Nakita ko nalang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng sasakyan niya! Gusto kong magmaktol pero hindi ko na halos maibuka ang bibig ko dahil sa pag-iikot ng paningin ko.
Amoy na amoy ko na rin ang alak kapag sinusubukan kong magsalita.
Narinig ko nalang ang pag bukas at pagsara ng sasakyan. Alam kong nasa loob na siya ngayon.
Tiningnan ko siya at hindi ko malaman kung magagalit ba ako sa kanya dahil sa ginagawa nila ni Vivian o maging masaya dahil nandito siya ngayon kasama ko.
Titig na titig siya sa labas na para bang may kaaway siya roon at saka siya napa buntong hininga at hinampas ang manobela.
Nagulat ako sa inakto niya. Pumikit siya saglit saka bumuntong hininga ulit.
"Are you crazy!?" Tanong niya at binalingan ako.
Nakita ko sa mga mata niya na galit na galit talaga siya. Ewan. Pero nasasaktan ako.
"Bakit ba pinakikialaman mo 'ko?" Tanong ko rin sa kanya.
Nakita kong bahagyang naka angat ang labi niya. Pigil ang inis na kausapin ako.
"Stop asking and answer my damn question Hez!" Bahagyang sigaw niya na ikinagulat ko.
Parang napabalik ako sa wisyo sa bahagyang sigaw niyang yon. Parang hindi ako lasing at gusto ko nalang suntukin siya ngayon na.
"N-No. I mean.. I'm not crazy! Ano ba!?" Inis ko ng sabi sa kanya.
Tumatango siya at bahagyang nakaawang ang labi. Nakita ko kung paano siya tumingin sa mga mata ko patungo sa labi ko. At ilang saglit ay napaiwas siya ng tingin saka napabaling ulit sa harapan.
"Do you really want to do it huh?" Tanong niya
Tumango ako. Bumuntong hininga na naman siya.
"Friendly kiss lang naman yon. Wala namang masama dun. Bakit ba ang KJ mo!?" Dire-diretsong sabi ko
"I'm not KJ." Aniya
"E di halikan mo rin si Vivian. Tutal parang ayos na ayos iyong posisyon niyo kanina ah." Sabi ko na binalingan siya
"Teka, nasaan na nga ba 'yon? Na ikama mo na ba?" Tanong ko kasi hindi ko na nakita ulit si Vivian. Siguro may nangyari na sa kanila kaya bumalik.
"Pero ang bilis naman?" Kunot noong dagdag ko.Kitang kita ko na bahagyang laglag panga siyang bumaling sakin. Geh! Jay Drix Del Campo, ngayon mo sabihin sakin kung anong totoong kulay mo!
Ilang saglit ay nagka salubong ang kilay niya at hindi napigilang humalakhak.
Ako naman ngayon ang nagka salubong ang kilay at inis na inis dahil sa reaksyon niyang yon!
"W-What's funny!?" I asked
Hindi pa rin siya humihinto sa paghalakhak na para bang may nakakatawa sa mga sinabi kong yon.
"Stop laughing ano ba!" Bahagyang sigaw ko na ikinatiklop niya.
"Tumawa ka ulit at susuntukin na talaga kita! Abnormal kang bakulaw ka!" Inis kong sabi
"Next time, don't you dare kiss someone's cheeks or lips. Damn! That's my law, Hez. Batas ko lang ang susundin mo." Sabi niya na ikinaawang ng labi ko.
"Don't forget that. Batas ko. Na ikaw lang ang susunod." Mariin niyang dagdag
Naitikom ko ang bibig ko saka napabaling sa harapan.
Bakit ba kapag siya na ang magsasalita ay natitiklop ako at parang ayaw ko na nang away? Abnormal na rin kaya ako?
Tumikhim ako saka nagsalita.
BINABASA MO ANG
LA COSTELLE (COMPLETED)
Ficción GeneralMinsan may mga taong bulag sa Pag-ibig. Minsan may mga taong matigas pagdating sa Pag-ibig. Pero minsan, may mga taong naiintindihan kung ano nga ba talaga ang Pag-ibig. Desisyon, Tiwala at Sakripisyo. Pero isa lang sa mga iyan ang mas mananaig pagd...