Kevin’s POV
Ano bang problema ng Keziah na yun at sobrang bitter niya, tama nga si Dave maganda nga pero mapait, ano bang problema niya? Eh ano kung nasaktan siya before, iba iba naman kami ng naranasan.. Sungit pa niya kaya ko lang naman nalaman yung tungkol sa group na yun na nag-eexist pala ay sa barkada kong si Dave.
[FLASHBACK] YESTERDAY
Magkakasama kami ngayon ng mga barkada, pinoproblema ko pa din si Sheen, bakit ba siya ganon.
“Bro, what’s with you?, parang kanina ka pang nakatulala dyan”. Biglang nagsalita si Arwin isa sa mga barkada ko.
“Si Sheen kasi ee, ang hirap pakiusapan, ibang iba na yung mga katwiran niya ngayon, alam mo bang ang hirap na niyang kausapin, naiinis na ako sa sarili ko, haist” para akong baklang magreklamo dito.
“Hmm nitong mga nakaraang araw napansin ko na lagi siyang sumasama doon kina Via,” sabat naman nitong si Dave isa pang chickboy ng grupo.
“Sinu namang Via?” tanong ko
“Si Via yung ex ko na hindi ko na din nabalikan, well wala naman talaga akong balak, miyembro na yun ng walang forever club, I heard months ago”
“Oh! So anung kinalaman nun samin ni Sheen,?”di ko siya magets
“Si Via nagmember doon noong nagbreak kami and after nun di na din niya ako kinausap, kaya naging malabong balikan ko siya before, ayun marami namang iba kaya hinayaan ko na.”
“So sinasabe mo na baka nagmember din doon si Sheen kaya siya naging ganoon sakin?, ano bang meron sa grupo na yun?” curious kong tanong
“Ang alam ko bro, lahat ng sumasali dun mga sawi sa pag-ibig, tapos tinutulungan nilang magmove-on daw, weird no? may ganoon pa lang kaweirduhan ang school na to.” Natatwa pa niyang sabi
“Ngayon ko din lang napakinggan yang grupo na yan at para sa mga sawi? Anong klase naman yun, bakit naman nag-abala pang sumali si Sheen dun.” Tss anong klaseng grupo kaya yun
“Basta para sa mga heartbroken yun, Bro, they do things na makakapagmove on sila, Not so sure pero lahat ng nandoon nagiging aloof sa mga guys na chickboy daw, They don’t believe in forever as I’ve heard, Di ko alam kung anung kalokohan yun.”
BINABASA MO ANG
#Hashtag Walang Forever
Novela Juvenilsounds bitter? well that's better than ever..I write this story to give alternative ways on how to overcome ang walang kamatayang "walang forever" daw.. ayoko ng cliche kaya i made my own sari-saring version of this story.. It started with a girl na...