Chapter 9

21 1 0
                                    

Patuloy parin ako sa pag sunod kay Travis. Tangneneng naman nito ehh para na akong aso kasusunod sa lalaking ito ehh..pero natigilan ako ng mamataan ko si Jason kasama si Zac.!! Mabilis akong nagtago sa likod ni Travis. Hindi nya ako pwedeng makita nakakahiya kay Zac baka mag isip sya ng ano ano hindi pwede toh pano na ang future namin nito kung pag isipan nya akong nagtaksil sa kanya. Hindi man ako sigurado na sinabi ni Travis kay Zac yung narinig nya buti na yung sigurado. Pero mukha namang walang pakialam itong si snob prince kahit nagtatago ako sa likuran nya. Nanlaki ang mata ko ng huminto sila Zac at si Jason upang kausapin si Travis kaya ang ginawa ko ay maingat akong tumalikod sa kanila. Mabuti nalang at matangkad si Travis kaya hindi ako kita sa harap sana hindi nila ako mapansin.

"Trav, bro punta ka sa party ko mamaya ahhh" anyaya ni Jason

" Hindi ako pwede" walang ganang sagot ni Travis

"Lagi ka namang hindi pwede ehh, minsan naman maki-party ka bro"

"Oo nga naman Travis" segunda ni Zac. " Ga-graduate na tau pero ni isang party ay wala kang dinaluhan"

KJ paismid kung bulong sa sarili ko.

"Hindi tau magkapatid para tawagin akong bro.. Wala akong hilig sa parties"

"hahaha ikaw talaga di kana magbago anyway Maraming chicks dun, nakabikini kasi pool party"

"Walang sisiw sa pool" naka poker face na sagot ni Travis.

Napatawa ako sa sagot nya. Hahaha laughtrip talaga kausap itong si snob prince.

" Hindi yan ang ibig kong sabihin, i mean maraming babae dun, dont tell me hindi ka mahilig sa babae?"

Lihim akong napaisip sa sinabi ni Jason, dahil kahit isa walang na involve kay Traviz. Ito na ba ang tinutukoy ni Tricia?

Hindi sumagot si Travis pero alam kong hindi nagustuhan ni Travis ang ipinahiwatig ni Jason.

" Bro, hindi ka naman bakla diba? Kaya punta kana sa party mamaya"

"Wala akong dapat patunayan sa inyo"

"Teka sino yang nasa likod mo?"

Tanong ni Jason

Hala oh my gulay nakita nila ako..!!

Kaya bago panila ako silipin ay kusa na akong lumabas at ngumiti ng matamis sa kanila. Kumaway pa ako kahit hiyang-hiya na ako kay Zac.

"Oh, hi Kylie!" bati ni Zac sa akin. "Anong ginagawa mo sa likod ni Travis?"

"Huh? Ano" ano? Ano huh?? Nauutal na ako kung ano ang isasagot ko bumaling ako kay Travis na nakatingin sa akin. Biglang may nag ilaw sa ibabaw ng ulo ko yung parang may ideang naisip. Agad akong kumapit sa braso ni Travis na bahagyang nagulat sa ginawa ko.

"Kaya ayaw nyang pumunta kasi may date kami mamayang gabi"

Mukhang nagulat silang tatlo sa sinabi ko.

"Yo-you mean kayo ni Travis?" nagpalit lipat ang tingin ni Zac sa akin at kay Travis. Sorry Zac mylabs nagtaksil ako sau.

"Yes" sagot ko sa tanong nya

"Really?" ngumiti pa si Zac. " Well what i can say bagay kayo"

Ouch..!! No Zac tayo lang ang bagay walang iba. Bagay na sana tayo may hayop lang kasi. Nalungkot ako sa naisip ko kasi wala man lang kaunting trace na nagseselos sya. ASA pa ako. Kesa mag senti ako ay pinagpatuloy ko nalang yung pagpapanggap ko.

Snob Prince and the Gucci ShoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon