguradong isang malaking panenermon ang aabutin ko kay mama. Alam kong nagaalala sila dahil pang ilang beses ko pa lang ma- late ng uwi ng bahay.
"Tara na pumasok kana, kumain kana ba?" Tanong ni papa sa'kin habang inilagay na sa sofa ang aking bag. Nakita ko naman si ate Jenlyn na nakaupo pa rin sa sofa at kitang kita na nagaalala rin siya.
"Saan ka ba napunta Celestina?" Tanong sa akin ni ate Jenlyn nang maupo na ako sa sofa ...
"E kasi po ate at papa ano e" pangangatwiran ko dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. Paniguradong magugulat sila at hindi magugustuhan kung ikwento kong nakulong ako sa rooftip at ang kasama ko'y isang lalaki.
"Papa may inasikaso lang po kasi ako" sabi ko sabay yuko na lamang dahil baka mapansin ako ni papa na nagsisinungaling. Napabuntong hininga na lamang siya't pumunta sa kusina.
"Wag mo ng uulitin ha?? Nagaalala rin si baby" patuloy ni ate Jenlyn habang hinihimas ang aking likod. Napatingin naman ako sa umbok ng kaniyang tiyan at hinawakan ko ito.
"Dali na kumain kana at matulog alam kong gutom at pagod ka na" malungkot na sabi ni papa habang inihain sa lamesa ng sofa ang pagkain ko mayroong ding isang basong tubig na malamig. Natatakot akong makita ang isang malaking mukha ni papa na puno ng kabiguan, ngunit inangat ko pa rin ang aking ulo upang ngumiti sa kaniya dahil sa palagay ko'y naiintindihan naman niya ako.
"Salamat po papa" banggit ko sa kaniya. Kumain naman na ako at inintay nila ako hanggang sa matapos.
"Papa night night" paglalambing ko kay papa habang niyayakap siya't katabi sa sofa. Hinalikan naman niya ako sa aking mga noo at tumango. Alam kong ganito si papa tuwing siya'y nagtatampo sa'kin pero hindi ko rin siya masisisi dahil alam niya rin na nagsisinungaling ako't mali rin ang umuwi ng gabing gabi na ng walang paalam.
Umakyat naman ako ng hagdan at nag half bath lang saglit.. Iniwan ko naman ang aking cellphone na nakacharge at balak ko pa itong gamitin upang tanungin kila Lia kung naka uwi ba sila ng maayos.
Pagkatapos na pagkatapos kong magshower ay pinatuyo ko na ang aking mga buhok... Wearing my pajamas and lay down in my bed. Tinanggal ko naman na ang pagkakacharge ng cellphone ko at tinignan ang mga notifications.
Isnag unfamilliar number ang nagmessage sa'kin at binuksan ko ito.
_________________________________________
09****8*9**
[Bakit kayo na lock sa rooftop?]
ˢᵉⁿᵗ ⁱⁿ 9:07 ᵖᵐ..
Sino naman ito? Ang unang pumasok na lamang sa isip ko'y si sir K.
[Sino ho kayo?]
ˢᵉⁿᵗ ⁱⁿ 10:46ᵖᵐTinanong ko na lamang ang unknown number upang makasigurado na rin ako. Malay ko bang pano na lamang ang number ko at i-text na lang ako basta basta?
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Mystery / ThrillerFrancheska Celestine Mirasol Silbeste was a student in a school loaded up with a serial killer founders. The solitary thing to escape this school is to graduate college. However, imagine a scenario in which time passes by and he just considers and t...